3

856 32 2
                                    

A month have passed simula nang dumating dito si Lisa and since then mas lalo kaming naging close sa isa't isa. Hindi rin nagtagal at naging close na rin siya kina Jisoo at Chaeng. I know I've told myself na kakalimutan ko nang crush ko siya pero hindi naging madali para sa akin ang gawin yun. Paano ba naman, habang tumatagal mas lalo siyang nagiging sweet and caring sa akin. Ang dali naming nakapag adjust sa ugali ng isa't isa kaya ayan tuloy, ako si tanga mas lalo ko siyang naging crush. I always told them na wala na, na hindi ko na siya crush kasi panigurado aasarin nila ko ng paulit ulit. I just keep it to myself instead. Minsan kapag nagkecare siya sakin, sinasarili ko na lang yung kilig. Di ko pinapakita sa kanila. Though minsan di pa rin nakakalusot sa mga mata nila pero hinahayaan ko na lang. Ayoko naman kasing maissue kami sa office, mahirap na. Saka may girlfriend siya kaya ayokong makisawsaw. Kutento na ko na good friends lang kami.


Ganun din naman si Lisa sa akin. She has been a very good friend to me. Nagclick kami ng mabilis dahil pareho kami ng mga trip sa buhay at mas lalong napalapit naman kami sa isa't isa nung naassign kaming dalawa to work closely on a project. I admire how she works and how her mind thinks. She's brilliant actually. Magaang katrabaho at walang kaarte arte sa katawan. But what I like most about her is yung pagiging good listener niya. I can tell her everything I want. No judgement, she just listens. Pwede akong maghanash sa kanya nang kahit na ano, kapag may problema sa trabaho o kaya kapag naiinis ako sa mga nangungulit sa akin na manliligaw.


"Eh bat ba kasi ayaw mong pagbigyan? Mukhang okay naman si kuya ang porma nga ng bangs niya eh, straight na straight. Saan kaya niya yun pinarebond?" tatawa tawang sabi nito pagbalik namin ng opisina.


Galing kasi kaming IT department para ipa-update yung mga company laptops namin.


"Alam mo Lisa kung wala kang sasabihing maganda manahimik ka na lang" pagtataray ko sa kanya saka ko siya inirapan at umupo sa table ko.


"Hahaha! Chill Jen. Nagsasuggest lang naman eh" pang aasar niya pa rin.


Maya maya pa at dumating si Chaeng at Jisoo.


"What's funny Lisa?" tanong ni Chaeng.


"At bakit simangot na simangot na naman tong si Jennie, Lisa? Ano na namang ginawa mo?"


Lisa laughed again kaya inirapan ko ulit siya. Pero ang mokong mas lalong tinawanan lang ako ng malakas.


"Galing kasi kaming IT Department, nagpaupdate kami ng laptop tas nakasalubong namin yung manliligaw ni Jen dun na may bangs ano nga pangalan nun?"


"Sino si Mark ba? Yung weird guy na may gusto sa kanya from IT Dept?" tanong ni Chaeng.


"Oo yun nga! Mark pala pangalan nun! Yun nga! yung palaging nag iiwan ng kung ano ano sa table ni Jen. Tapos kulang na lang eh mamginig kapag kaharap siya" pagpapatuloy ni Lisa habang tumatawa pa rin. Pambuwiset talaga eh.


"Oh what about him?" tanong naman ni Jisoo.


"Inaya kasi siya makipagdate. Sabi pa nga sama daw ako kung gusto ko para di mailang si Jen. Sabi ko lang naman kay Jen bat di niya pagbigyan. Mukha namang mabait at ang astig pa ng bangs!"


Jisoo laughed at Lisa's remark.


"Alam mo ang gago mo Lisa. Makapagsalita ka parang wala kang bangs no! Pero seriously Jen, bat nga ba ayaw mo dun?" nakangising tanong nito.


Paano iba nga kasi ang gusto ko kaso taken na.


Inirapan ko din si Jisoo kaya mas lalo akong pinagtawanan nung dalawang mokong.

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon