Third Person Point of View
"Apat na kaharian na ang nag diwang sa pag bisita ng kanilang kinikilalang pinuno kamahalan. Batay ito sa mga espiya natin sa apat na kaharian"
Pag uulat ng isa sa mga kawal ni Pluto habang itoy naka upo sa kanyang trono.
Maya maya pay humalak hak ito ng mapait, hanggang sa bigla itong sumigaw dahilan para umilangaw ngaw ito sa buong Olympus at mag dilim ang paligid kasabay ng nag ngangalit na kidlat.
"Ihanda ang buong hukbo! Kung gayon gagawi ang aking pamangkin upang kunin ang aking trono? Pwes bibigyan ko sya ng digmaang hindi nya maliligtasan!"
Utos nito dahilan para tumalima ang kanyang mga kawal.
"Parang awa mo na Pluto wag mong iadadamay ang aking anak dito. Nasa iyo na ang Olympus. Hindi paba sapat ito?"
Wika ng isang bilanggo malapit sa kanyang trono.
"Hahaha! At sa tingin mo natitinag ako sa pag mamaka awa mo? Lahat ng bagay na ikinasaya ko nawala lahat dahil sa inyo! Kaya na rarapat lamang na lahat ng inkinasasaya ng kahariang ito pati na ang apat na kaharian ay mawala. Kabilang na dito ang iyong nag iisang anak!"
Sagot nito kasabay ng malutong nitong halak hak.
"Wag!!! Parang awa mo na! Wag mong idadamay ang aking anak!"
"Ibalik sya sa piitan!"
Utos uli nito matapos marinig ang pag tangis ng bilango.
" Lahat ng inyong angkan ay nararapat lang maubos. At kung tama ngang tutubusin muli ng aking mahal na pamangkin ang kahariang ito, haha! Sisiguraduhin kong ito na ang luhi nyang pag bisita dito. Dadanak ang dugo!"
Azaiah's Pov
"Teka?? Aalis kana? Bakit at biglaan? Nawala ka ng ilang linggo? Bumalik ka ulit tapos mag papa alam ka na aalis kana?"
Naguguluhang wika ni Cristina habang naka pamewang ito sa harapan ni Azaiah na naka higa sa sofa sa kanilang sala.
"I have to. Lahat ay na aayon na sa aking pag babalik. Sa ilang sandali lamang ay na titiyak kona ang pagiging malakas ng mga hukbo ng kahariang aking sinadya sa aking pag balik sa Olympus"
"Teka? Nag balik kana sa mga kaharian? So papaano yun? Hindi nila alam na ikaw ang prinsipe ng Olympus?"
"Nag pasama ako sa mga prinsipe ng bawat kaharian. Kay Harley, Blaze, Lark at kay...
"Jethro."
Pag tutuloy ni Cristina sa akin sanang sasabihin. Bakas sa mukha nito ang pag tataka at napakaraming katanungan.
Kung ako ang nasa kalagayan nya ngayo'y natitiyak ko ring madami ding katanungan ang aking mai lalahad.Maya maya pay tumabi ito saakin at tumingin sa mga mata ko.
Isang marahang ngiti ang ibinigay nito bago mag salitang muli.
" Do you really forgive him?"
Unang tanong nito dahilan para mapatulala ako.
Sa naka raang pag uusap namin ni Jethro bago ako bumalik dito sa mundo ng mga mortal ay masasabi kong tuluyan ko na ngang napatawad. Ngunit ang nasira ng tiwala ay hindi na.
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasyGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...