15

613 22 3
                                    

"Thank you sa paghatid, Lis"

Nginitian at tinanguan ko siya.

"Wala yun. Pa'no? Mauna na ko ha" paalam ko na tinugon niya lang din ng pagtango.

Tinalikuran ko na siya at nagsimula na kong maglakad patungo sa elevator ng muli niya kong tawagin.

"Lisa wait!"

I turn around and see her walking towards me and the next thing she did caught me off guard. She put her hands on both my shoulders for support as she tip toed and kissed me on the cheeks.

"Ingat ka" nakangiting sabi niya saka niya ko tinalikuran at dali daling pumasok sa condo unit niya.

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Habang naglalakad ako papunta sa kung saan naka park ang sasakyan ko ay di mawala sa isip ko yung nangyari kanina. At nung makasakay na ko sa loob ng kotse ko, hindi ko agad yun pinatakbo. Bumalik kasi sa ala ala ko lahat ng nangyari kagabi.

"Jen? Jennie? Jen wake up? Hindi ko alam ang passcode ng condo mo pa'no kita iuuwi dun?" tanong ko pero hindi siya sumasagot kaya wala na kong choice kundi ang iuwi na lang siya sa condo ko. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan mag isa. Baka mamaya kung ano pang mangyari sa kanya.

Sa sobrang wasted niya, hindi niya na rin magawang tumayo kaya binuhat ko na lang siya. Inihiga ko siya sa kama ko since isa lang naman ang kwarto ng unit ko. Napailing ako dahil sobrang lasing talaga niya. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Ang ganda niya. Kaya nga napakaraming patay na patay sa kanya sa opisina eh. Pero sino nga kaya yung taong gusto niya? Napaka swerte naman nung tao na yun. Napangiti ako ng marinig ko yung mahinang paghilik niya. Napansin ko rin yung mga buhok na nakaharang sa mukha niya kaya agad akong lumapit at yumuko palapit sa mukha niya para hawiin ang mga buhok na yun. Ngumiti pa siya habang inaayos ko ang buhok niya kaya di ko rin napigil na mas lalong mapangiti. Ang cute niya kasi. Nagulat ako ng bigla niyang imulat ang mga namumungay niyang mga mata kaya agad akong napalayo dahil medyo awkward yung posisyon namin kanina. Sobrang lapit kasi ng mukha ko sa mukha niya kanina, ganun din yung mga katawan namin kaya baka akalain niya may balak akong gawin sa kanya. Ibinuka niya ang bibig niya at tinawag niya ang pangalan ko. Hindi ako masyadong sure kung pangalan ko nga ba yung tinawag niya o ano dahil medyo mahina yung boses niya. Nabigla pa ko nung bigla siyang sumenyas na lumapit daw ako sa kanya. Umurong ako at medyo yumuko palapit sa kanya at nagulat na lang ako ng maramdaman ko yung mga palad niya sa pisngi ko. Hinila niya pa ko papalapit sa mukha niya. Kinabahan ako dahil akala ko hahalikan niya na ako, buti na lang hindi nang bigla siyang huminto habang hawak pa rin ako sa magkabilang pisngi. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at halos magdikit na ang mga ilong namin sa sobrang lapit. Amoy ko na rin yung pinaghalong amoy ng cherry lipstick at alak na nainom niya sa bar.

"Lisa..." bulong niya. Tama nga ako. Pangalan ko nga yung tinatawag niya.

"Hmmm?"

"Alam mo bang ang ganda mo?" bulol niya pang sabi habang namumungay ang mga mata niya. Napangiti lang ako.

"Kaya nga crush kita eh" nagulat ako sa sinabi niya pero mas lalong lumaki ang ngiti ko. Crush niya pala ko ha. Hindi ko inaasahan yun kaya napailing lang ako. Talagang lasing na lasing nga siya. Hindi ko maisip yung magiging reaksyon niya bukas pag naalala niya 'tong pinagsasasabi niya sakin ngayon.

Pinagmasdan ko pa rin siya dahil hanggang ngayon di niya pa binibitawan ang mukha ko. Tapos bigla siyang umiling.

"Hindi... mali... hindi pala kita crush. Gusto kita Lisa. Gustong gusto kita... kaya lang off limits ka na eh. Kaya kahit mahirap okay na kong friends na lang tayo" I saw tears escaped her eyes.

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon