Third Person Point of View
Ngayong araw ang itinakdang araw upang koronahan ang apat na prinsipe ng elemento upang hiranging hari.
Ang mga susunod na mamumuno sa apat na Kaharian.
Naging abala ang Olympus sa gaganaping koronasyon kung kayat nag handa ang mga nasasakupan nito ng napaka laking piging at magarbong selebrasyon.
Kitang kita ang tuluyang pag dami ng bisita mula sa Arfis, Gnomes, Undies at Sylph. May mga angkan din ng mga Diwata na lumahok da koronasyong gaganapin.
Sa kabilang banda, tila nag ning ning ang mahiwagang puno sa nalalapit na koronasyon ng mga Prinsipe. Lumakas ang enerhiyang pumapalibot dito kasabay ng mas pagiging matatag ng pananggalang na naka palibot dito
Naramdaman ito ng mga prinsipe at pati narin ng mga nasaakupan ng limang kaharian ngunit ipinag san tabi nila ito dahil sa galak na nadarama sa gaganaping paghirang sa kanilang mga prinsipe.
"Ama. Nararapat ba akong umupo sa trono mo? Hindi pa isang malaking kahihiyan na tanggapin ko ang iyong korona sa kabila ng aking mga nagawang ka bulastugan? Alam kong nahihiya ako sa aking nagawa dahil ni isang tamang hakbang ay hindi ako na kagawa ng mabuti."
Wika ni Blaze habang inaayos nito ang kanyang pulang kasuotan na binahiran ng kaunting Puting kulay na nag sisilbing senyales ng Olympus.
Mas pinatingkad pa ito ng mga gintong burda sa kanyang damit at sa kanyang pang ibaba.
"Hindi pamantasan ang mga nagawang mabubuti aking anak. Isang karangalang i pasa saiyo ang korona. Ang pakikipag laban mo para sa kalayaan ng lahat lalo na kay Galand ay isang napaka laking utang na loob sa ating kaharian. Kaya nararapat lamang na ikaw ang sumunod sa aking legasiya."
Sagot ng kanyang ama dahilan para mapayakap ito sa kanyang ama.
"Nariyan na ang iyong iniirog anak. Kanina pa nag aantay para sa inyong pag punta sa Olympus. Kausap sya ng iyong ina sa ibaba malapit sa hardin."
Dag dag pa ng kanyang ama dahilan para puntahan na nya si Cristina
Nag si datingan na nga ang mga prinsipe sa Kaharian ng Olympus kasabay ng hiyawan at pag yuko ng mga dumalo sa kanilang pag dating. Simbolo ito ng pag pugay at respeto sa mga magiging bagong hari.
Unang nag lakad papasok ng kastilyo si Blaze na napaka kisig na suot na pulang kuotan na may kaunting puting kulay at ang mga burda sa damit nitong ginto. Nag liyab ang kanyang dinadaanan na syang mas nag pa garbo sa kanyang pag pasok sa loob ng kastilyo.
Maya maya pay biglang nag karoon ng tubig sa daanan papasok sa kastilyo. Simbolo na ang Prinsipe ng Undies ay nariyan ng papasok na sa kastilyo.
Unti unting nag isa ang mga tubig sa paanan ng kastilyo dahilan para lumikha ito ng napaka laking bilog na tubig at bigla nalang sumabog dahilan para magkaroon ng kaunting ambon at isang bahaghari ang pumalibot sa kaharian. Kasabay nito ang pag litaw ng makisig na si Harley.
Na tila bay nag niningning sa berde at ginto nitong kasuotan.
Nag lakad ito papasok ng kastilyo habang siyay pinapalibutan ng nag nining ning na tubig na tila crystal sa ganda nito.
Madami ang namang ha sa pag dating ng dalawang prinsipe. Maya maya may binalot ng luntiang kulay ang kapaligiran ng Olympus. Unti unti nag si tubo ang mga magagandang bulak lak na syang nag pa pabango sa kapaligiran. Ang Mga dilaw naparo paro ay nag unti unting nag kumpulan sa paanan ng kastilyo at lumitaw dito ang Prinsipe ng Gnomes. Napaka kisig nito sa Kulay Dilaw at puting kasuotan. Tuluyan na ngang pumasok si Jethro sa kastilyo kasabay ng masigabong palakpakan at hiyawan ng kanyang na sasakupan.
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasiaGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...