Azaiah's POV
Labing dalawang taon, sadyang napakataga bago ako makabalik sa aming mundo. Ang aking pananatili sa mahiwagang puno para muling maibalik ang pananggalang sa Olympus at sa nasasakupan nito.
Napakadaming pag subok at hirap na dinanas ngunit sa wakas lahat ng itoy nawakasan na.
Napaka daming nag bago sa Olympus. Bukod sa naging mapayapa na ito ay bakas sa mukha ng mga nasasakupan ang sigla ng kanilang ma mata at ang mga matatamis na ngiti sa kanilang mga labi.
Sa Labing dalawang taon na pag ka wala ko madami akong hindi nalaman. Isa na dito si Cristina na ikinasal nadin pala sa noong nakaraang taon sa bagong Hirang na hari ng Arfis na si Blaze.
Sa huling pag kakataon tumayo ako sa aking pag kaka upo sa aking kama at tumingin sa damit na naka handa malapit sa salamin.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapa luha at mapangiti sa sandaling iyon habang isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago pumasok sa aking Cr sa aming kaharian upang mag linis na ng katawan at pumunta na sa gaganaping malaking pag diriwang....
Third Person Point of View
Ang lahat ay handa na.
Ang mga diwata at ang mga nasasakupan ng Olympus ay naka abang na sa gaganaping pag diriwang.
Binabalutan ng mapuputing bulaklak at nag nining ning na kulay asul na palamuti ang bumabalot sa talampasan papunta sa paanan ng mahiwagang puno.
Kitang kita sa mga mata ng madla ang galak at ang pag kasabik na masak sihan ang gaganaping pag diriwang. Lulan ng kanilang magagarang kasuotan, masasabi mo talagang engrande ang gaganaping pag diriwang.
Kasama sa pag diriwang ang tatlo sa bagong hirang na hari ng Olympus. Isa na dito si Blaze na bagong kasal lang kay Cristina.
Bakas sa mga mukha nila ang galak.
"Handa naba ang lahat?"
Tanong ni Pluto sa tatlong hari na abala sa pag uusap usap.
"Nakahanda na mahal na Hari"
Sabay sabay nilang bigkas kasabay ng kanilang pag yuko bilang pag bibigay pugay.
"Mainam"
Sagot naman ni Pluto kasabay ng pag guhit ng kanyang mga matatamis na ngiti sa kanyang mga labi.
Sa kabilang banda ay isang mahihinang hikbi ang narinig ni Cristina sa likuran ng Mahiwagang puno kung kayat kagad itong nag tungo doon at kumpirmahin kung sino nga ba ito.
Laking gulat nito nuong makita si Reyna Gettala na humihikbi habang naka tingin sa di kalayuan.
"Kamahalan"
Wika nito saka yumuko upang mag bigay pugay
"Paumanhin reyna ng Arfis. Hindi ko nais makita mo ako sa ganitong kalagayan"
Sumbat ni Gettala kay Cristina dahilan para mapatingin sya dito.
Kahit ilang buwan na silang kasal ni Blaze ay naiilang parin syang matawag na reyna. Simula nuong pag iisang dib dib nila ni Blaze ay sya namang hirangin syang reyna ng Arfis. Ang kaharian ng Apoy.
"Ano bang nag papalungkot sa inyong kalooban kamahalan"
Wika ni Cristina at tuluyan ng tumabi sa Reyna.
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasyGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...