"Are you sure ayaw mong sumama? Sayang naman... Gusto ka pa namang mameet ng friends ko"
"Next time... Sobrang busy ko lang talaga this weekend. Naghahabol kasi ako ng deadline. Babawi ako, I promise"
My brows creased while watching the two love birds in front me. As usual, kasabay na naman namin kumain ng lunch itong si Miguel. Halos mag iisang linggo na siyang sumasabay sa amin para maglunch. Sa totoo lang sobrang naiirita na ako sa presensya nang mokong na to. Napaka pabebe kasi kay Jennie. Akala niya naman naniniwala ako sa bait baitang peg niya. I knew him kaya di niya ko malilinlang. Ang inaalala ko lang ay itong si Jen na mukhang paniwalang paniwala sa palabas ng lalaking 'to. I think she's actually falling for him already.
"Okay sige pero mamaya susunduin kita. You already said yes on our date kaya wala nang bawian ah" sabi ulit ni mokong nang nagpapacute pa kay Jennie.
I don't know why but Jen looked at me first before she said her answer to him. Agad ko namang iniiwas ang tingin ko sa kanya dahil ayokong isipin niyang nakikiusyoso ako sa kanila. Muli siyang tumingin kay Miguel at saka nagsalita.
"Yes. I have no plans on backing out naman to our date"
Miguel smiled and took Jennie's hand na nakapatong sa table.
"Thank you" he said. Bahagya niya pang pinisil ang kamay nito. Ngumiti lang si Jen habang tinatango ang ulo.
"Ehem... Excuse me naman sa mga single dito no! Sobrang sweet naman nakakainggit!" Chaeng uttered that made Jennie pulled her hands from Miguel's.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga inorder naming mga pagkain. Chaeng clapped her hands in excitement habang kami naman ay nakatingin lamang sa mga sineserve na pagkain. Nang mailapag ang mga ito ay agad kong inabot ang sandok ng kanin para sana lagyan ang plato ni Jen dahil malayo ito sa kanya ngunit agad naman akong inunahan ni Miguel roon. Tumingin pa siya sa akin at ngumisi ng nakakainis bago siya humarap at ngumiti ng sweet kay Jennie.
Plastic!
Hindi ko na sila pinansin at nagfocus na lamang sa sarili kong pagkain nang bigla namang tumunog ang phone ko. I checked who it is and I automatically smiled after. It's Irene.
"Babe!" I uttered excitedly. Medyo napalakas ata ang boses ko at napatingin silang lahat sa akin. I even caught Miguel watching me as I talk to Irene on the phone. Hindi ko alam kung bakit biglang sumeryoso ang mukha niya. Maybe because it was Irene, his first love and the first woman who rejected him. I smirked at him katulad ng kanina niya pa ginagawa sa akin. Kumunot ang noo niya at halata sa mukha niya ang inis pero mas lalo lang akong ginanahang buwisitin siya.
"Yes babe. I'm already taking launch with my officemates. Actually, may kasama pala kaming iba. You wouldn't believe who's with us" tatawa tawang sabi ko pa na mas ikinakunot nang noo ni mokong.
They are just watching me habang nakikipag usap kay Irene sa phone.
"What? Facetime? Now? Sige sandali"
I opened the video call and Irene's smiling beautiful face was showed on the screen of my phone.
"Hi love!" masayang bati nito sa akin.
"Hi" nakangiting bati ko rin. Napakaganda niya talaga especially when she smiles.
I almost laughed when I saw Jisoo peeking on my phone to get a glimpse of Irene's face. Itinapat ko sa kanya ang phone at bigla akong napahagalpak sa tawa dahil sa pagkagulat niya sa ginawa ko. Pinandilatan niya pa ko ng singkit niyang mata na mas lalo kong ikinatawa.
"He... Hello po Ms. Bae" nauutal at namumulang bati ni Jisoo sa girlfriend ko. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko na crush niya si Irene. Kaya napagtripan ko siya.

BINABASA MO ANG
T O R N
Fiksi PenggemarHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...