Chapter 59

308 26 0
                                    


Third Person Point of View





Ang tatlong prinsipe ay namangha sa kanilang nakitang kapangyarihan ni Lark. Labis ang kanilang pag ka mangha dahil sa pag lipon ng kapangyarihan ng hangin sa kanyang katawan. Ang mga kapangyarihan ng kanyang hukbo ay nag sama sama papunta sa kanyang katawan at lumikha ng napakalakas na enerhiya

Pinapalibutan sya ngayon ng malakas na bugso ng hangin at unti unting naging matalim ang bawat ihip ng hangin na nag mistulang isang malakas na sandata. Pumapalibot sa katawan nito ang ilaw na mistulang usok na kulay asul. Maya maya pay dumilat ito kasabay ng pag bugso ng hangin papunta sa mga kalaban nilang nilalang na nilikha ni Pluto.


 Halos kalahati ng kanilang kalaban ay nag kapirapiraso ang katawan dahil sa kapangyarihang taglay ni Lark at dahil sa talim ng hanging pinakawalan nito. Bati ang mga bakal na kasuotan ng kanilang mga kalaban ay nasira maging ang mga sandata ng mga ito.

Maya maya pay Pumikit ang tatlong prinsipe at ang kanilang katawan ngay binalutan ng ng kakaibang enerhiya.

Unang nag liyab ang katawan ni Blaze at ang mga kapangyarihan ng kanyang hukbo ay unti unti ngang dumaloy sa kanyang katawan dahilan para mas mag liyab ito at mangalit sa taglay na lakas ng elemento ng apoy. Walang anumay mabilisan itong nag laho at bigla nalang lumitaw sa gitna ng hukbo ni Pluto.

Kaagad sumugod ang mga ito papunta kay Blaze ngunit sa pag dilat ng mga mata ni Blaze ay syang pag labas at pag bugso ng napaka init na apoy. Ang mga nag tanggakang sugurin sya ay naging abo at mabilisang naitangay ng hangin dahil sa enerhiyang bumabalot kay Lark.

Kasunod na nag ilaw ay si Jethro. Binalutan ang kanyang katawan ng dilaw na ilaw. Mas lumaki ang kanyang katawan at napakalakas na pag yanig ang dinusulot ng kanyang bawat yapak sa lupa.

Umatras ang ang kanilang hukbo na nasa kanyang likuran dahil sa dagundong ng lupa habang unti unting bumabalot sa kanyang ang buong pwersa ng elemento ng lupa. Nag patuloy ito sa pag lalakad papunta sa kumpulan ng mga kalaban sa kanilang harapan. Ang mga nag tatakang lumapit sa kanya ay kaagad nilalamon ng lupa pailalim.

Isang napaka laakas na tadyak ang iginawad nito sa lupa dahilan para pumahimpapawid ang mga nag lalakihang bato maya maya pay huminga ito ng malalim at tumalon ng napaka taas.

Sa kanyang pag ka bagsak ay isang isang napakalakas na suntok muli sa lupa ang kanyang iginawad dahilan upang lumikha ito ng pag sabog kasabay ng pag dagundong ng lupa. Unti unting nag si bagsakan ang mga bato sa himpapawid at natamaan ang kanilang mga kalaban. Sa bawat bagsak ng mga ito ay ang pag labas ng matatalim na lupa sa ibaba. Ang ilan sa mga kawal ni Pluto ay nasak sak sa mga nag lalabasang matutulis na lupa at bato sa lupa habang patuloy parin ang pag yaning ng lupa.

Unti unting nag karoon ng tubig sa kapatagan. Kasabay nito ang pag balot sa katawan ni Harley ng ilan sa mga tubig  maya maya pay mag kakasunod na malalaking butil ng tubig ang bumagsak sa himpapawid. Lumikha ito ng pag yanig na mas nag palakas pa sa pag yanig na nilikha ni Jethro. Karamihan sa kanilang mga kalaban ay natamaan sa pag bagsak ng tubig. Mabilisang bumalik at pumalibot ang bumagsak na tubig sa katawan ni Harley.

Maya may pay umarko ang mga tubig ng patulis nag mistulang napapalibutan si Lark ng napaka raming matutulis na Tubig  sa kanyang pag dilat ay ang pag ilaw ng kulay luntian sa kanyang mga mata kasabay ng pag papakawala nito sa mga tubig na nagmistulang balisong sa tulis.

Napuruhan ang mga nilalang na handang umatake sa kanya. Maya maya pay unti unting nag karoon ng tubig sa kapatagan at mabilisan pumaitaas ito. Naging matutulis ang tubig dahilan para masak sak sa kani kanilang katawan ang mga hukbo ni Pluto.

Pinag patuloy ng apat na prinsipe ang pakikipaglaban gamit ang kanilang kapangyarihan habang ang kanilang mga hukbo naman ay nakipag tutuos sa mga kalaban na hindi nagagawang mapinsala sa mga pwersang pinapakawalan ng apat ma prinsipe.

Maya maya pay naanii ang atensyon ni Pluto ang kanilang ginagawa dahilan para magalit ito. Aalis na sana sya sa himpapawid  kung saan bumagsak ang katawan ni Azaiah ngunit isang malakas na pwersa ang humila sa kanyang pa ibaba.

"Ano ito!!!!"

Pag pupumilit nya habang nilalabanan ang pwersa ngunit sadya itong malakas.

Bumagsak sya sa lupa kasabay ng pag lamon sakanya nito.

"Nanaman!!! Hindi ito maari!"

Sigaw nga at nag pakawala ng kanyang kapangyarihan. Pinalibutan ang kanyang katawan ng itim na magika dahilan para mawasak ang lupa na lumalamon sa kanya at maka wala ito.

"Ang aking hukbo! Hindi ito maari!"

Wika nya at kaagad nagtungo sa kinaroroonan ng digmaan ngunit humarang sa kanya ang pag siklab ng asul na apoy 

Napatigil ito at nagulat sa kanyang nakita.

Halos pag pawisan ito sa kanyang apoy na nakita nito.

"Papaanong nagawa nyang..."

Hindi na nya naituloy ang kanyang sasabihin dahil kaagad syang pinalibutan nito.

"Ahhh!!! Hangal!!!!"

Sigaw nito habang iniinda ang pagpaso ng apoy sa kanyang katawan.

Maya maya pay bumagon na si Azaiah sa kanyang pag kaka bagsak sa lupa.

Matinding pinsala ang tinamo nito. Ang kanyang kasuotan ay nag sira nadin dahil sa atake ni Pluto sa kanya.


Nag lakad ito palapit sa apoy na bumabalot kay Pluto kasabay ng pag palibot ng matatalim na hangin sa katawan ni Azaiah. Dahil sa talim ng mga itoy tuluyan ng natanggal ang nasirang pang itaas na kasuotan nito. Tumambad ang katawan ni Azaiah. Ang kanyang katawan ay unti unting nag kakaroon ng mga marka na kulay asul dilaw luntian at pula. Maya maya pay kaagad nitong pinakawalan ang hangin na bumabalot sa kanya papunta sa apoy na bumabalot kay Pluto.

Nagsimulang masira ang kasuotan ni Ni Pluto dahil sa pag sasama ng apoy at matalim na hangin.

Maya maya pay pumahimpapawid si Azaiah kasabay ng enerhiyang bumabalot kay Pluto kasunod nito ang sunod sunod na pag tarak ng mga matutulis na tubig papaitaas papunta sa enerhiyang nag papahirap kay Pluto

"Ahhhhh!!!"

Sigaw ni Pluto dahil sa tinding sakit na bumabalot sa kanya.

Unti unting nag ilaw ang mga mata ni Azaiah kasabay ng pag tingkad ng mga marka sa kanyang katawan. Nag liwanag ang kanyang mga kamay at ang syang unti unting pag labas ng kadena sa kanyang mga kamay, maya maya pay lumabas na sa kanyang kamay ang kanyang Armas.

Ang kusarigama.

 
Ang natatanging armas ng mga maharlika. Kitang kita ang mga malalamim na buntong hininga ni Azaiah habang naka tingin ito kay Pluto

"Ang akala moba sapat na ito para matalo mo ako! Isa kang hangal!!!"

Sigaw ni Pluto pag ka tingin nya kay Azaiah habang hawak hawa sa kanyang mga kamay ang armas nito.

Walang anumay ihinataw ni Azaiah ang dalawang matatalas at malalatim na palakol ng kanyang kusarigama dahilan para maitarak ito sa dib dib ni Pluto.

Kasabay nito ang sigaw ni Pluto at ang mabilisang pag bagsak nuto sa lupa. Lumikha ito ng pag sabog at unti unting nilamon ng lupa ang enerhiya.

Pababa na si Azaiah upang tuluyang tapusin ang nag hihirap na si Pluto ngunit isang awit mula sa kanyang likuran ang nag patigil sa kanya.

"Haaahaaaa"

Napalingon ito sa kanyang likuran, unti unting bumuhos sa mga mata nito ang luha sa nakita.

"Anak"




To be continued..


Pahingi naman jan ng comments hihi syempre hit vote para masaya si Author!

keep safe guys!

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon