"Are you sure di ka sasabay sa amin?"
Umiling ako. The three of us walking to where Jisoo's car was parked. Nakakunyapit pa ako sa braso ni Chaeng habang naglalakad.
"Hindi na. Dadaan pa rin kasi ako sa grocery to buy some stocks. Ayoko nang makaabala sa inyo"
Tinaasan naman ako ng kilay ni Chaeng.
"Anong abala ka dyan? It's okay. Parang di naman tayo nag gogrocery dati together?" paalala nito.
Humiwalay ako sa pagkakakapit kay Chaeng at saka siya nginitian.
"It's fine really. Alam kong pagod kayo sa dami ng meetings natin kanina. Isa pa, nakapagpabook na rin ako ng grab para sunduin ako. Saka kanina pa nga nagrereklamo yang si Jisoo na pagod na pagod na siya e" katwiran ko na may halong pagtawa pa habang itinuturo si Jisoo.
Jisoo panicked and eyed me.
"No it's fine! Keri ko pa naman kung mag- gogrocery pa"
Tumawa ako at umiling.
"Hindi na. Kaya ko na 'to. Magpahinga na kayong dalawa" sabi ko habang itinutulak sila papunta sa kotse.
Chaeng sighed defeatedly and nodded. Hindi na rin siya muling nakipagtalo pa.
"Sige. Basta text me when you get home" I chuckled.
Kahit kailan talaga napaka over protective ng bestfriend kong ito sa akin.
"I will"
I waved my hand and smiled as I bid my goodbye to them. Pinaandar na ni Jisoo ang kotse at bumusina pa bilang paalam sa akin. Tinanaw ko lang sila hanggang sa tuluyan nang mawala ang sasakyan nila sa paningin ko.
I got startled when someone back hugged me and kissed me on my cheeks.
"Lisa!" I already knew it was her. I am so sure it was her coz I know her scent very well.
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at saka luminga linga sa paligid. We are still in the vicinity of our workplace and anytime pwede may makakita sa aming dalawa. Mahirap na.
Lisa took my right hand and pulled me towards her car. Being the gentlewoman that she is, she opened the door of the shotgun seat and help me to get inside. Inayos niya rin ang seatbelt ko at siniguradong ayos ang pagkakakabit noon. Nang matapos ay saka siya pumunta sa driver's seat.
"Daan muna tayo sa grocery bago tayo umuwi. Bili lang tayo ng matinong stocks ng pagkain para sa condo mo, coz the last time I checked your fridge wala nang laman. Yung cabinet mo naman puro noodles na naman. I already told you it's not healthy kung yun lagi ang kinakain mo" seryoso akong nakatingin sa kanya pero nakangisi lang siya sa akin.
"What?" I asked. Di kasi siya nagsasalita. Nakatitig lang talaga siya sa akin.
She shook her head.
"Sorry na. Yun lang kasi ang alam kong lutuin e" she pouted.
I heave a sigh.
"I know. Kaya nga magsastock na tayo ng totoong pagkain para tuwing uuwi tayo may maluluto ako. Saka ngapala, agahan mo nang pumasok simula bukas"
Kumunot ang ulo niya.
"Bakit?" tanong niya.
"Simula bukas sabay na tayong magbebreakfast. I'll cook for us para masigurado kong healthy yung mga kakainin mo. Mahirap magkasakit sa panahon ngayon, okay?"
"Mmkay" inabot niya ang pisngi ko at pinisil ito.
"Ouch!" tinapik ko ang kamay niya at inirapan siya ngunit tinawanan niya lang ako.

BINABASA MO ANG
T O R N
FanfictionHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...