Isang linggo na ang lumipas simula nung team building namin. After that night, Jennie and I became much closer. Araw araw ko na rin siya sinusundo sa condo niya dahil naging puspusan na rin yung pagrereview ko para sa board exams at nandun si Jen para maging review buddy ko. I couldn't thank her enough kasi sobrang laking tulong niya talaga sa akin. She's been nothing but a very good friend of mine. Dahil sa kanya mas ginaganahan akong mag aral. There are times na suko na ko, ayoko na, rinding rindi na utak ko sa kakareview pero andyan siya para ipaalala sakin yung importansya ng ginagawa ko, para ipaalala sakin kung para kanino ko ba ginagawa to, para ipaalala sa aking this will make Irene happy. Hindi siya nauubusan ng way para imotivate ako kaya who am I para sumuko diba? Ayokong mauwi sa wala yung lahat ng pagod at tulong sakin ni Jennie kaya sisiguraduhin kong ipapasa ko tong exam na to.
Speaking of Irene, nagka ayos na nga pala kami. Sinunod ko rin yung payo ni Jennie na sabihin kay Irene yung nararamdaman ko saka ako nagsorry sa kanya dahil sa pagpipilit kong sumama sa team building kahit na hindi niya ko pinayagan. Tama nga si Jen na maiintindihan niya ko, she even said she's sorry too. Concern lang naman daw siya na baka napapabayaan ko na yung pagrereview ko. Ipinaliwanag ko naman sa kanya nang maayos na hindi ako nagpapabaya at para di na siya mag alala pa, I promised her na ipapasa ko tong exam para sa kanya.
Bukas na yung exam. Nagreview naman ako ng todo pero sobrang kabado pa rin ako. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Naisip ko, paano kapag di ako pumasa? Sobrang daming tao yung madidisappoint ko. Si Irene, si Tito Calix, si Dad, at si Jennie. Ayokong mag isip ng negatives pero minsan hindi ko talaga maiwasan. Napaparanoid na nga ako minsan kakaisip kung ano na lang mangyayari sa akin pag bumagsak ako dito.
"Hoy! Natutulala ka na naman dyan!" panggugulat sakin ni Jennie na nagpabalik sakin sa realidad. See! Natulala na naman ako.
"I- I'm sorry may naalala lang"
Jennie squinted her eyes on me. Alam kong hindi siya naniniwala sakin.
"May naalala o iniisip mo na naman kung paano kung bumagsak ka?"
Minsan talaga feeling ko my mind reading ability tong si Jen kasi alam na alam niya agad yung tumatakbo sa isip ko eh. Napakamot nalang tuloy ako ng ulo ko kasi alam ko naman na kahit ideny ko eh hindi siya maniniwala.
"Sabi na eh. Ano ka ba Lisa! You have prepared enough for this kaya wag kang matakot. Nakita ko kung gaano ka nagsunog ng kilay sa pagrereview kaya alam kong papasa ka. Confident nga ko sayo eh. Kaya dapat, confident ka rin sa sarili mo!"
"Oo na. Sorry na po. Sige from now on hindi na ko magnenega"
"Aba dapat lang dahil bukas eh board exams mo na! Kaya galingan mo ha!" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko while showing me her gummy smile na habang tumatagal nagiging paborito kong view.
"A-aray! Oo na gagalingan ko na, sige na bitawan mo na yung pisngi ko, please" sabi ko ng nakapout ang lips.
Sabay kaming napatawa nung bumitaw na siya. Ewan ko ba but when she smiles at me like that, gumagaan yung pakiramdam ko, parang sumasaya yung paligid ko. Kaya gustong gusto ko siyang pinapangiti eh. She's really my ball of sunshine. Walang araw na hindi niya ko napapasaya. Ke pagod ako, ke badtrip ako, ke nagsusungit ako, wala siyang pake basta andyan siya para pangitiin ako and I appreciate that so much. Mas madalas ko pa nga siyang kausap kesa sa girlfriend ko eh. Sobrang busy niya kasi sa trabaho niya at minsan wala na siyang time para kausapin ako. Iniintindi ko na lang kasi nagsisimula pa lang yung kompanya nila dun kaya kailangan talagang tutukan. Pero siyempre minsan hindi mo pa rin maalis sa sarili mo na mamimiss mo yung girlfriend mo, na gusto mong marinig yung boses niya, na gusto mong marinig yung mga kwento niya kaso maski yun di namin nagagawa lately eh. Madalas gabi na siya umuuwi at halos hatinggabi na kami nagkakausap kaya ending nakakatulugan niya na ko. Kapag naman sa umaga, palagi siyang nagmamadali pumasok. Sabi ko kesa kausapin niya pa ko sa gabi, itulog niya na lang para makapag pahinga siya tas tawagan niya na lang ako kapag may free time siya para di siya nahahassle. Di ko na rin kasi siya maintay sa gabi dahil kailangan ko rin ng enough na tulog para hindi ako mawala sa focus kapag nagrereview. Sobrang hirap kasing magreview pag puyat. Wala kang maiintindihan sa binabasa mo tapos feeling mo naghahalo halo na yung lahat ng mga letra dahil sa sobrang antok mo. Kaya ayun, nagdesisyon na lang ako na ganun na lang gawin namin at pumayag naman siya. Pero she promised me na uuwi siya sa birthday ko which is two weeks from now at sobrang excited na ko. Dalawang linggo na lang mayayakap at mahahalikan ko na ulit siya.

BINABASA MO ANG
T O R N
FanfictionHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...