I came to work early hoping that Jennie is already there so I could talk to her about what happened. Nasa elevator pa lang ako paakyat sa office namin pero sobrang kinakakabahan na ako. Paano kung galit pa rin siya sa akin at paano kung hindi niya pa rin ako pansinin? Anong gagawin ko? Napabuntong hininga na lang ako sa lahat ng mga pumapasok sa isip ko ngayon. Bahala na. Basta kailangang makausap ko siya. Kailangan kong ayusin itong gusot na ginawa ko. I don't want her to expect something more from me kasi hindi ko yun maibibigay sa kanya.
Ilang sandali pa ay narating ko na ang 14th floor kung nasaan ang department namin. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan.
"You can do this, Lisa" bulong ko sa sarili ko kasabay ng isang malalim na buntong hininga.
Marahan kong pinihit ang doorknob sa gayon ay hindi ko siya mabigla kung sakali mang nasa loob na nga siya at may ginagawa. Dahan dahan kong idinungaw ang aking ulo sa loob and there I saw her. I was right. She's already here. She was busy reading something, a report maybe while sitting on her swivel chair.
"Good morning" marahang bati ko.
Bahagya pang napapitlag ang kanyang balikat, nagulat ko siguro siya, ngunit agad rin naman niya akong nilingon. Nahihiya akong ngumiti sa harap niya, kinakabahan kung papansinin niya ba ako o hindi. Ngunit ikinagulat ko ang sumunod niyang ginawa. Sinalubong niya ako ng isang malapad na ngiti at saka siya tumayo at ikinulong ako sa kanyang mga bisig. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Hindi kasi ganito ang inaasahan kong magiging reaksyon niya, ngunit bago pa ako makatugon ay agad na siyang humiwalay sa akin. Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata ko habang may malapad na ngiti sa kanyang mga labi. Bahagyang kumunot ang noo ko. She's being weird coz the last time I checked hindi niya naman ako pinapansin. She's ignoring me for fuck sake tapos ngayon here she is welcoming me with a big hug and beautiful smile. Why is she being like this?
"Welcome back, Lisa" she uttered that brought me back from wondering.
"Thank you" nauutal ko pang sagot sa kanya.
Tinalikuran niya na ako at muling naupo sa kanyang pwesto kanina. I was about to speak when she beat me to it as she spoke first.
"Namiss kita" mahinang usal niya ngunit dinig na dinig ko naman.
"Jen..." I called but she didn't look back. So, I tried again.
"Jen, can we talk?" I asked bago ako naupo sa isang swivel chair na katabi ng sa kanya. I gathered all my strength para tignan siya ng diretso sa mata.
Our eyes met when she looked at me. I swallowed the lump in my throat coz it's already getting dry because I am very nervous right now.
"About?" she asked.
"About us" I answered nervously.
"Us?"
"I mean... about what happened to us on the beach" I stuttered.

BINABASA MO ANG
T O R N
FanficHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...