Chapter 32:

378 32 0
                                    

Azaiah's POV


"Cristina, may kakaiba akong nararamdaman. Wari koy isang masamang pangitain"

Bungad ko kay Cristina pag ka lapit nito sakin sa living room habang naka upo ako sa sala.

Kanina ko pa ito na raramdaman.

Ang ihip ng hangin at ang galaw ng lupa

Isama mo pa ang kakaibang tibok ng puso ko. Kinukutuban na ako. Alam kong may hindi magandang mangyayari. Ngunit ano?


"Kung meron man? Ano naman iyon? Saka kaya mo namang kausapin ang apat na elemento? Bakit hindi mo sila hingan ng impormasyon?"


Tama. Tama sya ngunit papaano? Ang koneksyon ko sa lupa, apoy at tubig unti unting hindi ko na nararamdaman ni ang pakikipag talas tasan sa kanilang enerhiya'y
Nahihirapan na akong gawin simula noong umatake ang itim na nilalang sa taga pangalaga ng apoy at Tubig?

"Alam mo namang hirap na ako sa pakikipag ugnayan sa kanila. Simula noong inatake sila ng itim na nilalang na iyon?"

"Sa pag kaka alam ko'y ang lupa at hangin ay kaya mo pa?"

Balik tanong nito sakin saka tumitig saking mga mata.

Ang hangin oo kakayanin ko ngunit ang lupa?

Ang kapangyarihan ng aking pinili?

Bakit hindi ko kayang controlin ang lupa?

Ano bang nangyayari? Sa pag kakaalam ko'y hindi pa sya inaatake ng nilalang na iyon?

"Huy! Ayos kalang!? Ang lalim naman ata ng iniisip mo? Nangingitim na ang langit sa pag iisip mo?"

Suway saakin ni Cristina dahilan para matauhan ako.

"Wala, wala to"

Sagot ko nalamang kasabay ng pag bibigay tuon ng aking pansin sa kanyang pinapanood sa tv.

Ang aking kakayahang mag intuition? Ang pag babasa ng isip nakakaya ko kina Blaze, kay Harley at kay Lark ngunit bakit kay Jethro hindi?

Anong ibig sabihin nito?!

Nasa pag iisip ako nung biglang napatayo si Cristina sa kinauupuan nito.

"Azaiah"

Bulalas nito habang nakatayo at nakapako ang tingin saaking likuran.
Kaagad ko namang nilingon ang aking likuran at maalimpungatan ako sa nakita ko.

Ilaw!

Asul na ilaw.

Ang liwanag ng Slyph!


"Nanganganib si Lark!"


Lark's POV


"Jethro?!"

Halos gulat na sambit ni Harley at Blaze habang akay akay ako. Hindi sila makapaniwala sa nakita.

Alam ko ang pakiramdam nila. Nasasaktan at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"La-lark! Ano to? Sabihin mong pakulo lamang ito at hindi totoong nagaganap!"

Pasigaw na tanong saakin ni Blaze


"Anong bang nagyayari?! Anong nangyayari kay Jethro!!"

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon