Lisa's POV
Nakita ko siya papasok sa loob ng banyo kaya sinundan ko siya. Nadatnan ko siyang nakaharap sa pintuan nito, malalim ang iniisip, ang mga mata niya'y may halong lungkot. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, pero ang mga paa ko ay parang may sariling utak na lumapit sa kanya.
Marahil sa aking paglapit ay napansin niya na ang aking presensya.
"Lisa, anong ginagawa mo dito?" tanong niya, tila naguguluhan at nag-aalangan.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"I'm just... happy," sabi ko, tinitigan siya ng diretso sa mata.
Kumunot ang noo niya.
"I'm happy you rejected Kai." Nakangiting sabi ko ng di nag-iisip.
Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi, pero ito yung katotohanang gusto kong malaman niya. I wasn't sure if it was the right thing, but for some reason, it felt like it was.
Habang papalapit ako ng papalapit kay Jennie, ramdam ko ang tensyon sa hangin.
"Hindi ko tinanggihan si Kai dahil sa'yo," aniya, "Ginawa ko 'yon kasi hindi pa ako handa."
Umiwas siya ng tingin, pero kita ko sa mga mata niya, alam ko na may dinadala siya. Hindi ko na kaya pang magpigil. I took a deep breath and looked at her, parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang kaba.
"Doesn't matter why you did it, Jennie," sagot ko,
"Basta gusto ko lang malaman mo na masaya ako at hindi mo tinanggap ang proposal ni Kai."
Mas lumapit pa ako sa kanya, wala na akong kontrol sa nararamdaman ko. Pero sa bawat hakbang na ginagawa ko patungo sa kanya, nakikita kong umaatras siya. Bago pa siya muling makalayo ay mabilis kong nahawakan ang kanyang braso at hinila siya papasok ng banyo.
Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, at sa isang iglap, nahulog ang mga labi ko sa kanyang mga labi. Hinalikan ko siya, isang maalab na halik na puno ng pananabik at pagmamahal.
Nagulat siya, at agad akong itinulak. Lumayo siya, galit na galit.
"Anong ginagawa mo, Lisa?" tanong niya, ang mga mata niyang puno ng galit.
Napaka bilis ng tibok ng puso ko.
"Jennie, I..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon, pero wala akong pinagsisisihan dahil ipinakita at ipinaramdam ko lang naman ang tunay kong nararamdaman.
Pinilit niyang lumabas ng banyo, ngunit hindi ko siya hinayaan.
"Jennie, wait," sabi ko, hinawakan ko ang braso niya at tinanong siya. "Hindi ko alam kung bakit ako ganito... pero... nagseselos ako. Ayoko yung nakikita ko, yung kasweetan niyo ni Kai."
Ang mga salita iyon ay basta na lamang dumaloy mula sa bibig ko, hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko.
Jennie's POV
Nagulat ako sa sinabi ni Lisa.
"Nagseselos ka?" tanong ko, sabay tiningnan siya nang may halong inis.
"Are you out of your mind?" Sinubukan kong pakalmahin ang sarili, pero hindi ko magawa. Sa totoo lang gusto ko siyang sampalin.
"Tapos na tayo Lisa kaya wala ka nang karapatang magselos."
Ang mga salitang iyon ay binitiwan ko bilang pagbwelta. Halos hindi ko matanggap yung mga pinagsasabi nya. Huwag na sana siyang magsalita ng ganito, dahil mas lalo lang sumasakit ang puso ko sa lahat ng nangyari.
BINABASA MO ANG
T O R N
FanfictionHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...
