Blaze POV
"Hamda na ang dimensyon patungong Arfis Azaiah"
Mungkahi ko matapos buksan ang lagusan papunta sa aming kaharian.
Mukhang nag hahanda nga sya para sa nalalapit nyang pag babalik.
Tama ang kanyang pasya, kakailanganin nya ng malaking hukbo para labanan ang kampon ni Pluto.
Hindi maaring kakaunti ang kanyang magiging mandirigma sapagkat katangi tangi ang mga nilalang na nag babantay ngayon sa Olympus.
Sila'y nag tataglay ng pambihirang enerhiya na syang nag papalakas sa kanila.
"Kung ganon ay tara. Maiwan kana namin dito Harley."
Pamamaalam nito kay Harley na abala sa pag balot ng tubig sa lupa kung saaan naroroon si Jethro.
"Ako na ang bahala dito Azaiah. Titiyakin kong ligtas sya"
Sagot naman ni Harley dahilan para tumango si Azaiah at pumasok na sa dimensyon.
Kaagad naman akong sumunod at kami ngay hinigop na nito bago pa tuluyang mag sara.
Sa pag lalakbay papunta sa aming kaharian ay unti unti nag iba ang wangis ng kanyang damit.
Ang ibang parte nitoy naging bahagyang kulay itim na may halong asul at pula.
Nag mimistupang baga ang kausotan nito.
Maya maya pay umilaw ang kanyang marka sa kanyang kanang balikat at naniningkad sa pulang ilaw na nililikha nito.
Maya maya pay naka rating na kami sa aming kaharian.
Kamiy nasa labas ng aming kastilyo.
"Tamang tama"
Mungkahi ni Azaiah matapos kaming lumapag sa harapan ng kastilyo.
"Nasaan ang mga nasasakupan ng Arfis? Bakit parang walang naririto?"
Tanong saakin ni Azaiah matapos ilibot ang kanyang paningin sa aming kaharian
Maya maya pay naka rinig kami ng sigawan sa loob ng palasyo.
"Mukhang may pag pupulong na nagaganap. Tiyak kong lahat ay nasa loob."
Pag papaliwanag ko naman habang tinutumbok namin ang malaking pintuan papasok sa aming kastilyo.
"Ngunit kaila---"
"Tamang tama Blaze. Wag kang mag alala. Tinitiyak kong hindi ka pagagalitan ng iyong ama. Kailangan kong makausap ang iyong ama. Kung akoy liliban pay masasayang ang oras"
Sagot nito sakin matapos kong pigilan sya.
Ako namay tumango at sumang ayon nalang sa gusto nyang mangyari.
Maya maya pay ako na ang nauna sa kanya at nakita kami ng mga kawal.
"Maligayang pag babalik mahal na prinsipe"
Bati nila saakin kasabay ng pag harang ng kanilang mga sandata sa pintuan.
"Patawad mahal na prinsipe ngunit isa sa mga batas ng hari ay ang pag babawal sa mga dayuhan na pumasok sa kastilyo"
"Kung mamarapatin nyo'y papasukin nyo kami dahil batid kong ikagagalak akong makita ng inyong kaharaian at ng inyong hari"
Sagot ni Azaiah sa kanila.
"Maya maya pay nag tinginan ang mga kawal at nag pasyang buksan ang pintuan.
Pag bukas nitoy tumambad saamin ang mga nasasakupan ng Arfis.
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantastikGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...