Chapter 22:

605 32 2
                                    

Someone's POV

Kung eto lang ang paraan para mapasakin na sya ng tuluyan at hindi na sya mawalay pa sakin gagawin ko ang lahat.

Kahit alam kong mali.

Maya maya pay kaagad na akong pumasok sa itim na dimensyon.
Nawala na rin ang aking pag aalin langang pumasok sa dimensyon na iyon dahil narin siguro sa palagi na akong nakakapasok na nakasanayan ko narin ang kakaibang enerhiyang pumapalibot sa iyo kapag pinasok mo ito.

Ilang sandali pay naka kalapag na ako sa lupa. Bakas sa lugar ang matinding kasamaan. Ang dating paraisong kaharian ay nababalot na ng kasakiman at kasamaan.

Malayong malayo ito sa kinlakhan kong tahanan.

Nag simula na akong mag lakad papunta sa napakatayog na palasyo, ang dating ginto at pilak na ngayoy nababahiran na ng itim na kulay dahil sa pag hahari ng syang sumakop sa lugar na ito.

Habang nag lalakad ako papunta sa pintuan ay sya namang pag lapit ng mga nakakasuklam na nilalang na mga kawal ng kanilang hari. Bakas sa mga mukha nila ang galit at handa akong atakihin ng wala sa oras.

Akmang itutulak ko na sana ang pintuan ng palasyo noong kusa itong bumukas at tumambad sa aking harapan ang bagong hari na naka upo sa trono ng Mahal na Haring Drieko.

"Maligayang pag babalik"

Bungad nito saakin habang patuloy parin ang pag tahak ko papalapit sakanya.

Labag man saaking kalooban ngunit wala akong magawa kundi ang sundin sya..

"Natapos kona ang pangalawang pinapagawa mo"

Direktahan kong banggit pag kalapit ko sa trono nito na abalang sinusuri ang katana nito na nababalutan ng mga dugo.

"Pluto"

Dag dag ko pa kasabay ng isang guhit sa kanyang mga labi na syang  hudyat na masaya ito.

Kasunod nito ang mga mahihinang halak hak at ang pag tigil sya sa pag susuri sa kanyang sandata at nilapag ito sa kanyang tabi.
Maya maya pay unti unti itong lumapit saakin.

"Magaling kung ganon. Masunurin ka naman palang bata."

"Ginagawa ko ito dahil sa kasunduan natin!!"

Sigaw ko habang pinipigilan kong magalit.

"Hahahahaha! Ganyan nga. Magalit ka! Hahahaha! Hindi nga ako nag kamaling may natatago karing kasakiman."

"Tuparin mo ang kasunduan natin! Dahil lahat ng ini uutos mo ginagawa ko!"

Sigaw ko muli habang patuloy itong nag lalakad papunta muli sa kanyang trono.

Ilang sandali pay bigla itong huminto..

"Kung ganon, hindi pa tapos ang mga kagustuhan kong ipagawa sayo. At kung gusto mong gawin ko yung ipinangako ko? Bilisan mo at gawin mong maayos ang trabaho mo"

Sagot nito saka nag patuloy sa pag lalakad ako namay tumalikod narin at pinalabas ang dimensyon ng mga tao.

Labag man saakin ngunit kaylangan ko tong gawin..

"Susunod kana ARVIN"

Bulong ko saka tuluyan ng pumasok sa dimensyon..


Third person point of view


"Ayos kanaba?"

Bungad ni Cristina kay Azaiah matapos itong lumabas sa kanyang silid.

Palagian nalang kasi ang pang hihina nito at halos dalawang araw narin syang nag kukulong sa kwarto.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon