ARVINA.K.A: Harley Axl Mossberg
Kingdom: Undies
Jungian Type: Emotion/ Feelings
Direction: West
Musical Instrument: Strings
Animal: Man
Symbols: springs, lakes, sea, ocean
Archangel: Gabriel
Qualities: Meditative, Joyous, Seductive, Gentle
Weapons: Bows, swords, physic
Deadly weapon: Javelin.
He can control the direction, the current and the energy of water
His Pov
"Wala parin kaming mahanap na bakas o enerhiya man lang na ang mumula dito sa West direction mahal na prinsipe."
Panimula ng isa sa mga merman habang kinakausap ko ang mga to tungkol sa nalalaman nila sa aking misyon.
"Ngunit tiyak nyo nabang nalibot nyo na lahat ng katubigan dito? Marahil ay may mga lugar pa kayong hindi napupuntahan?"
Sambit ko naman sa mga to.
"Patawad mahal na prinsipe ngunit, sapat nalang ang enerhiyang taglay namin upang sumisid papuntang Undies upang makabalik."
"Wala na ba tayong pwedeng gawin? Sampung taon na akong nag hahanap ngunit wala paring bakas ni drizza. Mahihirapan ako kung wala ang tulong nyo."
Saad ko muli.
"Patawad kamahalan. Ngunit kapag nag tagal pa kami dito, ang enkantasyon ng tubig ng dagat na syang nag papawalang bisang makita kami ng mga tao'y unti unti ng mawala. Maari kaming patayin ng mga tao o di kaya'y mag laho na ng tuluyan dahil sa tagal na namin dito sa mga mundo ng mga mortal"
Pag papaliwanag naman nito.
Mukhang tama nga sya. Marami ng nawawalang mermans simula noong sunod sunod na nag kakaroong ng malalakas at panipanibagong current sa karagatan na labis na ikinababahala ng Undies.
"Kung gayo'y, humayo na kayo. Maraming salamat sa tulong ninyo. Tanggapin nyo ito upang mag karoon pa kayo ng lakas at sapat na enerhiya upang makabalik ng mas mabilis sa Undies"
Wika ko saka sabay pakawala ng Berdeng tubig sa aking palad na syang pumalibot sa kanilang katawan at unti unting hinigop ng mga katawan ng mga to.
"Maraming salamat kamahalan. Isang malaking karangalan ang makatulong sa inyo"
Wika ng mga to saka yumuko upang mag bigay pugay.
"Maraming salamat din sainyo. Ikamusta nyo na lamang ako sa aking mahal na ama at ipabalita rin sakanyang wala pang bakas ni Drizza na aking nakikita. Humayo na kayo. Malalim lalim pa ang inyong sisisirin. Maraming salamat muli."
Wika ko kasunod ng pag taas ng tubig dagat at lumikha ng mga alon tanda na aalis na ang mga merman.
Kumaway naman ako sa mga to at pag ka kalma ng dagat, kaagad narin akong naglakad papalayo dito.
Hello! Pasensya mas inuna ko pang makipag balita at maki usap sa mga nilalang ng
Undies.Nababahala na kasi ako sa pag hahanap kay drizza. Sampung taon na ngunit ni isang bakas nya wala akong mahanap.
Ako nga pala si Harley Axl Mossberg. Mas kilala sa pangalang "Harl" palayaw kumbaga.
Smapung taon na akong nag lilibot sa kabuuang karagatan at ka tubigan ng West ngunit ni isang enerhiya ni Drizza hindi ko parin nararamdaman may mga pag kakataong may enerhiya akong nararamdaman. Kakaiba tulad din ng aking enrhiya ngunit pinapawi ko rin kaagad ito dahil nga sa palagay koy mga mermans lang ang mga iyon.
Haist..
Andito ako ngayon sa tabing dagat.
Malapit na sa east coast.
Alam kong hindi tungkulin ang pasukin ang east direction ngunit gabi gabi kong nakikita ang pag papaliwanag ng hangin ng Prinsipe ng Sylphs sa east coast na nag sasabing pumapayag syang pasukin iyon.
Hindi ko minsan akalaing sa pag pupursigi nitong hanapin ang taga pag mana ng Olypus ay papayag syang ipapasok saakin ang karagatan ng East.
Sampung taon. Hmm. Hindi na masama.
Na adopt ko naman na ang kultura at kaugalian ng mga mortal. Noong una'y nahihirapan ako ngunit sa kalaunay na gagawa ko ng makisabay sa mga to.
Maya maya pa naka kita ako ng isang bench sa may mini park ng daan malapit sa dagat. Kung uupo ka rito ay tanaw na tanaw mo ang karagatang napaka banayad.
Kay sarap panoorin para bang pinupunan lahat ng enerhiyang nagamit ko sa kakanahap kay Drizza.
Sa sampung taon na pag hahanap, nagawa ko naring makapag tapos ng pag aaral dito sa mundo ng mga mortal.
Nakakalito nga kasi kadami
daming pag aaralan hindi tulad sa aming kaharian pakikipag laban at pag gamit lamang ng kapangyarihan ang aaralin hindi tulad dito napakadami. Sandamak mak na libro at kung ano ano ang aaralin. Kaya nga siguro tinaguriang pinaka matinding kalaban ang mga mortal dahil sa pagiging ma talino at makasarili ang mga to."Haayy. asan kana naba kasi Drizza. Mag paramdam ka naman o"
Sambit ko saka pinatong yung dalawang kamay ko sa ulo ko upang gawing unan habang nakaupong pinapanood ang dagat.
Ang sarap sa pakiramdam..
Maya maya pa..
Biglang umihip ang hangin..
"Pamilyar na enerhiya"
Sambit ko sa aking isipan saka pinag patuloy parin ang panonood sa dagat.
Hindi naman ako nag alangan dito sapagkat alam kong hindi masama ang enerhiyang iyon..
Maya maya pay..
"Napapadalas ata ang pag iisip natin a"
Sambit ng isang boses sa aking tabi dahilan para mapalingon ako.
"Ano ng balita natin?"
Dag dag pa nito dahilan para mapangiti ako.
"Andito ka nanaman"
To be continued..
may mangilan-ngilan ng nag babasa, YIEE
Votes and comments are highly appriciated guys.
@blacknightkeiden29
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasíaGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...