"Ms. Kim?"
Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng opisina namin and there we saw Sorn na nakadungaw roon, searching for Jennie I think.
"I'm here, Sorrn. Why?" tanong ni Jennie na galing sa area ng mga filing cabinets. She wasn't looking at Sorn dahil busy siyang may binabasa sa tablet niya.
I watched Sorn as she walked inside our office room carrying another beautiful bouquet of flowers in her hands. She was smiling widely habang papalapit siya kay Jennie.
"Flowers for you, Ms. Kim" ani nito nang makalapit siya kay Jen.
Jennie looked up and stared at the flowers. She searched for the card and smiled instantly while reading whatever it is that is written there. I don't understand but I suddenly felt annoyed seeing her smile like that because of him. It's not because I am jealous, of course I am not and I cannot be. It's just that, I am being annoyed of the fact na galing ang mga bulaklak na yun kay Miguel Juarez. I know him enough para makaramdam ako ng ganito. Jennie is my friend and Miguel Juarez has a not so good reputation when it comes to girls at ayoko lang namang malagay sa alanganing sitwasyon si Jen at masaktan siya.
"It's from Mr. Juarez again, Jen. In fairness kay Sir, consistent sa flowers ah" kinikilig na wika nito na mas lalo namang nagpangiti kay Jennie.
"Bongga naman. Walang palya. Sa dami at laki ng mga bouquets of flowers na pinapadala ni Miguel pwede ka nang magpatayo ng flower shop!" banat naman ni Jisoo.
"Ang sweet nga eh. Haba ng buhok ng wifey ko" Chaeng uttered while poking her side waist which made Jennie giggle.
Jennie, wearing her beautiful smile, looked at my direction and our eyes met. I forced a smile coz I don't want to look unhappy for her.
She was about to say something when her phone rings. I watched how she took it on top of her table and checked the screen. Nakikiusyoso pa si Chaeng at pilit na tinitignan kung sino ang tumatawag kay Jennie. Bahagyang inilayo naman ni Jen ang phone kay Chaeng at inilagay ang hintuturo sa labi asking Chaeng to be quiet.
"Hello, Miguel..." she started.
I knew it.
We were all silent but we are all watching Jennie. My brows furrowed when she shyly smile while she talking to him on the phone. Medyo namumula pa yung cheeks niya, siguro ay dahil nahihiya siya na nakatingin kaming lahat sa kanya ngayon.
"Yeah nareceive ko, ang ganda. Thank you. Pero diba sabi ko naman sa'yo enough na. Hindi naman kailangang everyday meron eh"
Show off!
Kilig na kilig naman si Chaeng at Jisoo habang nakikinig sila sa usapan nung dalawa at nakapwesto sa magkabilang tainga ni Jennie. Jennie even tried to move away from them pero makulit ang dalawa and they hold Jennie in place.
"But---" she was about to say something but I guess cut off by him.
She listened to him and heave a deep sigh before she nods her head and said, "Sige na nga ikaw nang bahala sa trip mo since ang kulit mo naman at ayaw mong papigil" turan ni Jennie nang bahagyang nakangiti.
"Wala naman. O sige, bye" she continued before dropping the call.
"Yiii!!!! Mukhang magkakajowa na ulit ang bestie namin ah!!" pang aalaska ni Jisoo kay Jennie nang maibaba nito ang telepono.
Jennie rolled her eyes at Jisoo before she sits on her swivel chair.
"Jowa agad? Ambilis mo naman masyado, Chu. We're just getting to know each other pa lang naman" tatawa tawang sagot ni Jennie.
Getting to know each other? Si Miguel Juarez papayag sa ganung stage?
I scoffed. Pero mukhang napalakas ata dahil bigla silang naplingon sa akin na pare parehong nakakunot ang noo. Napalunok na lang ako dahil parang lalamunin nila ako nang buo.
"What?" I asked. Trying not to sound awkward.
"May gusto ka bang sabihin Lisa?" tanong ni Chaeng na nakataas pa ang isang kilay.
Haays... Feeling ko talaga hanggang ngayon badtrip pa rin tong si Chaeng sa akin.
"Ano... ah... hindi ba bawal yun kasi ano... kasi client natin siya?" I asked and fucked myself for stuttering.
Bakit ba kasi ako nauutal? Sita ko sa sarili ko.
Tinaasan naman ako ng kilay ni Jen. I swear she really looks like a bitch kapag ganito siya.
"Correction Engr. Manoban, yung mom niya ang client natin, hindi siya" pangangatwiran nito.
I pouted my lips and said, "Okay, fine. Concern lang"
Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko as a sign of surrender.
"Mas okay nang si Miguel kesa naman mapunta ang wifey ko sa magugulong tao, or worst sa may karelasyon na. She deserves someone better" Chaeng butted in.
"Roseann" saway ni Jennie.
Fuck! That hurts! Alam ko namang ako yung pinapatamaan niya. Tama naman siya eh. Jennie deserves everything that is best for her. At hindi ako yun. At kahit kelan hindi pwedeng maging ako yun.
Nagulat ako nang paglabas ko ng cubicle ng banyo ay nakita ko si Jennie. She's looking at me through the mirror so I smiled at her. Lumapit ako sa tabi niya sa harap ng sink para maghugas ng kamay nang bigla siyang nagsalita.
"Pasensya ka na kay Chaeng" simula niya.
Matapos kong maghugas ng kamay ay pinatay ko ang gripo bago ko tignan siya ng diretso sa mga mata gamit ang salamin. Ngumiti ako bago nagsalita.
"Ayos lang yun" nakangiting sagot ko.
"No. If she offended you... I'm sorry" her eyes were sad so I smiled even wider para pagaanin ang loob niya.
"Ayos lang talaga. Di naman ako naoffend. Saka alam ko namang concern lang yun sa'yo"
Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinarap ko siya at saka ko hinawakan ang mga kamay niyang nakapatong sa sink at bahagya kong pinisil iyon.
"I don't trust him but I just want you to be happy, Jen. And if he makes you happy then maybe... maybe he's the right one for you na nga" I smiled and stared at her beautiful cat eyes.
Mas better nang magkagusto ka sa iba kaysa sa akin Jennie. Bulong ng isip ko habang nakaharap at nakatitig ako sa kanya.
Ilang sandali pa ay binitiwan ko na ang mga kamay niya at muling humarap sa salamin para doon siya tinignan.
"Nililigawan ka na ba niya?" tanong ko.
She nods.
I smile and nodded my head as well.
"Gaano na katagal?" tanong ko ulit.
"Almost one week" maiksing tugon niya.
"Napapangiti ka naman ba niya?" usisa ko pa rin.
Muli siyang tumango at bahagyang ngumiti. Tumango akong muli.
Hindi ko maintindihan pero sa bawat pagtango at pag sang ayon niya sa mga katanungan ko ay unti unting bumibigat ang paghinga ko.
"May pag asa ba siya sa'yo?"
Bahagyang nilamon ng katahimikan ang buong banyo. Nanatili akong tahimik habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ko. Ilang sandali pa ay nagsalita na si Jen.
"Oo"
🙁💔

BINABASA MO ANG
T O R N
FanfictionHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...