Chapter 18:

940 58 2
                                    

Azaiah's Pov


Ilang linggo nang ganito, halos sabay sabay silang apat kung dumalaw. 

 Wala naman silang dapa

t dalawin sakin dahil una sa halat wala akong sakit. 


' minsan nga naiirita na ako sa mga lalaking to.

Minsan itong si Harley at Blaze kulang nalang gawing battle field tong sala ko! 

Pano ba naman kasi wala ng oras at araw na mag bangayan sila! 

Pero si Jethro, bakit? 

Bat ako natataranta kapag anjan sya.


Halos wala ako sa saking sariling pag iisip kapag kaharap ko sya. 

Anong meron sakanya?


Eto nanaman na paparanoid ka nanaman Azaiah! 

Teka anong araw ba ngayon?

Sabado na nga pala

Wala naman akong balak gumala ngayon. Wala rin akong balak lumabas ng bahay. Pero teka, kung mag mumukmok lang ako dito, mas maiisip ko lang si Jethro.

Issh! Sabi na e! Bahala na nga!

Kaagad naman akong nag bihis at bumaba.

"Oh, may lakad ka? Huh? Sabado ngayon a?" 


Tanong sakin ni Cristina pag ka baba ko.

"Mag lilibot libot lang muna. Mag lilibang "

"Kailangan mo talagang mag libang bro. Para naman di mo marinig ka ka dada ng kasama natin dito. Nakaka stress"

Biglang sabat naman ni Alvin habang nanonood ng tv.

"Hoy! Ako ba tinutukoy mo ha! Palaka ka!"

"Oh! Bat ka guilty? Pinangalanan ba kita?"

Hay nako naman mag aaway naman sila.


"Tumigil na nga kayo. Oh sya. Baka matagalan ako ngayon. Kayo ng bahala dito."


"Yes your highness" 

sagot naman sakin ni Cristina saka nag bow pa ang loko.

"Tss. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na itigil mo nayan." 


Sagot ko naman saka ngumisi.


"Hanggat kaya ko! Wahahaha!" 


Sagot naman nito saka tumawa ng malakas..

"Aray! Ano ba! Naka lunok kaba ng sampung megaphone! Ang sakit sa tenga!" 

Angal naman ni Alvin saka nag takip ng tenga

Kaagad namang tumayo si Cristina at nakipag bangayin narin kay alvin..

Hay!kahit kailan talaga.  Wala na akong maasahan sa dalawang to.. kailangan ko na talagang ma immune sa pag tatalo nila.

Makaalis na nga....


Alam kong walang ginagawa sa ngayon yung taong pupuntahan ko. Sya lang muna ang gusto kong kausapin sa ngayon.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon