4

873 29 8
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon ng di namin namamalayan at dalawang linggo na lang at board exams ko na. Sobrang kinakabahan na ko at napapressure at the same time. Tapos si Irene sobrang naging busy pa sa trabaho. Halos minsan na lang kami magkausap or mag video call. Minsan kahit na gustuhin kong magsabi sa kanya how exhausted I am hindi ko magawa kasi ayoko nang dumagdag pa sa pagod niya. Buti na lang din andyan yung support ng mga ka-officemates ko. Yung mga senior engineers ko dito sobrang support din yung binibigay sakin. They are willing to help me rin kapag may mga medyo hindi ako naiintindihan. They are willing to explain everything to me. Laking tulong rin sa pagrereview ko yung pag oonsite ko. Marami kasi akong natutunan pag sinasama nila ko sa actual construction area eh. Pero yung pinaka effort sa lahat, si Jennie. Sobrang tulong yung ginagawa niya para sa akin. Madalas sinasamahan niya ko magreview sa condo ko dahil one time nabanggit ko sa kanya na mas effective sa akin pag may study buddy ako. Sabi ko mas madali kong natatandaan pag may nagtatanong sakin kaya ayun nagvolunteer siya to help me. Tapos palagi rin siya nagdadala ng foods na isheshare niya sa akin dahil nakakatalas daw ng brain memory. Para daw healthy yung brain ko at maalala ko lahat ng mga nirereview ko. Sobrang maalaga ni Jennie and I couldn't thank her enough for being a good friend to me. Minsan nga nakakahiya na pero sabi niya okay lang sa kanya since bestfriends naman daw kami. Yes, bestfriends na kami. Madalas kasi napapabuddy ako sa kanya sa mga projects kasi isa siya sa pinakamagagaling na architects ng firm at marami daw akong matutunan sa kanya. Ang mga civil engineers kasi palaging kadikit niyan sa trabaho ang mga architects at nagkakataon na sa kanya ako palagi napapasama. At totoo naman, I saw and admire how passionate Jennie is pagdating sa trabaho niya. Ang galing niyang makipag usap sa mga kliyente. Kapag siya ang nagpresent, surebol na yun na macoclose ang deal. Kaya she's considered as one of the assets of the company. Sobrang swerte talaga ng magiging jowa nito ni Jennie kapag nagkataon. Maganda na, matalino, maalaga pa! Saan pa sila diba? Sana lang yung magiging jowa niya in the future eh yung matino. Yung hindi siya gagaguhin. Kaya lang sobrang pihikan nito ni Jen eh. Sa dami ng nanliligaw hanggang ngayon walang sinasagot. Matagal na kaming magkaibigan at matagal ko na siyang kinukulit kung sino ba yung nagugustuhan niya na si Chaeng lang ang nakakaalam pero hanggang ngayon ayaw niyang sabihin sa akin. Baka daw asarin ko siya. Eh hindi ko naman siya aasarin eh. Kikilalanin ko lang naman kung sino yung gusto niya. Pero wa epek! Ayaw talaga umamin eh. Kaya di ko na pinilit. Wait ko na lang kung kelan niya sasabihin sa akin.

"Bale set na yung team building natin ah. Ang alis natin nun Saturday ng tanghali pagtapos ng review mo Lisa. Para isang van na lang tayo, tapos Linggo na nang gabi ang uwi natin" announcement ni Jisoo.

Tumango kaming lahat at naramdaman kong may lumapit sa gilid ko. Napatingin ako at di ako nagkamali na si Jennie yun.

"Sure ka bang sasama ka? Nakapag paalam ka na ba kay jowa? Saka pa'no yung review mo?" bulong niya sa akin.

Ngumiti ako at pinisil yung cute na cute niyang pisngi.

"Hindi pa ko nagpapaalam pero sure na sasama ko, payagan niya man ako o hindi"

"Sure ka? Baka mamaya pag awayan niyo pa yan?" nakapout na tanong niya.

Napaka cute talaga nito. Sobrang concern palagi.

"Bakit naman pag aawayan? Ngayon lang nga ako sasama sa inyo. Saka team building naman to hindi at basta bastang gala lang. Saka palagi ko naman siya pinagbibigyan eh, kaya ako naman dapat pagbigyan niya ngayon. Besides, I need this. Sobrang nabuburnout na rin kasi ako kaya I need to relax"

Tumango lang siya at ngumiti.

"Sabagay... Mahirap nga at nakakapagod yung sobrang trabaho at aral. Pero kung ako sayo, magpaalam ka pa rin para aware siya ha. Para payagan ka man o hindi, atleast nagpaalam ka diba? Saka malay mo naman this time payagan ka na, okay?" sagot niya while wiggling her eyebrows.

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon