Chapter 31:

375 32 0
                                    

Lark's POV


Gabi na, kailangan ko ng makauwi kaagad para makapag pahinga narin.


Haaay.

Nakakapagod.


Ang hirap mag masid sa paligid, linisin ang hangin sa mundo ng mga mortal at ang maisip kung sino ngaba talaga ang gumagawa ng mga pag atake sa aming mga taga pangalaga.

Dalawang araw na ang naka lipas matapos maganap ang aming pag pupulong kina Azaiah.

Dalawang araw narin ang nakararaan matapos kong malaman ang ugnayan at ang nangyari kina Jethro at Azaiah.

Napapailing at nalulungkot nalang ako habang nag mamaneho pauwi ng aking bahay habang iniisip iyon.

Kung sana nag karoon lang ako ng lakas ng loob sana hindi ako nasasaktan ng ganito.
Sana hindi ko rin malalaman ang mga to.

"Hay"

Buntong hininga ko saka pinagpatuloy na  ang pag mamaneho.

Inabot na ako ng pasado 7 pm na ng gabi ng ako ay makarating sa bahay.

Madilim.

Hindi pa nakasindi ang mga ilaw, dahil nga sa mag isa lang ako.

Kaagad akong lumabas sa aking sasakyan upang buksan ang gate ng bahay at ng makapasok na.

Pag ka pasok ko ng bahay ay tila may kakaiba akong naramdaman sa paligid.

"May ibang naririto, kailangan kong mag ingat"

Bulong ko saka bumaba sa sasakyan at nagbitaw ng isang engkantasyon.

" Isang pananggalang ang aking bibitawan, paligiran ang aking nasasakupan at akoy protektahan"

Bulalas ko kasabay ng pag ihip ng hangin at bahagyang liwanag na bumalot sa aking bahay.

Tagumpay. Nagawa kong lagyan ng pananggalang ang aking bahay.

Habang nag mamasid sa aking paligid ay unti unti ding nawawala ang enerhiyang aking naramdaman kanina.

"Mainam"

Bulalas ko bago pumasok sa aking bahay.

Tila hindi naiibsan ang aking pag aalala at kakaisip kung ano ang koneksyon ng sinabi saakin ni Cristina noong nag pulong kami.

"Kung totoo man iyon? Ano naman ang kinalaman ni Jethro? Bakit sya nasa Olympus? At anong koneksyon nya kay Pluto?!"

Tanong ko habang sinisindi lahat ng ilaw sa bahay.

Pag katapos nitoy, kaagad ko ng tinungo ang aking kwarto, imbes na mag palit ay binuksan ko ang salaming pintuan malapit sa aking kama at lumabas sa veranda.

"Napakasarap ng simoy ng hangin, sadyang nakaka tangay lahat ng pagod"

Bulong ko at pumikit habang pinapakiramdaman ang hangin.

Tanaw na tanaw ang syudad, napaka ganda. Ang mga tala sa langit at ang buwan ay hindi rin nag pahuli.

Napaka liwanag at napaka aliwalas ng gabi.

Habang nag mumuni muni sa labas ay biglang nag balik ang masamang enerhiya na aking naramdaman kanina

"Andito nanaman"

Sambit ko saaking isipan habang nakatayo parin at pinag aaralan kung saan naka pwesto ang enerhiya.

Mayamaya pay pumikit ako at pinakiramdaman ang galaw ng hangin para malaman kung saan naroroon ang enerhiya at laking gulat ko nung biglang may humataw sa aking sikmura dahilan para mapalipad ako sa ere.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon