Andito kami sa lobby ngayon kasama nang iba naming officemates. We are actually waiting for Lisa na on the way na papunta rito sa office galing sa review niya when Chaeng spoke out of nowhere.
"OMG kasama pala sila?" gulat na sabi ni Chaeng.
Napatingin kami ni Jisoo sa direksyon na tinitignan ni Chaeng at napabuntong hininga na lang ako sa nakita ko. The guys from IT department are also here. Akala ko next week pa yung schedule ng team building nila. We have no idea na kasabay pala namin sila. As usual, patingin tingin na naman yung mokong na Mark. Gosh! This creepy guy is really getting into my nerves.
"Mukhang di matatahimik ang gabi mo Jen!" pangaasar ni Jisoo.
"Pwede ba Chu!"
I rolled my eyes on Jisoo saka ko siya tinalikuran. Napatingin naman ako sa may entrance and there I saw Lisa. She came out from an unfamiliar black Mercedes Benz na sigurado akong hindi kanya coz I know Lisa's car pretty well. Napangiti ako ng makita ko siya. Papasok na sana siya ng bigla siyang tawagin ulit nung nasa kotse. Lumapit si Lisa dun sa bintana at masayang nakipag usap sa kung sinomang nasa loob nun. Out of curiousity, sinilip ko kung sino at nagulat ako nung makita ko kung sino yung kausap niya. She's talking to chairman Bae lang naman. The one and only owner of this construction firm. At base sa nakikita ko, mukhang malapit sila sa isa't isa. Aba! Hindi man lang nagkukwento tong si Manoban na malapit pala siya kay Chairman.
Agad kong iniiwas ang tingin ko kay Lisa nang makita kong nagpaalam na siya kay Chairman Bae. I surely want to ask her now kung bakit parang close na close sila but I guess this is not the right timing tp ask her about that. Not now na nandito lahat ng officemates namin coz I'm sure she has her reasons why she didn't tell us.
"Oh andito na pala si Manoban eh! Sa wakas makakalayas na den tayo!" sabi ni Jisoo.
Napatingin ang lahat sa kanya including me at nung nagtama ang mga mata namin, automatiko kaming ngumiti sa isa't isa.
"Sorry guys... Ako na lang ba kulang?" nahihiyang sabi nito habang hawak hawak niya yung batok niya.
"Hindi naman Lis okay lang. Tara na sa van!" aya ni Jisoo.
Nauna nang naglakad sina Jisoo at Chaeng at isa isa kaming sumunod sa kanila. Naramdaman ko yung presensya niya sa gilid ko. Sinasabayan niya na ko maglakad ngayon. Sa totoo lang, masaya ko kasi first time niyang makakasama samin. Palagi kasi siyang pinagbabawalan ng girlfriend niya na sumama sa tuwing lalabas kami ng mga officemates namin pero siyempre nag aalala den ako kasi baka mamaya pagsimulan pa to ng away nila. Pero sa tingin ko naman wala akong dapat ipagalala dahil kilala ko tong si Lisa, hindi to sasama kung walang approval ng girlfriend niya.
"You made it. Buti naman pinayagan ka na ni jowa?"
Hindi niya naman ako sinagot, nginitian niya lang ako.
"Kumain ka na ba?" tanong nito.
"Actually, nagbrunch lang ako bago pumunta sa office kaya medyo gutom na rin pero sabi naman nina Jisoo hihinto na lang daw tayo sa SLEX para kumain"
"Sabi ko na nga ba. Buti na lang..."
Nginitian niya lang ulit ako then saka siya may kinuha sa loob ng bag niya. May inilabas siyang isang paper bag na iniabot miya sakin.
"What's this?"
"Buksan mo"
Pagbukas ko nung paper bag, I saw a sandwich and a can of minute maid sa loob. A smile automatically crept into my lips. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa mga simple gestures niya at care niya for me. Pero tanggap ko na friends lang talaga kami. She loves her girlfriend so much at ayokong makasira ng relasyon.

BINABASA MO ANG
T O R N
FanficHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...