Chapter 3: The Earth Prince

2.8K 149 4
                                    


JORAN

A.K.A : Jethro Zade Aldridge

Kingdom:Gnomes

Jungian type: Physical Body/Sensation

Direction: North

Musical symbol: Drum

Animal: Bull

Symbols: crystals, Rocks, mountain

Archangel: Uriel

Qualities: Possesive, Stubborn, Protective, Loyal

Weapons: Nun-chucks, Bows, knuckles, physic

Deadly Weapon: Arnis stick, Nunchucks,

He can control the power of the earth.

His Pov

Matagal tagal na ako rito sa Mundo ng mga mortal. Mundo ng mga tao. Halos mag sasampung taon na ang nakakalipas simula noong makarating kaming apat dito.

Nakikibalita nalang ako sa lupa at mga puno kung ano ng nagyayari sa tatlong kasamahan ko.

May mga pag kakataong naninibago ako noon sa pakikitungo sa mga tao dahil nga naiilang ako sa mga tradisyon ng mga to.

Oh well. Nice to meet you guys! 馃榿馃槉

I am Jethro Zade Aldridge the Earth prince.

Dahil nga sa pag hahanap ko sa anak ng mahal na reyna at hari, natutunan ko naring makitungo sa mga tao.

May sariling bahay na ako dito. San ako kumuha ng pampatayo? Tsk. Konting magic lang. Haha.

Nag aral rin ako sa University ba ang tawag dun? Kung saan nag aaral ang mga tao dito sa mundo ng mga mortal.

Sampung taon.

Pero ni isang bakas ni Drizza hindi ko mahanap.
Halos ilang ulit ko ng pinapakiramdamaman ang lupa ng North para lang maramdaman sya pero hindi ko parin ito mawari.

Halos nalibot ko na ata ang buong North pero wala parin akong nakitang Drizza.

Sino ba kasi sya? Ni hindi ko pa nga nakikita yun e. Kahit ang sabi ni ama, halos ka edad ko lang daw yun. Sabi pa nya ang pag ka silang ni drizza ay ang pag kasilang rin ng apat na prinsipe.

Tss.

Andaya nga eh. Ni hindi man lang namin nakita o nakalaro man lang.

"Oh jethro! Asan kana? May mga kailangan pa tayong puntahan! Malalate tayo dun lintik ka!"

Sigaw saakin ni Patrick sa aking likuran habang naka upo ako sa balcony ng bahay ko.

Si patrick nga pala.

Isang mortal.

Nangyari lang noon nung papunta ako dito sa lupa, nadatnan ko syang nasa bingit ng kamatayan, isang aksidente ang nangyari, nawalan ito ng control sa sasakyang minamaneho nya noong gabing iyon.

Mahuhulog na sana sya sa bangin nung bigla akong sumulpot at buti nga nakita ko pa.

Ayun niligtas ko.

Alam nya na ako ang Prinsipe ng Lupa.

Sinabi ko sakanya lahat at naging kaibigan ko na.

Alam ko namang mapagkakatiwalaan sya.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon