"Ano my slave kaya mo pa ba?" I said while laughing at Lisa's state right now.
Napag utusan lang naman kasi kami nina Jisoo na maghanap ng mga kahoy para sa bonfire sa may dalampasigan habang inihahanda nila yung mga beer at pulutan namin para mamaya. Siyempre, sinamantala ko na yung pagkakataon. Sinamahan ko si Lisa mamulot ng mga pwedeng panggatong pero siya yung pinagbitbit ko at marami rami na rin kaming nakukuha at alam kong medyo nahihirapan na siya.
"Haha. Para ito lang? Kayang kaya! Gusto mo ipasan pa kita master eh" mayabang niya namang sabi.
"Master?"
"Yes Jen. I'm your slave so you are my master" nakangiting sabi niya sabay kindat.
Nakakainis talaga to ang landi! Kung di ka lang talaga taken kiniss na kita.
Jeez! Control Jennie! Kung ano ano na naman yang naiisip mo!
I smirked kasi kita ko na nabibigatan na siya pero dahil sabi niya naman kaya niya pa so I let her be.
"Sayang. Tutulungan na sana kita eh"
"No need Jen, kaya ko to. Sus!"
Tumango ako at ngumiti. Ilang minuto pa at nakita na namin si Chaeng na kumakaway sa amin. Nilapitan niya kami at agad na tinulungan si Lisa.
"Grabe ka Jen! Seryoso talaga kayo sa pustahan niyo ah? Di mo man lang tinulungan tong si Lisa. Ampayat payat na nga eh pinagbuhat mo pa ng mabigat!"
"Tutulungan ko na sana siya pero sabi niya kaya niya na daw yan eh" nakangiting sabi ko.
"Kayang kaya ko naman talaga Chaeng don't worry" pagtapos ay ibinaba na nila yung mga kahoy.
Unti unting nagdidilim ang paligid kaya inumpisahan na ni Lisa na silaban ang mga kahoy. Tinulungan ko siyang palakihin yun sa pamamagitan ng paglalagay ng mga napulot naming kahoy. Dahan dahang lumiwanag ang paligid at isa isa na kaming sumalampak sa buhangin nang nakapabilog sa apoy. Lisa sat on my right side while Chaeng on my left and Jisoo beside Chaeng. Nilabas nila yung mga marshmallows and sticks. Napangiti ako kasi naalala ko noon nung bata pa ko. I used to join camps nung nasa girlscout pa ko tapos palagi kami nag iihaw ng marshmallows. Sobrang saya nung mga memories na yun. So, I took some at nagprepare ng para sa sarili ko. Kasalukuyan akong nagtutuhog ng marshmallows nang bigla nagtanong si Lisa.
"Favorite mo?"
"Uhm!"
Nagulat ako nang bigla niyang agawin yung stick and marshmallows sa mga kamay ko.
"Hey! Kung gusto mo, gumawa ka ng sarili mo!" sigaw ko habang sinusubukang kunin pabalik yung marshmallows and stick.
Inilayo niya yun sakin at itinaas para di ko maabot.
"Diba I'm your slave? Ako na gagawa nito para sayo master. Relax ka lang dyan!"
Hindi na ko nakipagtalo pa kasi non sense din. May pagkamakulit din kasi tong si Lisa eh. Madalas hindi talaga to nagpapatalo kaya hinayaan ko na lang siya. Pinanood ko na lang siya habang seryosong seryoso na nagtutuhog nung mallows. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya sa tabi ko. The way she scrunch her nose and pout her lips habang ginagawa yun is so cute.
"Tatlo lang ba o gusto mo dagdagan ko pa master?" tanong niya ng nakangiti sabay lingon sa akin na nagpabalik sakin sa realidad.
"Ah... Ahmm.. make it four" utos ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
T O R N
FanfictionHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...