Chapter 26:

440 33 0
                                    

Azaiah's POV


West coast.

Tama dito nga kami sa west coast pumarito.

Sa karagatang nasasakupan ng kapangyarihan ni Harley.

Sa ngayoy naka upo kami dito sa may mga matatayog na bundok na bato. Pinapanood ang napaka kalmadong karagatan kasabay ng mga musika na nililikha ng mga alon.

"You like it?"

Napangiti ako sa tanong nito

"Alam na alam mo nga kung saang mga lugar ko pinakagusto"

"Nararapat lang na malaman ko ang kagustuhan  ng mahal kong hari"

Sagot naman nito saka tumingala at tumingin ulit sa karagatan.

"Haay, kung sana lang matigil na ang lahat ng itong nangyayaring kaguluhan"

wika ko

Habang nakatingin parin sa karagatan

Maya maya pay naramdaman ko ang palad nito na nakalapat na sa kanang palad ko.

May kaunting higpit na para bang inaalagaan ako at ayaw akong pakawalan

" Lahat ng itoy marahil ay na itadhanang mangyari, at hindi mangyayari ang mga to kung hindi mo kakayanin"

Sagot naman nito dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Isang pilit na ngiti naman ang ibinigay ko saka muling nag salita.

"Marahil ay wala akong kwentang tagapag mana ng Olympus. Sinayang ko lamang ang sakripisyo ng aking Ama at Ina wala man lang akong magawa upang mapigilan ang mga sunod sunod na nangyayari sainyo"

Mungkahi ko ulit saka tumingin sa kanya.

" Ikaw? Kumusta ang mag karoon ng mga magulang habang lumalaki?"

Biglang tanong ko sakanya

Labis labis na kasi ang aking pangungulila sa aking ama at ina simula pa noong lumisan sila. Dahil sa kagagawan ni Pluto.

"Masaya, minsan hindi, palaging silang anjan para alalayan ka lalong lalo na sa pamamahala ng Kaharian ngunit may mga pag kakataon din na hindi mo magawa ang gusto mo dahil sa kanilang kahigpitan"

Sagot naman nito saakin. Isang pilit naman na ngiti ang aking isinukli dahilan para mahalata nya ito at mag tanong.

"Ayos ka lang ba?"

Nag aalala nitong tanong saakin

Gustuhin ko mang sagutin sya ngunit sadyang hindi ko alam ang aking isasagot dahil na alala ko nanaman ang sinapit ng aking mga magulang.

"Halika nga dito"

wika nito saka tumungo ito saaking likuran at nag lakbay ang kanyang mga kamay sa aking bewang.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito saakin habang ang kanyang ulo ay isinik sik nito sa aking kaliwang balikat.

 nakapasarap  napaka gaan ng pakiramdam.

"Kahit hindi mo sabihin saakin ang iyong nararamdamay na babasa ko ito"

dagdag panito nito na syang ikinangiti ko.

Si Jethro, asan na kaya sya? Na mimiss ko na sya ngunit sandalian lang itong nag papakita saakin.

Kelan nya rin kaya ako magagawang yakapin at libangin sa paraang ito?


Lark's POV

Eto nga, naka yakap na naman ako kay Azaiah. Hindi na ako naiilang gawin sakanya ito dahil sa tuwing may pinagdadaanan at malungkot ito palagi ko syang yinayakap.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon