Lark's POV
Ang taglay nyang lakas, kahanga hanga.
Hindi ko mapingilan ang hindi kilabutan satuwing ginagamit nito ang kanyang natatanging kapangyarihan ang sunod sunod at salitsalitan nitong pag gamit sa apat na kapangyarihan ng apat na elemento.
Ang kanyang armas. Ang armas ng mga maharlika. Ang kusarigama.
Ang mga tinamong sugat ni Jethro, malala na ito at ngayoy tanging galit at puot lang ang nasa isip ni Azaiah kung kayat hindi na ito matinag sa pag atake nito kay Jethro
"Anong gagawin nya?"
Mahinang bulong ko matapos nitong apakan ang kanyang dibdib habang nakahandusay sa lupa ang sugatang katawan ni Jethro.
"Hindi ito pwedeng mangyari"
Dagdag ko pa matapos nitong itaas ang kanyang kusarigama at nag babadya ng ihataw ito kay Jethro. Isang atake lang nitoy siguradong mawawala ang tagapangalaga ng lupa.
Bago paman ito magawa ni Azaiah ay kaagad na akong kumilos.
Ginamit ang aking kapangyahiran nagawa kong maglaho upang maging hangin papunta sa kinaroroonan nila.Kung kakausapin ko man sya para pigilan at hindi rin ito makikinig saakin bagkus ay baka pinsala lang ang aking tatamuhin dahil sa galit na pumapaligid sakanya ngayon.
Wala na akong maiisip na gawin upang pigilan sya.
Ito nalang ang natatanging harapan..
Kaagad nga akong lumitaw sa kanyang harapan bago paman nya maihataw ang kanyang sandata kay Jethro at kaagad ko itong niyakap.
Yakap ng hangin.
Kalmado, yakap na may puno ng pag mamahal at ng may busilak na puso.
"Tama na"
Wika ko matapos ko itong yakapin at nadama ko ang galit na bumabalot sakanya
Alam kong walang kasiguraduhan na mapatigil sya sa ang aking gagawin ngunit kailangan ko pading sumugal para mailigtas ang Taga pangalaga ng lupa at pigilan sya sa kanyang gagawin.
"Hindi mo kailangan gawin ito."
Muli kong sambit kasabay ng malumanay kong tinig dahilan para umihip ang napaka banayag na hangin at pumalibot ito saamin.
Ramdam ko rin ang unti unting pag kawala ng galit sa kanya at unti unting pa hupa ng enerhiyang bumabalot sa katawan nya.
Nung naramdaman kong humupa na itoy kaagad akong kumalas sa aking pag kakayakap at tumingin sa mga mukha nito.
Makita ko sa mga mata nito ang kaunti pang galit habang ang mga luha nitoy nag babadya ng bumuhos ng masagana.
Isang magaang haplos ang ginawa ko sa maamo nitong mukha saka ko ulit sya niyakap ng mahigpit bago kami maglaho at tangayin ng hangin, malayo sa lugar kung saan nangyari ang labanan.
Blaze POV
"Tama na"
Boses ni Lark ang umalingaw ngaw habang pinag mamasdan namin ang pag papahirap ni Azaiah kay Jethro.
Wala ng lakas pang maibubuga si Jethro kung kayat hawak na sa kamay ni Azaiah ang kanyang buhay.
"Ang kanyang armas. Siguradong walang kawala ang sino mang imortal ang tamaan"
Banggit ko habang pinapanood si Lark na niyayakap si Azaiah.
Teka??
Anong?
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasyGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...