Chapter 67

345 31 0
                                    

Third Person Point of View




"Isang panaginip. Isang napaka samang panaginip"


Bulong ni Azaiah matapos  i gapos ang kadena ng dalawang kusarigama sa katawan ni Pluto na wala paring malay na naka handusay sa Lupa.

Dali dali nitong pinuntahan ang kanyang ina na naka kulong parin sa mga ugat na nilikha ni Galand kanina.

Pag kahawak nito sa mga ugat au unti unting bumalik ang mga ito sa lupa dahilan para maka wala na na ang kanyang ina na kanina pa naka upo sa gilid habang ang mga luha nito ay patuloy parin sa pag agos.

"Aking anak!"

Wika nito at dali daling niyakap ang anak habang tumatangis ito sa sobrang galak dahil sa pag kaka kita sa kanyang anak na nag tagumpay.

Gumanti naman ng yakap si Azaiah sa kanyang ina at napa ngiti sa kanyang pag kaka yakap sa kanyang ina.

"Tapos na ina. Tapos na"

Wika ni Azaiah habang naka yakap parin ito sa kanyang tumatangis na ina.

"Anak"

Wika muli ng kanyang ina kasabay ng kanyang pag kalas at pag guhit ng napaka tamis na ngiti sa mga labi nito...

Maya maya pay hinawakan ni Azaiah ang mga palad ng kanyang ina at unti unting nag liwanang at kumawala sa kalawakan ang napaka puting ilaw kasabay ng isang napaka gandang tinig.

"Ang mahal na reyna"

Wika ng tatlong prinsipe matapos marinig ang napaka ganda at malumanay na awit.

Unti unting nag baglik ang taglay na kapangyarihan ni Gettala matapos itong isauli ni Azaiah pag ka gapi nito sa Hari ng Dark Forest na Si Galand

Muling tumulo ang mga luha sa mga mata ni Gettala matapos maisauli ang kanyang kapangyarihan ang damit nitong napaka gusgusin ay napalitan ng maganda at napaka puting kasuotan tanda na nasakanya na nga muli ang kanyang kapangyarihan.

Kaagad humiwalay si Azaiah sa kanyang ina at nag lakad ng kaunti matapos ay tumingin sa kalawakan.

Lumabas sa kanyang katawan ang tatlong elemento. Hinawi nito ang kanyang mga palad papaitaas at tuluyan ngang nag lakbay ang apoy, tubig at lupa patungo sa  tatlong prinsipe na sugatan sa digmaan. Kaagad bunalot sa mga ito ang ilaw at ang kapangyarihan ng mga elemento na syang nagpanumbalik sa kani kanilang taglay na lakas. Lahat ng kanilang mga sugat ay nag hilom ng napaka bilis.

Dali daling bumalik papunta sa katawan ni Azaiah ang mga elemento matapos masigurong nag lihom at nanumbalik na lahat ng sugat ng mga prinsipe kasama ng mga na sasakupan nito.

Isang katawan ang hindi na mawari kung kanino ito nag mula.

Napapalibutan ng hangin na syang nagiging pananggalang sa bawat aatake sa katawang ito.

Unti unting tumulo ang mga luha sa mga mata ni Azaiah habang sya ay pahakbang papalapit sa katawang ito.

Unti unting umihip ang hangin sa kanyang nadadaanan kasabay ng pag labas ng elemento ng hangin sa kanang palad nito.

"Azaiah"

Wika ni Blaze matapos syang madaanan nito ngunit walang ibang sagot si Azaiah kundi ang mga luhang pumapatak sa mga mata nito.

Biglang tumigil ang hangin na bumabalot sa katawan ng kalunos lunos na kalagayan ng lalaki pag karating ni Azaiah sa paanan nito...

Napahulod ito sa nakita.
Ang kanyang katawan ay nababalutan ng dugo, puno ng sugat at mga pasa.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon