Third Person Point of View
"Ina!"
Wika nito at dagliang lumapit sa ina habang silay nasa himpapawid.
Isang mahigpit na yakap ang kanyang iginawad sa kanyang ina habang ang mga luha nito ay patuloy parin sa pag agos. Pati ang ina nito ay napa luha nuong makita ang kanyang anak.
Maya maya pay kumalas ang kanyang ina at hinawakan ang mga pisngi ni Azaiah. Hinawakan naman ni Azaiah ang kamay ng kanyang ina upang damhin ang mga ito habang ang kanilang mga luha ay patuloy parin sa pag agos.
"Napaka laki mo na anak."
Wika ng kanyang ina kasabay ng kanyang pag ngiti.
"Kawangis na kawangis mo ang iyong Ama. Lumaki ka ng malakas, at matatag"
Dag dag nito.
Maya maya pay dumilat si Azaiah at unti unting nag laho ang gintong ilaw sa mga mata nito.
"Ngunit papa ano ina? Nakita kitang namatay sa aking harapan?! Papaanong?.."
Naguguluhang tanong ni Azaiah habang kanyang mga luha ay patuloy parin sa pag agos.
"Isang ilusyon lahat ng iyon aking anak. Sinadya kong ipain ang aking sarili upang mailigtas ka."
"Ngunit ina"
"Anak, mag paka tatag ka at buksan mo ang iyong puso. Sa digmaang ito wag mong hayaang lamunin ka ng puot at sakit naiintindihan mo ba?"
Wika ng kanyang ina dahilan para mapayakap muli si Azaiah sa kanyang ina.
Maya maya pay isang malakas na pag sabog ang kanilang narinig sa ibaba. Nanggaling ito kung saan bumagsak at nilamon ng lupa ang katawan ni Pluto.
Unti unting nag dilim ang paligid tila ang mga ilaw na nang gagaling lamang sa apat na prinsipe ang naaaninag sa digmaan.
Walang anumay isang malakas na pwersa ang pumahimpapawid papunta sa kinaroroonan nila Azaiah.
Bumungad sa kanila ang isang nilalang na binabalutan ng makapal na itim na usok.
"Pluto"
Mahinang bulong ng Ina ni Azaiah dahilan para mapatingin sa Azaiah sa kanyang likuran.
Unti unting sinipsip ng katawan ni Pluto ang itim na enerhiya na bumabalot sa kanya dahilan para mag hilom ang mga sugat nitong natamo at mag karoon ng itim na maraka sa kanyang kanang mukha.
Isang malutong na tawa ang ibinungad nito nuong makita ang dalawa sa kanilang pag kikita.
"At tuluyan na nga kayong nag kita ng magaling mong anak Gettala. Hahaha! Nararapat lamang ito, dahil sa ilang sandali lamang ay mapapasakin na ang kanyang buhay"
"Pluto, tama na itigil mo na ito! Parang awa mona"
Tangis ni Gettala habang naka hawak ang mga kamay nito sa braso ng kanyang Ina.
"Hindi ko nga kayang tanggalin ang kapangyarihan mong mag pahinto ng oras sa pamamagitan ng iyong pag awit ngunit hindi sapat iyan para pigilan mo ako Gettala. Nasaaking katawan ang iyong lakas. Kaya kung gugustuhin mong mabuhay pa! Lumayo ka sa anak mo!"
Sigaw ni Pluto kay Gettala dahilan para mas humigpit ang kapit nito sa anak.
"Hindi ko sya iiwan!"
Pag pupumilit nito.
Isang nakakalokong ngisi ang sinagot ni Pluto kasunod ng biglaang pag kawala ni Gettala sa tabi ng kanyang anak.
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasiGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...