Chapter 65

327 27 0
                                    


Third Person Point of View

Isang makapal na itim na usok ang bumalot sa katawan ni Gettala matapos nitong makita ang kakaibang anyo ni Pluto. Unti unti itong humigpit dahilan para makadama ito ng sakit at unti unti ng nawawalan ng hininga.

"Ta-tama na"

Pag mamaka awa nito sa paos na boses ngunit isang napakalutong na halak hak ang sinagot nito. Mas lumalim ang kanyang boses na tila kakaiba ang kanyang katauhan kumpara kanina.

"Matagal tagal din ang aking hinintay bago tuluyang mapasaakin ang katawang ito. Haha! Salamat sa iyo Reyna ng mga diwata dahil sa mga katotohanang ibinunyag mo tuluyang nalason ko ang utak ni Pluto at tuluyang mapasaakin ito"

Wika ng nilalang na syang nasa katawan ni Pluto.

Pilit kumakawala si Gettala ngunit sadyang malakas ang kapangyarihang bumabalot sa kanya.

Nag umpisang  bumalot sa kanyang buong katawan ang itim na usok kasabay ng pag ngilid ng kanyang mga luha sa mga mata nito.

Handa na itong ipikit ang mga mata nya at handa ng tanggapin ang kanyang kamatayan ngunit nagulat ito nuong maramdamang nakaka hinga na sya ng maluwag.

Unti unting nawala ang usok na bumabalot sa kanya kasabay ng ingay ng kadena sa kanyang harapan.

Kitang kita nito ang gintong kadena na nag iilaw na unti unting bumabalot sa katawan ni Pluto na kontrolado ng ibang nilalang.

Kasunod nito ang pag tarak ng palakol ng Kusarigama sa bandang dib dib  nya.

"Ahhhhhhh!"

Sigaw nito sa sakit dahilan para tumilapon at mapahiga si Gettala sa pwersa ng pag sigaw ni Pluto.

Mula sa kanyang pag kaka tilapon ay nakita nito sa likuran ni Pluto ang nag lalakad na lalake. Nag iilaw ang katawan nito kasabay ng pag labas ng mga marka ng elemento sa kanyang katawan.

Ang mga sugat na tinamo nitoy ay unti unting nag hihilom at ang kanyang mga mata ay nag iilaw ng kulay puti. Bakas sa mukha ng lalake ang pag ka kalmado. Walang maramdaman si Gettala ng kahit isang galit sa lalaking nag lalakad patungo kay pluto habang hawak hawak nito sa kanyang kanang kamay ang isa sa palakol ng kanyang kusarigama at sa kanan naman ay ang kadena ng isa na syang naka pulupot sa katawan ni Pluto.

"Hindi!!!! Pinaslang na kita! At kitang kita ko sa mga mata ko iyon!!!!"

Sigaw ng kumokontrol sa katawan ni Pluto at pilit kumawala sa pag kaka pulupot ng kadena sa kanyang katawan. Unti unti iting humigpit at hinihigop ito ng ang kanyang panagyarihan!.

Biglang nawala sa kanyang harapan ang lalake at isang isang malakas na pwersa ang tumama sa katawan ni Pluto ngunit hindi ito naka wala sa kadenang naka pulupot sa kanya.

"Isa kang hangal!!! Ngayon na napa saakin na ang katawan ng aking Apo! Tuluyan na kitang mapapaslang!!! Ako si Galan!!! Ang Hari ng Kadiliman!"

Sigaw nito na syang ikinagulat ni Gettala.

"Hindi. Papaanong?"

Bulong ni Gettala. Labis ang pag ka gulat nito dahil alam nyang matagal ng namatay ang hari ng Dark Forest. Matapos mamatay ang Prinsipe ng Dark Forest na ama ni Pluto dahil sa kagagawan ni Galan ay pinaslang ito ng mga diwataupang hindi na muling makapinsala pa.

"Ang akala ng mga diwatay ganon na lamang ako mapapaslang. Hahaha! Kahangalan!! Ako ang hari ng kadiliman! Mabubuhay at mabubuhay ako kahit ilang kamatayan!  salamat sa aking magaling at hangal  na anak na syang nabihag ng isang diwata, nag karoon muli ako ng katawan! Hahaha! Sisimulan ko na ang pag ubos sa lahi ng mga Diwata! Sisimulan ko iyon sayo!"

Sigaw nito at tumingin kay Gettala at kaagad sumugod.

Ngunit bago pa man ito makalapit sa piitang nakahimlayan ni Gettala ay humarang mula sa kanyang harapan ang kadena ng Kusarigama  nag mistula itong ekis sa harapan ng piitan ni Gettala habang ang mga palakol nitong naka tarak sa lupa.

Tumingala si Galand dahilan para makita ang lalaki sa itaas ng kinarorooan ni Gettala.

Nawala na sakanyang katawan ang liwag at tuluyan na ngang nawala sa kanyang katawan ang mga sugat nito ngunit ang kanyang mga mata ay tuloy parin sa pag ilaw.

Maya maya pay mabilisang sumugod ang lalaki at biglang nahugot ang dalawang palakol ng kusarigama.

Nag simulang mag liyab ang mga palakol nito. Kasabay nito ang pag ikot ng lalaki dahilan para imikot sa kanyang katawan ang kusarigama at tuluyang naging mas mabangis ang apoy na bumabalot dito. Ang dating pulang apoy ay naging asul na. Tanda na naabot na nito ang pinakamalakas na pwersa.

Mabilisang umatake ang lalaki gamit ang kanyang kusarigama kay Galand ngunit nasasangga ito ng Hari ng Kadiliman. Sa bawat pag sanga nito sa mga palakol na tumama sa kanya ay lumilikha ito ng pag yanig ng lupa dahil sa lakas ng pwersa nito.

Maya maya pay tuluyang nawala ang apoy sa Kusarigama at halos pumailalim ang mga paa ni Galand sa pag sangga sa mga atake ng lalaki. Mas lumaki ang hawak hawak nitong kusarigama at mas bumigat dahil sa pwersang sinasangga nito galing sa armas ng kanyang katunggali.

Maya maya pay biglang nawala si Galand. Tuluyang bumagsak at tumama sa lupa ang higanteng Kusarigama dahilan para yumaning ang lupa

Lumitaw ito sa likuran ng lalaki at ihinataw ang kanyang sandata ngunit bumalik  ito sa kanya dahil sa biglang pag palibot sa katawan ng lalaki ng hangin.

"Ang apat na Elemento!!"

Sigaw ni Galand at tuluyang lumukso papalayo sa kinaroroonan ng katunggali.

Unti unting binalot ng tubig ang kadena ng Kusarigama nito dahilan para mag karoon ng anim na palakol ang armas nito habang naka palibot sa mga talim nito ang tubig

Walang atubiling hininataw at inatake ng lalaki si Galand at nag tamo ito ng mga sugat dahil sa talim ng tubig natuma sa kanya. Nahirapan din ito sa pag sangga sa mga atake dahil na paka bilis ng mga palakol na ihinagataw ng lalaki.

Kasunod nito ang pag ihip ng hangin at pumalibot sa armas ng lalaki. Ang talim ng mga palakol ay halos dumoble dahil sa hanging naka palibot dito.

Ang bawat atake na pinapakawalan ng lalaki ay mas bumilis dahilan para mabigo si Galand sa pag atake at tinanggap ang bawat atake ng lalaki.

Isang napakalakas at buong pwersang ihinataw ng lalaki ang dalawang palakol ng kusarigama sa katawan ni Galand na hapong hapo na sa pag iwas at pag sangga sa atake ng katunggali dahilan para tumarak ang mga ito sa  dalawa nitong braso.

"Hangal!!!!!!!!"

Sigaw ni Galand sa sakit.

Maya maya pay binalot ulit ng ilaw ang katawan ng lalaki dahilan para lumikha ito ng buong enerhiya sa paligid. 

Naramdaman ito ng tatlong Prinsipe dahilan para mag karoon ng malay ang mga ito.

"AZAIAH..."

To be continued..

Votes and comments guys!
Enjoy!

Hapoy Reading! And keep safe po! 😊

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon