Lark's POV
Walang imikang naganap.
Halat ay tila naka luhod parin at hindi maka paniwala sa kanilang na saksihan.
Maya maya pay nag salita na ang aking ama na syang bumasag sa katahimikan."Maligayang pag babalik Kamahalan. Isang paumain, sa aking inasta. Gayun din sa aking na sasakupan. Patawad kamahalan"
Pag susumamo nito habang naka luhod parin sa harapan nito.
"Bakit kayo naka luhod? Hindi pa ako ganap na hari ng Olympus. Akoy isang nilalang lamang ng Olympus at hindi dapat bigyang pugay."
Sagot naman ni Azaiah dahilan para mapa angat sa pag kaka yuko ang aking ama.
Isang katangian ni Azaiah. Ang pagiging mapag pakumbaba nito. Kahit sya ang pinakamataas sa Kaharian ng Olympus ay ayaw na ayaw nyang pinupuri at binibigyang pugay kahit ito ang nararapat sa kanya.
"Tumayo ka mahal na hari gayun din ang iyong mga na sasakupan"
Dag dag pa nito dahilan para tumugon naman sila.
"Anak? Kung gayoy nag tagumpay ka sa pag hahanap sa taga pag mana ng Olympus?! Ito ba ang dahilan kung bakit ka naririto ng wala sa oras?"
Mungkahi ng aking ina matapos itong maka tayo sa kanyang pag kaka luhod.
Kaagad ko namang hinawakan ang isa sa mga palad nito bago sumagot.
" kaming apat ina. Hindi lang ako. At nandito ang anak ng mahal na reyna Gettala at Haring Drieko upang maki pag usap kay Ama. Ang nalalapit nyang pag babalik sa kanyang kaharian."
Tugon ko naman saka ibinaling ang atensyon ko kay Azaiah.
"Ako dapat ang humingi ng tawad sa aking inasta kamahalan. Akoy nag padalos dalos sa aking ikinilos mg hindi ko alam ang iyong mga batas. Nandito ako ngayon upang sadyaing kausapin ka tungkol sa kahiran ng Sylph at kung ano na ang nangyayari rito pag ka upo ni Pluto sa trono"
Paglalahad nito dahilan para magulat ang mga taga Sylph at lumikha ulit ng ingay.
Silay nag uusap usap at nag tatanong sa isat isa matapos banggitin ni Azaiah ang pangalan ni Pluto.
"Katahimikan! Mag bigay galang sa Prinsipe ng Olympus. Tapos na ang pag pupulong na ito. Kayoy mag sibalik na sa inyong mga tahanan at inyong mga gawain."
Utos ng aking ama dahilan para mag silabasan na sila.
"Akoy mag hahanda ng ating pag sasaluhan. Maiwan muna kita jan aking mahal na anak."
Pamamaalam ng aking ina at umalis na kasama ng kanyang mga alalay.
Kaagad naman akong lumapit kay Azaiah at nakinig sa usapan nila ng aking Ama.
"Kung gayoy ano ang iyong sadya at nais mo akong kausapin Mahal na prinsipe"
Panimula ng aking ama at nag lakad papalabas ng kanyang trono papunta sa hardin ng aming palasyo.
Kaagad naman kaming sumunod ni Azaiah sakanya.
"Nais ko lang malaman kung kumusta ang
Iyong hukbo?""Anot bakit mo tinatanong ang aking hukbo? Isang pangitain ba ito na inihahanda mo kami sa isang digmaan mahal na prinsipe?"
Balik tanong ng aking Ama kay Azaiah.
"Mukhang na kuha mo nga ang aking sadya kamahalan. Natatangi nga ang inyong kapangyarihan."
Sagot naman ni Azaiah at bahagyang napangiti na nag pa halak hak sa aking ama.
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasyGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...