Part 2 of the Epilouge
Azaiah's POV
Andito ako ngayon sa balkonahe ng silid ng aking asawa. Sumisinghap ng masarap at sariwang hangin pag katapos ng aming pag niniig habang malayang pinag mamasdan ang maka agaw hingingang tanawin ng Sylph.
Sa nag daang taon hindi ko lubos maisip na madaming malalagas na buhay at madaming mag babago upang manunbalik ang kapayapaan ng Olympus.
Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nuong maramdaman ko ang mga kamay na bumalot sa aking likuran.
Kasabay nito ang pamilyar na amoy at ang pag halik nito sa aking leeg at bahagyang hinigpitan ang kanyang pag kakayakap.
"Hindi kaba na pagod?"
Mahinang wika nito at hinalikan ulit ang aking leeg.
Hinawakan ko naman ang kanyang mga kamay na naka pulupot sa aking katawan at napangiti bago mag salita.
"Sa ginawa mong pang hahalay sakin, hindi sapat ang isang araw na pag papahinga"
Sagot ko naman dito dahilan para mapatawa ito.
Maya maya pay bumitaw ito sa pag kakayakap at nag tungo sa aking tabi. Duon ko lang napansin na wala parin itong saplot sa katawan.
Napatingin ako sakanya at isang nakakalokong ngiti at kindat ang kanyang iginanti.
"Mag bihis ka"
Mahinang wika ko kasabay ng pag bawi ko ng aking tingin.
"Sa iyo ako. Saka nakita mo naman na to. Wag mong sabihing naiilang kapa?"
Wika nito kasabay ng kanyang mahinang tawa kaya kaagad akong napatingin sa kanya at nag taas ng kilay.
"Oo na eto naman di mabiro"
Sagot nito sakin kasabay ng kanyang pag kamot sa kanyang ulo
Sunod ko namang tinanggal sa aking katawan ang roba na syang proteksyon ko sa ginaw at inabot ito sakanya.
"Mukhang malalim ata ang iniisip ng aking asawa. Baka may balak kang ibahagi saakin yan mahal?"
Tanong nito kasabay ng kanyang pag hawak sa aking kamay habang nakatingin sa nasasakupan ng kanyang kaharian.
"Masaya lang ako"
Panimula ko dahilan para mag tinginan kaming dalawa.
"Andito ka. Ligtas. Kasama at ngayon asawa na kita"
Dag dag ko dahilan para mapangiti ito.
"Alam ko. Ako rin naman mahal"
Sagot nito saakin dahilan para magtungo sya saaking likuran at mahigpit na yinakap.
"At hindi ko hahayaang mawala kapa. Hanggang sa huling hininga ko, paliligayahin kita at titiyaking mamahalin habang buhay"
Dagdag nito at hinalikan ang aking leeg.
"Mahal"
"Hmmmm
"Mag handa ka."
Utos ko ngunit hindi ito humiwalay sa pag kakayakap sa akin.
"Gabi na mahal. Saan nanaman ba tayo mag tutungo? Mag pahinga nalang tayo"
Sagot nito.
Kaagad akong kumalas sa kanyang yakap at humarap sakanya. Isang matamis na halik sa labi ang iginawad ko kasabay ng pag haplos sa kanyang pisngi dahilan para mapapikit at damhin aking bawat haplos ko.
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasyGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...