1

1.9K 43 1
                                    

I groaned when I heard my phone's non stop ringing kaya. Without opening my eyes, kinapa ko yun sa may bedside table ko at agad na isinalpak sa tenga ko.

"Hmmmm?" sagot ko sa phone ko ng hindi man lang chineck kung sino yung tumatawag.

"Babe?" tawag niya sakin sa telepono.

Nang marinig ko ang boses niya ay agad na bumukas ang mga mata ko and search for the time on my phone. 6:15 am. She called this early morning para siguraduhing hindi ako malalate sa unang araw ng trabaho ko.

"Gising ka na ba, Babe? Hey Lisa! Anong oras na dyan? Wake up na babe! First day mo ngayon sa trabaho, sabi ko naman sa'yo hindi ka pwedeng malate diba? Dad is expecting you there and he hates late comers" utos niya sakin.

Agad akong bumangon at umupo sa kama ko kahit na ang totoo ay sobrang inaantok pa talaga ko. Kinusot ko ang mga mata ko para mawala ang antok ko.

"Wala bang good morning muna dyan? Sermon agad ang aga aga pa" pagdadrama ko sa kanya.

"Alright, I'm sorry and good morning. Babe, hindi kita sinesermunan, okay? I just want to make sure na gising ka na. May tendency ka pa namang tanghali gumising coz I know how heavy sleeper you are" paliwanag niya and I can definitely visualize in my head that she's pouting right now.

"It's alright Babe. I'm awake na and don't worry I won't be late, okay? Chill ka lang" nakangiting sabi ko naman.

"Okay" sagot niya.

"Papasok ka na ba sa trabaho? Can I see you?" I asked.

"Nasa condo pa ko Babe eating breakfast pero patapos na rin ako at paalis na. Mamaya na lang tayo mag video call, okay? Sige na babe, bye!"

"Okay, Babe I love ---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naibaba niya na ang telepono.

"You... Happy anniversary" malungkot na dugtong ko.

Nakalimutan niya ba? Nakalimutan niya nga kayang anniversary namin ngayon? Lungkot. Yan ang naramdaman ko when she didn't even greeted me happy anniversary. Hindi naman sa nagiging clingy ako sa kanya masyado pero lately kasi sobrang busy niya at halos hindi na kami nagkikita. Sa facetime na nga lang kami nagkikita eh tapos napakadalang pa. Sobrang miss ko na siya. Gusto ko na siyang mayakap at mahalikan ulit. It's been a year na since pumunta siya sa Sokor para pamahalaan yung bagong company nila dun. Hindi ako tumutol dahil gusto niya yun eh so sino ba naman ako para humadlang sa gusto niya diba? Nagaaral pa lang kasi kami planado niya na yung buhay niya. Magtatapos, magmamasteral, at magmamanage ng company nila. Ganyan niya plinano ang buhay niya. Samantalang ako eto, go with the flow lang. Kung saan siya dun ako. Kahit na hindi ko alam kung nasan ako dun sa mga plano niya, eto pa rin ako naka suporta sa anumang gusto niya. Wala namang kaso sakin yun eh. Kaso pinadala naman siya ng tatay niya sa ibang bansa at ako eto naiwan dito sa Pinas dahil kailangan ko pang magreview para sa board exam ko. Ang hirap, ang lungkot ng long distance relationship pero kailangang tiisin eh. Kahit na nakakatakot yung LDR dahil di natin alam kung anong pwedeng mangyari sa relasyon namin, pumayag pa rin ako. May tiwala naman kasi ako sa kanya. Saka sabi niya naman babalikan niya ko. Di ko nga lang alam kung kelan. Pero ang mahalaga naman babalik diba?

Pagkababa ng telepono ay bumangon na agad ako sa kama ko. I'm a fresh grad at ahead sakin ang girlfriend kong si Irene ng two years. Legal naman kami sa pamilya namin dahil una sa lahat magkaibigan ang mga pamilya namin at botong boto sila sa relasyon naming dalawa. Matalik na magkaibigan ang mga tatay namin at malaki ang utang na loob namin sa pamilya nila, kaya nga hindi pa ko gumagraduate nakatalaga na kong magtrabaho para sa company nila Irene. Her father actually offered me a higher position despite me being a newbie and having no license yet pero sabi ko I want to start sa pinakamababang position. Hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko, siyempre gusto kong paghirapan ang lahat. Ayoko kasing makakarinig sa iba na kaya ko lang nakuha yung posisyon ko dahil jowa ko yung anak ng may ari. Gusto ko den naman kasing mapatunayan ang sarili ko. Thankful naman ako dahil pumayag ang Dad niya pero kailangan ko pa ring maglaan ng time twice a week para imeet yung Dad ni Irene para magreport. Need niya kasing imonitor ang trabaho ko. Training na daw ito sa pagpapatakbo ng company nila lalo na kapag nagpakasal na kami ni Irene. Actually, di pa namin napag uusapan ang tungkol sa mga kasal kasal na yan dahil nga sobrang busy ni Irene sa trabaho niya tas ako eto kakagraduate lang at magsisimula pa lang sa trabaho. Hinahayaan na lang namin sila sa gusto nila dahil wala naman kaming magagawa. Pag sinabi ng magulang namin, sinabi na nila yun, wala nang makakapagpabago pa nun.

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon