Chapter 41

354 31 0
                                    

Blaze POV


Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang kagimbal ngimbal na pag tutuos namin nila Jethro. Tatlong araw narin ang nakalipas matapos naming masaksihan ang natatanging kapangyarihan ni Azaiah. Labis parin ang aking pag ka gulat at pag kamangha noong gabing iyon lalot doon ko palamang na kita ang pag sasalit salitang pag gamit ni Azaiah sa apat na Elemento

Sadyang kamangha mangha rin ang pag labas at pag papakita nito ng kanyang armas, ang armas ng mga maharlika. Ang kusarigama.

Andito ako ngayon sa bahay ni Jethro, kasama si Harley hanggang ngayo'y puspusan parin ang aming pag babantay at pag aalaga sakanya dahil sa pinsalang kanyang natamo noong gabing makasagupa nya sa isang labanan si Azaiah.

Kung hindi lamang siguro sya pinigilan ni Lark ay tiyak kong wala na sa mundong ito ang prinsipe ng Gnomes.

Akmang lalabas na sana ako sa silid kung saan naka latay ang katawan ni Jethro nung biglang may mga yapak na lumapag sa aking likuran.

Kasabay nito ang boses ni Harley na halatang nagulat sa nakita.

"A-azaiah"

Sa pag bigkas nito sa kanyang pangalan ay kaagad akong napalingon para kumpirmahin at tama nga. Andito sya.


"Anong ginagawa mo dito?  Kung tutuluyan mo mang gawin ang pag paslang kay Jethro tama na malubha na ang kabyang pinsala"


Malungkot na pag pipigil ni Harley habang naka tingin sa naka higang katawan ni Jethro.


"Tama si Harley Azaiah, kung mamarapatin moy wag mo na sanang ituloy ang iyong binabalak. Labis na syang nag sisisi sa kanyang nagawa"


Pag papaliwanag ko. Napansin kong nakatitig ito kay Jethro payapang pinag mamasdan ito. Hindi nakatakas sa aking paningin ang mga luhang na nag ngingilid sa mga mata nito na kaagad naman nyang pinunas.

"Kumusta na sya"

Mahinang tanong nito sabay lakad papalapit sa kinahihigaan ni Jethro.

"Dalawang gabi na syang walang malay. Malubha ang kanyang pinsala. Ang aking kapangyarihang mang  hilom ng mga sugat at pinsala ay hindi rin sapat para palakasin sya"

Sagot naman ni Harley kay Azaiah.

Maya maya pay umupo na ito sa kama habang pinag mamasdan parin ang katawan ni Jethro.

Ang mga pasa nito sa pisngi at sa iba pang bahagi ng kanyang katawan ay naniningkad parin dahil sa kanyang tinamo.

Sa pag mamasid nitoy napansin ko ang kakaibang kasuotan ni Azaiah. Napaka puting kasuotan na may mga ukit ginto na syang nag pagara rito. Kitang kita din sa kanyang kanang braso ang kanyang marka.

Maya maya pay biglang gumalaw ang lupa unti unting nilamon ang kama ni Jethro na ngayong naging isang lupa na.

"Anong--"

Tanong sana ni Harley ngunit pinutol ito bi Azaiah at nag salita.

"Kakailanganin nyang pumailalim sa lupa para manumbalik angkanyang lakas."

Pag papaliwanag naman ni Azaiah dahilan para ipag patuloy nito ang kanyang ginagawa.

Marahan nyang hinawakan ang kanang palad ni Jethro at unti unti  itong binalot ng kakaibang hangin na nag liliwanang ng kulay dilaw. Kasunod nito ang pag lamon sakanya ng lupa papailalim.

"Hanggang kailan sya sa ilalim?"

Tanong ko matapos itong balutin ng lupa at lamunin pailalim.

"Hanggang sa bumalik ang kanyang lakas"

Sagot naman nito  at tumayo paharap saakin.

"Kakaiba ang iyong kasutan Azaiah? Anong meron at ganyan ang iyong kasuotan?"

Tanong naman ni Harley.

"Akoy nag tungo sa Sylph"

"ANO?!"

Halos sabay naming bulalas ni Harley pag ka rinig sa sagot nito.

Kung gayoy nag balik sya sa kaharian?

Pero bakit?

"At ano naman ang iyong sinadya? Bakit naisipan mong bumalik?"

Tanong ko naman habang naka tingin ito saakin.

"Malalaman mo rin. Sa ngayon kailangan kita. Kailangan mo akong dalhin sa inyong kaharian. Dalhin mo ako sa Arfis"

Saad nito na syang aking ikinagulat.

"Ano ang iyong sadya?"

Tanong ulit ni Harley dahilan para mapatingin ito sa kanya.

"Magandang katanungan"

Sagot naman nito kasabay ng pag harap nito sa lupang kinaroroonan ni Jethro.

Maya maya pay hinawi nito pataas ang kanyang kaliwang kamay dahilan para lumabas ang napaka berdeng tubig na nag napatingkad ng ilaw.

"Kakailanganin kong bantayan mo Jethro. Isama mo sa tubig na ito ang kapangyahiran mong mag pahilom para mabilis ang kanyang pag galing"

Bilin nito kay Harley na agad namang tumalima

"Masusunod Azaiah. Ngunit ano nga ang iyong sadya? Bakit ka mag tutungo sa Arfis? Ano ang iyong balak?"

Tanong uli ni Harley kay Azaiah.

"Bantayan mo ng maigi si Jethro. Akoy mag hahanda ng Hukbo sa nalalapit kong pagbalik sa Olympus."

Sa pag bigkas nito sa kanyang mga kataga'y napatingin ako kay Harley. Gaya ng inaasahan koy gulat ang kanyang mukha sa kanyang narinig pati narin ako.

"Alam kong nagugulat kayo at nabigla sa aking mga sinabi."

Dagdag nito dahilan para mapatingin kami sa kanya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa balak nyang pag punta sa aming kaharian dahil sa hindi pa ako bumabalik doon at hindi pa nila alam na natagpuan na namin ang tagapag mana ng Olympus. Hindi ko rin alam

Kung maniniwala ba silang si Azaiah ay si Drizza. Kung susunod sila sa anumang binabalak nya.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip noong biglang nag salita si Azaiah.

"Wag kang mabahala Blaze. Maniniwala silang ako ang Anak ni Drieko"

wika nito na ikinagulat ko.

Kaya nyang mag basa ng iniisip.
Kamangha mangha.

"Sa kaharian ng Sylph ay pinag tawanan ako ng Hari sa aking pag dating ngunut kalaunay na niwala at lumuhod sa aking kaharian pati narin ang mga nilalang sa kanyang na sasakupan. Kaya kung nag aalala kang hindi ka nila paniniwalaang akoy iyo ng nahanap, wag kang mabahala dahil tinitiyak kong matutuwa sila"

Dag dag nito dahilan para makahinga ako ng malalim at sumang ayon sa gusto nyang dalhin ko sya sa aming kaharian.

"Harley, ikaw muna ang bahala maari ba? Kakailanganin ni Jethro ang enerhiya ng
Tubig para manumbalik kaagad ang kanyang lakas."

Bilin nito kay Harley.

"Masusunod"

Sagot naman nito kasabay ng pag lapit nito sa  kinaroroonan ni Jethro at isinagawa ang ibinilin ni Azaiah.

"Kung ganon, tayo na Blaze, tumatakbo ang oras. Kailangan kong mag madali upang ihanda ang  hukbo ng apat na kaharian para sa na lalapit na digmaan"


To be continued...


votes votes votes and comments hihi tenkyu!


Ps. Stay tuned! Susunod na ang kaharian ng Arfis. 🔥

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon