58

201 7 1
                                        

Irene's POV

Nasa condo ako ni Lisa, abala sa paghahanda para sa birthday party ni Dad. Kailangan ko ng ideas para sa theme, kaya tinanong ko si Lisa.

"Babe, ano sa tingin mo? Anong magandang theme para sa party ni Dad?" tanong ko habang nagsesearch ng iba't ibang klaseng theme for a 60th birthday party celebration.

Ngunit hindi siya sumagot agad. Tumingin siya sa akin, at habang nagsisimula siyang mag-isip, halatang wala siya sa sarili. Malalim ang kanyang iniisip, at hindi ko maitatanggi na may kakaibang lungkot sa kanyang mata.

"Babe?" tawag ko ulit, nagsisimula nang mag-alala. "Ayos ka lang ba?"

Tumango siya nang mabilis at pilit na ngumiti. "Yeah I'm fine, babe. Medyo pagod lang."

Lies. I can see that she's not comfortable, at halata sa katawan niya ang pag-iwas na pag-usapan. Pero dahil mukhang ayaw niya ay hindi ko na siya pinilit na magsalita, baka kailangan lang niya ng oras.

"So, ano na nga? Any idea about the theme?" tanong ko ulit.

"Uh... baka maganda kung simple lang. Yung elegant, tapos may konting vintage touch," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.

Maya-maya, napansin ko na hindi pa rin siya tumitingin sa akin ng maayos, at talagang wala siya rito—physically and emotionally. It's not very usual with Lisa, kaya mas lalo akong nag-aalala. 

Nagpatuloy ako sa pagsesearch, pero ang isip ko ay abala sa kanya. I knew something was wrong, that something was bothering her.

Hindi ko na natiis ang sobra niyang katahimikan kaya huminto akong muli sa ginagawa ko at nilapitan siya. "Lis, I know something's bothering you. Want to share it? I'll just listen" I tried my best to sound so calm and encouraging.

Tumingin lang siya sa mga mata ko, at sa loob ng ilang segundo, ramdam ko na may malalim siyang nais sabihin. Pero imbes na magsalita ay mabilis siyang umiwas nang tingin at maglabas ng saloobin.

"Wala to. Pagod lang talaga ako" sagot niya, tumalikod siya ng kaunti habang sinasabi ito, at itinutok ang pansin sa kanyang cellphone. 

Hindi ako naniniwala sa sagot niya. I knew she was hiding something. 

"Okay," sagot ko, bagama't hindi ko alam kung gaano katotoo na ayos lang talaga sa akin na hindi siya nagsasabi ng kanyang tunay na nararamdaman. 

"Pero kung may gusto kang pag-usapan, nandito lang ako."

Tumingin ako sa kanya, ngumiti, at hinalikan siya sa pisngi. 


Lisa's POV...

Hindi ko kayang tumingin kay Irene ng diretso. Parang may mabigat na bagay sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag, isang pakiramdam na matagal ko nang itinatago. Gusto kong mag-open up, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng bumabagabag sa isip ko—pero hindi ko magawa.

Sa kabila ng lahat, may isang taong ayaw mawala sa isipan ko. Si Jennie. Alam kong si Jennie ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Simula nang bumalik siya, hindi na ako mapakali. She was always on my mind at hindi ko alam kung paano ko iyon sasabihin kay Irene. Ang hirap ng pakiramdam na ito. I love Irene, pero si Jennie... siya yung isa sa mga bagay na sobrang hirap akong kalimutan. Ayokong saktan si Irene kaya kahit anong pilit niya na magsabi ako ay hindi ko ginagawa. 

Patuloy lang akong umiwas sa mata ni Irene, kahit nararamdaman ko ang init ng mga tingin niya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na may bahagi ng puso ko na hindi sa kanya.


Jennie's POV

Habang abala ako sa pagbabalat ng mansanas para kay papa, naririnig ko si Kai na kausap si Irene sa telepono. Medyo mahina ang boses niya, pero malinaw kong naririnig ang pagtawa at ang masayang tono ng pakikipag usap niya. Napansin ko na mas naging masiyahin siya simula nang maging kami.

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon