12

570 20 2
                                    

Umuwi na agad ako sa condo pagkagaling ko kay Jennie. Gusto ko pa sanang uminom ng konti sa bar pero di na ko tumuloy dahil nakaramdam na ko ng pagod.

Pagpasok ko ng unit ko, I checked my phone once again hoping na sana may message na si Irene, pero dapat pala hindi na lang. Yan tuloy I got disappointed again. Alas otso na dun sa Korea pero hanggang ngayon wala pa ring reply? Ano yun buong araw ignored?

Dumiretso na lang agad ako sa kwarto. I throw my phone on the bed at saka ko hinayaang ibagsak ang katawan ko sa kama. Pagod na pagod yung katawan ko pero mas pagod yung utak ko. Una dahil sa exam, pero mas pagod ako sa kakaisip sa girlfriend ko na hanggang ngayon wala man lang paramdam. Hanggang sa nakarinig ako na may kumakatok sa pinto. Tumayo agad ako sa kama at pinagbuksan yung nakatok.

"Good evening ma'am! Lisa Manoban po?" tanong nung lalaking may hawak na malaking bouquet ng bulaklak.

Tumango ako.

"This is for you ma'am" nakangiting sabi niya sabay abot sakin nung bulaklak.

Napakunot noo ako. I looked at the flowers para hanapin yung card pero wala akong makita kaya nagtanong na lang ako dun sa nagdeliver.

"Kanino daw po galing 'to Kuya?" tanong ko habang pinipirmahan yung receiving form.

"Sorry ma'am pero napag utusan po kaming wag sabihin kung kanino galing. Sige po ma'am  una na po ako" then he left.

I closed the door and walked towards my room. I sat on the edge of my bed, still thinking kung sino kaya ang magpapadeliver ng flowers sa akin nang bigla na lang tumunog ang phone ko.

Finally! She called. It's Irene and she wants us to facetime. I answered the video call at agad na bumungad sa akin ang girlfriend ko. She looks so tired and she's pouting on the screen. Ganito siya kapag may kasalanan siya sa akin.

"Babe" panimula niya.

"Hey" cold na sagot ko.

Irene pouted even more. Sobrang lungkot din ng mga mata niya. Pero hindi ko magawang icomfort siya ngayon kasi ganun din ang nararamdaman ko ngayon at sobrang napagod ako at gusto ko na lang magpahinga.

"Nareceive mo yung flowers?"

I looked at the flowers and nod.

"Hindi ka na dapat nag abala pa but thanks anyway"

"Baby I'm sorry na"

"It's okay"

"No! I know it's not. I know you're mad"

I heave a deep sigh. As much as possible ayokong nag aaway kami. Kasi mas mahirap ayusin pag magkalayo kayo.

"Irene, hindi ako galit. Umasa lang kasi ako, sabi mo kasi tatawag ka. Isa pa nag aalala ako sayo. I waited for you to text me pero kahit isa wala. Kahit isa lang naman babe, ganun ba kahirap gawin yun?"


That's it! Hindi ko na kinayang pigilan eh. So, I let it out. Ang bigat na rin kasi eh. Kita ko how guilty she is. She bit her lower lip at saka siya dahan dahang yumuko. Fuck! I knew this. She's like that kapag nagpipigil siyang umiyak. Ayaw niya kasing nakikita kong umiiyak siya kaya tuwing papatak na ang luha niya yumuyuko siya para itago yun sa akin.

"I'm sorry. Nagkaaksidente kasi sa site. Nagbagsakan yung mga debris at may mga casualties kaya kinailangan kong pumunta dun agad. Hindi na ko nakapagsabi sayo kasi dumiretso na rin agad ako sa ospital. Kinausap ko pa yung families nung mga casualties at sobrang daming inasikaso kaya hindi ko na nagawang makapagtext pa. I know this isn't enough excuse for forgetting you. I'm sorry babe. Sobrang gulong gulo lang ako kanina. I'm sorry, I'm ---" now she's crying.

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon