Chapter 55

334 27 0
                                    

Third Person Point of View


Sabay sabay ngang bumaba sa kapatangan ng Olympus ang apat na hukbo mula sa apat na kaharian. Sa kanilang pag bagtas ay umagaw sa kanilang pansin ang pag siklab ng asul na apoy sa kaitaasan.

Lulan ng pag siklab ang katauhan ni Azaiah suot ang puting pang ibaba habang ang kanyang sapatos pangdigma ay kumikinang dahil gawa ito sa pilak naukitan din ito ng disenyo ng Gnomes na yari sa ginto.

Naka suot naman itonng puting damit at mahabang coat na tila ba nag mistulang kapa sa kanyang likuran dahil sa haba nito. Naka burdahan ito ng mga ginto na syang nag pa angas at nag paganda sa suot nya.

Ang lahat ay namangha sakanya dahil mag tumingkad ang kanyang itchura sa kanyang kasuotan. Masasabi mong isa syang dugong bughaw. Ang totoong nag mamay ari ng Olympus at sa apat na kaharian.

Maya maya pay nakarating na sa gitna ang apat na hukbo. Inaantay nila ang pag sugod at unang hakbang ni Pluto.


"Azaiah"


Sabay sabay na wika ng apat na Prinsipe pag ka baba nya sa himpapawid at pag kalapit nya sa mga ito.

Kitang kita sa kanilang mukha ang pag kamangha sa kakisigan ni Azaiah. Dahilan para pangiti ito.

"Don't give me those stares! Hinuhubaran nyo na ata ako'"

Bungad nito dahilan para mamula ang mukha ng apat na prinsipe.

"Ang digmaang ito ang magtatapos sa lahat ng puot at sakit na inyong naranasan kaya hinihingi ko sainyo ang buong lakas ninyo sa digmaang ito"

Wika ni Azaiah sa apat na prinsipe.

Kaagad naman silang tumango.

"Humayo na kayo sa inyong mga hukbo. Ibibigay na natin ang sinyales ng pag sisimula"

Dag dag pa nya

"Papaano?"

Tanong Ni Jethro.

"Kayo ang naka hawak sa apat na elemento. Kailangan nyo lang damhin ang kapangyahirang ito at hayaan nyobg dumaloy ang elementong pinapangalagaan nyo sa inyong katawan. Mag tiwala kayo sa inyong kakayahan"

Sagot naman ni Azaiah na sya naman nilang sinunod. Maya maya pay pumahimpapawid si Azaiah sa bandang gitna at pinanood si Harley na nasa harapan ng kanyang Hukbo.

Suot nito ang kulay Berde na pandigma maya maya pay unti unting nag ilaw ang kanyang katawan at tuluyan na ngang pumaibabaw ang tila usok na ilaw na bumabalot sa kanya paitaas.

Kasabay nito ang pag baibabaw ng kulay dilaw na ilaw na nag mumula kay Jethro.

Sumunod ang nag liliyab na pulang ilaw mula kay blaze at pang huli ang ilaw na asul Mula kay Lark.

Maya maya pay bumuntong hininga si Azaiah ng malalim at pumikit.

Naka tingala sa kanya  ang apat na prinsipe at ang buong hukbo. Maya maya pay unti unti na itong binabalot ng nag nining ning na usok.

Halos mamangha ang lahat noong balutin ng kulay gintong usok ang kanyang katawan.

Kasunod nito ang pag angat ng kanyang dalawang kamay sa himpapawid dahilan para lumabas mula sa kanyang katawan ang apat na elemento ang nag liliyab na apoy, ang alikabok na sumisimbolo sa elemento ng lupa, ang tubig at ang hangin.

Maya maya pay biglang gumalaw ang mga ito papunta katawan sa mga prinsipe. Kasunod nito ang sabay sabay na nag atake ng enerhiyang napunta sa kanilang katawan. Isang nag liliyab na apoy ang sumiklab at dali daling tinungo ang kastilyo ng Olympus  kasabay ng pag bulwak ng napaka lakas na agos ng tubig, ang  lindol at unti unti pag biyak ng lupa kasabay ng pag paibabaw ng nga matutulis na bato patungo sa Olympus at ang isang napaka laki at nag ngangalit na ipo ipo. Ang apat na pwersa ay sabay sabay na tinungo ang Kastilyo ng Olympus...

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon