Chapter 58

302 26 0
                                    



Flashback



"Isasagawa na ang inyong pag iisang dibdib Drieko at Gettala. "

Wika ng ama ni Drieko habang sila ay nasa hapag kainan kaharap ang napakaraming pag kain.


"Kung gayoy akoy uuwi muna sa aming kaharian  pagtapos ng piging na ito upang mag handa sa aming kasal kamahalan"

Wika ni Gettala habang silay kumakain.

Ngumiti naman ang hari at ang ina ni Drieko sa Diwata.

Maya maya pay dumating si Pluto sa piging at naupo sa tabi ng Reyna sa harap nila Drieko at Gettala.


Kita sa mukha nito ang walang expresyon nyang mukha. Pinipilit nya itong hindi gawin at pigilan ang mga luhang nag babadya nanamang bumagsak sa anu mang oras pag ka kita nya sa kanyang harapan.  Nagulat naman si Drieko at ang reyna maging ang hari sa kulay ng buhok ni Pluto. Ang puti at mala ginto nyang buhok, lahos maging itim na lahat ng mga ito.


"San ka ba nanggaling Pluto? Napapansin ko ang iyong pag kawala sa kaharian nitong mga nagdaang linggo? Lumiliban karin sa hapag kainan? Saan kaba nag pupupunta anak?"


Tanong ng hari sa kanya dahilan para tumingala ito at humarap sa hari

"Wala ama, nililibang kolang ang aking sarili at nag eensayo kasama ng mga mamdirigma. "

Halos magulat ang hari nuong makita ang mga mata ni Pluto ang bughaw nitong mga mata.

Napainom ng alak ang hari at tumingin sa kanyang asawa dahilan para mapatingin ito kay Pluto.

Biglang nakaramdam ng kaba at lungkot ang reyna nuong makita ang kulay ng kanyang mga mata. Ang dating asul na kulay nitoy unti unti ng nagiging itim.

"Mabuti kung ganon Pluto"

Tipid na sagot ng hari sa kanya at ang patuloy na sa pag kain.

"Gusto ko lang maging malakas gaya ng ihinabilin nyo saakin. Gusto kong maipag tanggol man lang ang aking sarili ng mag isa kahit walang umaalalay saakin"

Dag dag pa nito dahilan para mapahinto sa pag inom ng tubig si Drieko at mapatingin kay Pluto.

Laking gulat nito nuong makita nya ang malaking pag babago ni Pluto. Ang kanyang buhok at mga mata.


Kitang kita nito ang lungkot at puot sa kanyang mga mata at ang sakit na bumabalot sakanya.

"Patawad Pluto. "

Wika nito sa kanyang isipan. Unti unting na dudurog ang kanyang puso nuong makita ang pinag bago ni Pluto. Ang pag babago ng kanyang mahal.

"Nais kong sa ikalawang araw ay pumalagi ka sa ating kaharian"

Utos ng hari sakanya.

"Bakit po ama? May magaganap po pang selebrasyon?"

Balik tanong ni Pluto.

Naramdaman nig reyna ang nais sabihin ng hari kayat hinawakan nito ang palad ng kanyang asawa upang babalaan sanang wag ng sabihin ngunit nag tuloy tuloy parin ang hari.

"Tama ka nga Pluto. Isang malaking kasalan ang magaganap. Ang pag iisang dibdib ni Drieko at Gettala. Kaya nais kong wag kang mawawala para maipakilala kita sa ma bistang dadalo maliwanag ba?"

Sagot ng hari sa kanya.

Hindi naka imik si Pluto sa kanyang narinig at paulit ulit na umalingaw ngaw sa kanyang isipan ang sinabi ng hari. Unti unting nag iba ang ihip ng hangin at nag dilim ang paligid.

Naramdaman ito ng Reyna na kay Pluto ang dahilan sa pag iba ng panahon sa Olympus.

Ramdam din nito ang pag hina ng panggalang na nalikha dahil sa kapangyarihan ni Pluto.

Maya maya pay napatingin ito kay Drieko dahilan para mag ka salubong ang kanilang mga mata.

Unti unting bumagsak sa mga mata ni Pluto ang kulay itim na luha na syang ikinagulat ni Drieko.

Mag sasalita na sana ito ngunit kaagad pinunas ni Pluto ang kanyang mga luha bago tumayo at umalis.

Naramdaman naman ni Gettala kung anong nararamdaman ni Pluto at nabigyang linaw ang nasa pagitan ng Dalawang Prinsipe.

Kaagad nag tungo sa labas ni Pluto at lumabas ng Kastilyo papunta sa puno kung saan sila madalas mag kita ni Drieko. Bumuhos ang napakalakas na ulan at nag imihip ang malakas na hangin. Habang itong umiiyak at nag lalakad papunta sa mahiwagang puno.

"Hanggang kailan mo pa ba ako sasaktan ng ganito Drieko!!!!!"

Sigaw nito habang patuloy parin ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.
Dumungaw naman ang mahal na reyna sa talampasan kung saan naroroon ang mahiwagang puno. Batid nito na duon paparoon Si Pluto dahil duon lamang sya na mamalagi nuong nalaman nya ang pag papalikaka ni Gettala sa kanyang anak na si Drieko.

"Bakit? Drieko? Bakit kailangang humantong sa ganito?"

Hikbi nito kasabay ng pag dagundong ng napakalakas na kulog at pag tama ng nag ngangalit na kidlat sa kapaligiran ng Olympus.

Nasindak ang reyna sa nakitang enerhiya. Halos maluha ito sa kalagayan ni Pluto.

Sa kabilang banda

"Drieko, alam kong napipilitan kalang na gawin ito. "

Wika ni Gettala kay Drieko habang sila ay naka upo sa kama ni Drieko

"Anong ibig mong sabihin?"

"Batid ko ang namamatigan sa inyo ni Pluto."

Sagot ni Gettala dahilan para mapatingin sya dito at hindi makapag salita.

"Ramdam ko iyon, sapagkat akoy diwata. Napakalakas ng enerehiyang nililikha ng pag mamahalang iyon na syang napapatatag sa kahariang ito. Napansin ko na iyon simula pa nong kamiy unang pumarito ng aking nga magulang upang akoy ipakilala sa iyo "

Dag dag pa ni Gettala. Wala namang magawa si Drieko kundi ang makinig kay Gettala.

"Ang ating pag iisang dibdib, maiintindihan ko iyon Drieko kung hindi na natin itutuloy pa, alam kong may laman yang iba"

Wika ni Gettala sabay hawak sa dibdib ni Drieko.

"Gettala"

"Ayokong ako ang maging hadlang sa inyong dalawa. Hayaan mot kakausapin ko ang aking ama upang maintindihan nyang mabuti"

Wika nitong muli dahilan para mapayakap si Drieko sa kanya.

"Patawad Gettala. Napakabuti mo"

Wika ni Drieko habang akap akap si Gettala.

Isang ngiti naman ang iginanti nito sa pagkakayakap mula kay Driekp at hinaplos ang likuran nito.



To be continued..

More Flashback para maintindihan natin yung side ni Pluto kung  bakit sya naging masama. So ayan na nga, please vote every chapters and leave a comment para naman daw ganahan ako sa pag susulat. Okay? Salamat!!

Muah!! Enjoy everyone! 😍😘😎

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon