Chapter 52

341 29 0
                                    

Third Person Point Of View



"Handa na ang ating hukbo kamahalan, ang inyong hudyat nalang ang aming hinihintay para umusod"


Wika ng isa sa mga kawal ng Arfis sa kanilang Hari. Katabi nito ay ang Prinsipe ng Arfis. Na syang naka handa narin sa gaganaping digmaan.


"Ama, kung maaari ay wag na kayong magpatuloy sa pag sama saamin, natitiyak kong kaya ko ng pamunuan ang ating hukbo"

Panimula nito sa ama.

"Bilang isang Hari hindi ko hahayaang ma makita ang aking hukbo na mag hirap sa digmaan kayat nararapat lamang saakin na sumama at tumulong sa lahat ng aking makakaya."

"Ama"

"Aking anak."

Wika ng kanyang ama ngunit naputol ito matapos sumiklab ang isang asul na apoy sa kanilang harapan. Kasabay nito ang pag kaagaw pansin ng mga kawal at hindi maiwasang ma mangha sa na saksihan,

Agad nag siluhod ang mga ito sa kanyang presensya.

"Kayo'y mag sitayo, lalo kana kamahalan, ako'y hindi mo dapat bigyan ng pugay dito sa iyong kaharian sapagkat akoy isang dayo lamang"

Wika ni Azaiah kasabay ng kanyang pag alalay sa Hari ng Arfis na labis naman nitong ikina mangha.

"Ang iyong busilak at mapag kumbabang puso ay iyo ngang na mana sa inang Reyna. Natitiyak ko ngang nararapat mapasa iyo ang Olympus upang kamo ay ma pangalagaan"

Wika ng hari sa kanya.

"Ngunit ano ang iyong sinandya dito? At bakit wala ka sa tamang kasuotan ng pandigma?"

Tanong ng hari sa kanya.


Pati si Blaze ay nagulat din sa kasuotan nito dahil naka pang labas na damit ito. Suot ang isang pantalon sapatos at isang asul na pang itaas.

"Ako'y pumarito upang makiusap sa inyo. Nais kong pumarito lamang kayo sa inyong kaharian upang magsilbing bantay habang ang inyong hukbo ay aking kasama sa digmaan "

"Ngunit"

"Batid ko ang iyong nais kamahalan ngunit, kung ang hari ay sasama sakin, natitiyak kong lulusubin ng ibang kampon ni Pluto itong inyong palasyo at maaring uwian mo ang iyong kaharian na nawasak na"

Pag papaliwanag ni Azaiah sa Hari ng Arfis. Kaagad namang tumango ito at pumayag sa kanyang pasya.

"Wag kang mag alaa kamahalan. Natitiyak kong pamumunuan ng isang matapang na taga Arfis ang iyong hukbo. Natitiyak kong napanday na ang kanyang husay at kapangyarihan. Gagawin ko ang lahat upang ang elemento ng Apoy ay tuluyan nyang mapangalagaan at magamit ito ng husto sa digmaan "

Wika ulit ni Azaiah habang si Blaze ay nakatingin sa magiging reaksyon ng kanyang Ama.

"Kung gayon, ang aking pasyay mag babago. Anak, naway kaawaan kayo ni bathala  at sanay magwagi ang liwag sa kadiliman."

Saad ng hari ng Arfis na ikinagalak ni Blaze.

"Salamat sa pag unawa kamahalan. Akoy mag papalam na, pupuntahan ko pa ang ibang kaharian para bigyan sila ng babala, makikita nyo ang aking palatandaan, hudyat ng ating pag usod sa digmaan,  sa harapan ng inyong kaharian. Blaze, inaasahan kita. Paalam kamahalan "

Pamamaalam nito na tinanguan naman ng Prinsipe ng Arfis, kasunod ng kanyang biglang pag laho.

Sakabilang banda, ang lahat ng kaharian, ay handa narin sa pag lusob. Ang kani kanilang hukbo ay naayos na sa harapan ng kanilang kaharian. Gaya ng pakiusap ni Azaiah sa mga Hari ng apat na kaharian, ay nag pasyang pumanatili sa kani kanilang kastiyo ang mga hari.

"Hey, handa kana ba sa magaganap ngayong araw?"

Bulong ni Lark kay Azaiah habang silay naka tayo sa pinaka tuktok ng kastilyo ng Sylph.

"Oo. Eh ikaw?"

Balik tanong nito kay Lark dahilan para mapatingin ito sa kanyang mga mata.

"Natatakot ako sa mangyayari Azaiah, alam kong hindi sapat ang aking lakas para pamunuan ang aming hukbo. Nakita mo iyon nuong subukan kong wasakin ang bulalakaw kahapon. Natatakot din akong baka hindi kita magawang protektahan kung sakaling kakailanganin mo man ng tulong ko"

Maluha luhang sagot nito saka yumakap ng mahigpit kay Azaiah.

"Wag kang mawalan ng kumpyansa sa sarili mo, alam kong mas malakas ka pa sa iyong inaakala. Ikaw ang Prinsipe ng Hangin, nasa iyong dugo ang makapangyarihang elemento. Alam kong natatakot kalang ilabas ang lakas nito ngunit, sa sandaling ito sanay gamitin mo mahal"

Wika ni Azaiah sa kanya dahilan para mas humigpit pa ang yakap nito.

"May hihilingin lang ako sayo Lark, bago tayo sumuong sa digmaan"

Sag dag ni Azaiah dahilan para kumalas ito sa kanyang pag kakayakap.

"Ano iyon mahal?"

Balik tanong nito.

"Please stay alive. Kahit anong mangyari ipangako mong mabubuhay ka. Kahit gaanong pinsala ang aking matamo, wag na wag mo akong tutulungan ha? "

Sagot ni Azaiah sakany dahilan para matameme ito sa kanyang harapan.

"Pe-pero mahal"

"Batid kong nais mo akong protektahan"

Pag puputol ni Azaiah sa kanyang sasabihin kasunod ng pag lapat ng mga palad ni Azaiah sa kanyang mga pisngi.

"Ngunit, tungkulin kong malayo ka sa kapahamakan  ang mga tagapangala ng elemento. Lalo na ikaw, tungkulin kong buhayin ka, dahil ikaw lang ang nag bibigay sakin ng tatag upang mag patuloy sa digmaang ito. Kaya sana pakiusap mahal, sundin mo ang aking hiling"

Bangit ni Azaiah kasabay ng kanyang mga ngiti na syang pag bagsak naman ng mga luha sa mga mata ni Lark.

"Pangako"


Sagot nito kasabay ng kanyang pag yakap ng mahigpit sa iniirog nito



To be continued......

As i promise. 😊😘😍 comment, react and share and vote guys 😘😍😎
Enjoy

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon