Lark's POV
Mahihinang hikbi
Malalalim na hininga
Patak ng mga luha
At ang pagtangis nitong nararamdaman kong pinipigilan nya habang nag lalakbay kami papalayo sa labanan.
Hindi ko lubos akalain na kakainin sya ng kanyang galit at sa sakit na tinamo nito matapos nyang malaman ang kataksilang nagawa ni Jethro.
Ang kanyang lakas, kayang bumawi ng buhay ng mga imortal. Isang kahangahangang pag kakataon na makita kung papaano nya magamit sa iisang labanan ang kapangyahirang taglay naming apat. Ang salit salitan nitong pag papalit ng kapangyahiran.
Ang kanyang natatanging armas. Ang armas ng mga maharlika. Ang kusarigama. Isa lang itong alamat na i kwinikwento ng aking ama sa tuwing nanonood ako ng pag sasanay ng mga mandiridma ng aming kaharian nuong akoy bata pa lamang ngunit ngayon nasaksihan kona.
Ramdam ko ang sakit na iniinda nito ngayon. Ang galit na bumabalot sakanya ay unti unti ng nawala.
Ang mga ilaw na bumabalot sa kanyang katawan ay unti unti naring humupa.
Napansin korin ang marka nito. Tumingkad na ang kulay at ang datiy itim ay nanumbalik na ang kulay.
May mga kaunting galos ito sa kanyang braso ngunit alam kong hindi iyon malala dahil konting pimsala lang naman ang kanyang natamo.
"Andito na tayo"
Pambasag ko sa katahimikan.
Ginantihan naman ako nito isang tingin. Blangkong tingin .
Pagkatapos ay umupo na ako sa bench na gawa sa bakal.
Maya maya pay sumunod din ito at tumabi sa tabi ko habang nakatigin sa dagat.
Tama dito ko sya dinala.
East coast. Kung saan nag kakasalubong ang ugnayan ng Tubig at hangin.
Perpektong lugar para makapag muni muni at maka takas sa mga problema.
Payapa lang akong naka titig sa kanyang habang saya ay naka tingin parin sa dagat.
Pareho naming pinapakinggan ang hampas ng alon at ang tinog ng hangin na nag sisilbing musika sa gabing madilim.
Maya maya pay bigla itong tumayo at bahagyang nag lakad papalapit sa bungainan, malapit na sa pampang.
Kanina pa sya tahimik at kapag nag tatama ang aming paningin at isang pilit na ngiti lamang ang nakikita ko sa mga mata nito.
Agad naman akong pumunta sa kinaroroonan nito at tumabi sakanya. Kasabay ng pag tabi koy isang mahihinang hikbi ang aking narinig kung kayat napadako ang aking paningin sa kanya.
" Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?"
Tanong nito habang umaagos parin sa kanyang mga mata ang masaganang luha na kanina pa umaagos.
" bakit sa ganitong paraan pa?"
Dag dag pa nito dahilan para lumapit akot yakapin sya.
Akala ko unay tatanggi ito ngunit nag kamali ako.
Isang mahigpit na yakap ang aking ibinigay.
Gustuhin ko mang sagutin ang mga tanong nitoy wala rin akong alam na isasagot.Maya maya pay napansin ko ang panginginig nito,
Wala pala syang damit, tama.
Mayamaya pay kaagad kong hinubad ang aking punit na damit at ibinigay sakanya ito
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasyGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...