Chapter 33:

429 33 6
                                    

Lark's POV


"Azaiah"


Bulong ko kasabay ng pag litaw nito sa harapan ko.

Kitang kita ko sa mga mata nito ang pag aalala at pag kalungkot matapos nitong mapag masdan sa sinapit ko.

Masasalita palamang sana ako noong bigla itong magsalita dahilan para makinig ako.

"Mas kakailanganin mo ito ngayon"

Mahinahong tugon nito

Kasunod noon ang pag lapat ng kanyang palad sa aking dibdib.

Biglang nag ilaw ito ng puti at naramdaman ko ang pag puna sa enerhiyang nawala saakin.

Ramdam kong binabalutan nanaman ako ng lakas. Hindi kasing lakas ng dati kong taglay ngunit sapat na para makabangon at makontrol ko ulit ang aking taglay na kapangyarihan.

" Hindi mo kailangang makita itong nagaganap"

Pag pipigil ko matapos ang kanyang ginagawa ngunit ngumiti ito kasabay ng pag kikipag usap nya saakin gamit ang kanyang isipan

"Alam ko na, salamat sa pag papaalala. Habang pinupuna ko ang enerhiyang nawala sayo, nakita ko at nabasa ko lahat ng tinamo mo. Lahat ng kataksilan lahat ng pag ka muhi. Masakit saakin ngunit kailangan kong harapin ito."

Halos pumatak ang luha nito.

"Ngunit"

"Hindi mo kailangang mag alala. Salamat ng madami sa pag aalalay saakin Lark. Ang hihilingin ko lang ngayoy hayaan mo akong harapin si Jethro. Kahit masakit ay gagawin ko. Kailangan kong maitama ang lahat"

pakiusap nito kasabay ng isang matamis na ngiti at pag bagsak ng luha sa mga mata nito.

Wala na akong nagawa.

Tumayo na ito at tumalikod saakin.

Unti unti na itong nag lakad patungo sa pinag lalabanan ng tatlo.

Pinilit kong tumayo at humakbang para sundan sya ngunit isang enerhiya ang pumigil saakin.

"Pakiusap"

Pag susumamo uli nito saaking isipan dahilan para hindi na ako humakbang at pinanood ang kanyang pag lapit sa nagaganap na labanan.


Third Person Point of View


"Isa kang hangal!"

Sigaw ni Harley saka pinalibutan nito tubig si Jethro saka ibinagsak ng napaka lakas dahilan para yumanig ang lupa!

"Napaka lakas nya! Iba ang kanyang taglay!"

Sigaw ni Blaze pag katapos umatake no Harley

"Maaring may halong itim na enerhiya ang kanyang kapangyarihan kaya hindi natin sya mapatumba. Ano ng gagawin na.......  Balze sa likod mo!!!"

Sigaw ni Harley ngunit hindi na nakailag si Blaze at natamaan ito ng napakalaking bato dahilan para mapasubsob ito sa lupa at mailampaso

Bigla bigla namang nagliyab ang paligid kung saan napa dausdos si Blaze kasabay ng pag labas ng kanyang sandata.

Isang pana ang lumabas sa kaliwang kamay nito.. Ang mga armas ng taga Pyrus.

Maya maya pay humugot na ito ng bala at inilagay sa kanyang armas at sigagadsad na pinakawalan sa kinaroroonan ni Jethro ang mga apoy na patulis ngunit laking gulat nila noong bilang sinangga ng mga biglang tumubong patulis na lupa ang mga bala ng kanyang pana.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon