Jethro's POV
"It's been three weeks, 15 dinner meetings and 8 business agenda but your attendance there is 0%, come on, may problema ba?"
Bungad saakin ni Patrick pag karating ko ng bahay
Pagod. Sobrang pagod.
Yan lamang ang tumatakbo sa isipan ko.
"Im tired. Could you just fix it muna. I just need to take a nap."
Sagot ko naman saka nag lakad papa akyat ng hagdan patungo sa aking silid.
Umiling iling naman ito saakin at napatapik sa noo nito bago tuluyang lumabas ng bahay.
Pag kapasok ko sa kwarto ko ay kaagad ko ng ibinagsak ang aking katawan sa kama.
Ang gusto ko lang ngayon sa araw na to ay ang matulog. Madami akong lakas na nawala sa kalalakad ng kailangan kong gawin.
Napa iling nalang ako kasunod ng aking pag bangon at nag isip ulit.
Tama ba tong pinasok ko?
Tsk. Bahala na basta ang alam ko may malalim akong dahilan. Kahit ikamatay ko pa ito gagawin ko,
Maya maya pay kaagad ko ng tinungo ang aking cr,
Kailangan ko munang maligo.
Kailangan kong mag palamig ng ulo at para presko narin sa katawan bago matulog.
Habang nag huhubad ako ng aking kasuota'y napatingin ako sa salamin. Ang aking repleksyon sa salamin.
Konting flex at hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
"Hindi parin nag babago ang hubog ng aking katawan"
Banggit ko saka tuluyan ng pinaandar ang shower.
Nag sabon. Naligo basta na ligo.
Nag sipilyo
At nag ahit ng balbas ng konti.
May mga tumutubo na kasi sa baba ko kaya mas mabuting ahitin ko nalang para mas malinis tignan.
Pag katapos nitoy nag punas na ako ng aking sarili at itinapis sa aking bewang ang puting twalya saka lumabas na ng banyo.
Habang papalabas ako ay bigla akong may naamoy.
Pamilyar na pamilyar. Ang amoy na palaging lumalasing sakin kapag nagkakasama kami.
"Andito sya"
tama... andito nga sya
Dali dali akong lumabas at nag tungo sa kama at nadatnan syang naka higa doon. Habang ang damit ko ay akap akap nya.
Andito sya ulit. Hindi nya ako matiis.
Kasalanan ko rin. Dahil matagal tagal akong hindi nakipag kita sa kanya at kung mangyari man iyon ay panandalian lamang.
Para rin ito sa amin. Para sa kanyang kaligtasan.
Napangiti naman ako sa pag kakakita sa kanya habang naka pikit ito.
Ak mang lalapit na sana ako noong bigla nitong imulat ang kanyang mga mata. Isang blankong expresion ang ibinigay nya.
"Ano? May masama ba? Bakit ganyan ka makatingin?"
Tanong ko habang nakatitig parin ito.
Minsan ay parang matutunaw na ako sa mga titig nya.
"Kung nakaka tunaw ang pag titig kanina pa ako natunaw dito"
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasyGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...