Jennie's POV
Habang nakaupo ako sa maliit na sofa sa tabi ng bintana ng ospital, nakatingin ako sa malayo, iniisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig kong nagsalita si Kai sa telepono, nasa di kalayuan.
"Yes, Ate, tuloy na 'yung dinner bukas," narinig kong sabi niya, halatang excited ang boses. "Ipapakilala ko na siya sa inyo, finally."
Napalingon ako sa direksyon niya, nakingiti ngunit medyo kinakabahan. Matapos ang ilang saglit, binaba niya ang telepono at lumapit sa akin.
"Kanina pa kita tinitingnan, parang ang lalim ng iniisip mo," sabi niya, may ngiting nakakaaliw sa mukha niya.
Umiling ako at pilit na ngumiti. "Wala ito"
Tumabi siya sa akin at inilagay ang braso niya sa sandalan ng sofa.
"Bukas na 'yung dinner sa bahay," sabi niya, parang walang bigat sa mga salita.
Hindi ko alam kung paano sasagot.
"Okay lang ba talaga sa'yo?" tanong niya nang dahan-dahan.
"Oo naman," sagot ko, seryoso ang boses.
"Matagal na kasi nila akong kinukulit kung kailan kita ipapakilala, lalo na si Ate. Now that tito's fine na, I think it's the perfect time. But if you're not comfortable yet, we can always postpone it. No pressure, babe."
Napatingin ako sa kanya. Sa mukha niya, nakita ko ang kasiyahan at pangamba na baka umatras ako. Gustong-gusto kong maging excited din, pero hindi ko maiwasang mag-alala.
"Kai, don't worry. I'm fine. Iniisip ko lang, paano kung di nila ako magustuhan for you?" mahinahon kong sabi.
Ngumiti siya at marahang hinawakan ang kamay ko. "Jennie, they will love you. I know. Just trust me, okay?"
Tumango na lang ako at pilit ngumiti. "Okay."
"Thank you," sagot niya, sabay yakap sa akin.
"I promise, it'll be fine."
Habang nakayakap siya, pinilit kong isantabi ang agam-agam ko. Gusto kong maging masaya sa kung ano ang meron kami ngayon. Pero sa loob ko, may kirot pa rin akong hindi maipaliwanag—isang bahagi ng puso kong hindi pa tuluyang gumagaling.
Tahimik akong nakaupo sa passenger seat habang nagmamaneho si Kai papunta sa dinner na pinakahihintay niya. Halos magyelo ang mga kamay ko sa kaba, at parang lalo lang itong tumindi nang makita ko ang karatula sa entrada ng subdivision na pinasukan namin.
Private. Exclusive.
Habang papasok kami sa exclusive subdivision, hindi ko maiwasang magpalinga-linga sa paligid. Napakaaliwalas ng lugar—ang mga kalsada ay malinis, lined with perfectly trimmed trees, at bawat bahay na nadaanan namin ay parang galing sa isang luxury magazine.
Ang bahay nila ay higit pa sa inaasahan ko. Napakalaki nito, parang isang mansion na makikita mo lang sa pelikula. Ang buong harapan ay gawa sa modernong kombinasyon ng salamin at kongkretong may matte finish. Ang malalaking floor-to-ceiling windows ay nagbibigay tanaw sa loob, na agad kong napansin na punong-puno ng eleganteng furniture at art pieces. Ang landscaping ay sobrang pulido—may mga sculptured hedges at makukulay na bulaklak na perpektong nakaayos. May nakaparadang dalawang luxury cars sa gilid, na parang accessory lang sa engrandeng aesthetic ng bahay.
"Welcome," sabi ni Kai habang binuksan ang pinto ng kotse para sa akin. "Huwag kang kabahan, okay? Nandito lang ako."
"Kai," mahinahon kong tanong, pilit pinapakalma ang sarili, "This is your house?"
BINABASA MO ANG
T O R N
Hayran KurguHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...
