53

180 10 2
                                        

Lisa's POV

I stood outside Chaeng's office for a good few minutes, debating with myself. Dapat pa ba akong magtanong? Pero hindi ko kayang magpanggap na wala akong pakialam. Nang makita ko si Jennie kahapon, ang dami kong gustong sabihin, pero wala akong nagawa. Ang sakit makita siya ulit na galit na galit sa akin pero kasalanan ko naman ang lahat. Alam kong wala akong karapatang lumapit, pero hindi rin ako mapakali sa iniisip kong sitwasyon ng ama niya.

Simula nung umalis si Jennie, hindi na ulit ako kinausap nila Chaeng at Jisoo except kung regarding lang sa trabaho. But, I understand them kasi alam ko namang nasaktan ko ng sobra ang kaibigan nila.

Huminga ako nang malalim at kumatok sa pintuan.

"Chaeng, can I come in?"

Napatingin siya mula sa laptop niya at halatang nagulat sa presensya ko. "Lisa? Anong ginagawa mo dito?"

I stepped inside her office and tried to keep my composure. "I just... gusto ko lang sanang kumustahin ang lagay ng Papa ni Jen. I heard about his condition, and... gusto ko lang malaman kung okay siya."

She raised an eyebrow, halatang nagdadalawang-isip kung sasagutin ako o hindi. "He's stable for now. Kaka-transfer lang nila dito sa Manila, and they're monitoring him closely before the surgery. Malayo pa para masabing ligtas na siya."

Tumango ako, hindi alam kung paano magre-react. Ang bigat ng pakiramdam ko sa balitang iyon.

"Thank you for telling me, Chaeng," sabi ko. I hesitated for a moment, then added, "Si Jennie, kamusta?"

Halos makita ko ang pag-ikot ng mga mata niya bago siya sumagot. "She's doing what she can for her father. Pero halatang stress siya, Lisa. Kaya kung ako sa'yo, huwag mo na siyang guluhin. Marami na siyang iniisip."

Napayuko ako sa sinabi niya. Alam kong tama siya, pero hindi ko maiwasang masaktan sa blunt na sagot niya.

"Hindi ko naman intensyong guluhin siya," sagot ko, halos pabulong. "I just... I just want to make sure she's okay."

"Lisa," Chaeng said firmly, crossing her arms. "Kung talagang iniisip mo ang kapakanan ni Jennie, give her space. Hindi ka nakakatulong sa sitwasyon."

Hindi ako nakapagsalita. Ramdam ko ang lamig sa tono niya, pero alam kong tama siya. Nakatitig ako sa sahig, pinipilit lunukin ang bigat ng mga salita niya.

"Lisa, I'm saying this as a friend," Chaeng softened her tone. "If you really care about Jennie, don't make things harder for her. Let her heal."

Tumango ako at pilit na ngumiti. "Thank you, Chaeng. I'm sorry if I disturbed you."

"No problem," sagot niya, pero halata sa mukha niya na hindi niya ako gusto kausap ngayon.

Lumabas ako ng opisina niya na mas mabigat ang pakiramdam. Alam kong wala akong karapatan, pero hindi rin madali para sa akin ang basta na lang kalimutan si Jennie. I just hope na kahit paano, maghilom din ang sugat na iniwan ko.

Jennie's POV

Nakaupo ako sa tabi ng kama ni Papa habang natutulog siya. Ang hirap niyang makita sa ganitong sitwasyon, mahina at nakakabit sa iba't ibang makina. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin kung may mangyari sa kanya.

Habang nakatitig ako sa kanya, biglang nag-vibrate ang phone ko. Lumitaw sa screen ang pangalan ni Kai. Napabuntong-hininga ako bago sagutin ang tawag.

"Hi," bati ko, pilit na ngumiti sabay na paglitaw ng kanyang mukha niya sa screen.

"Hi, baby," sabi niya, ang ngiti niya ay parang pilit na nagpapagaan ng pakiramdam ko. "How are you holding up? Kumusta si Tito?"

"He's okay naman ," sagot ko, pinipilit panatilihin ang boses kong kalmado. "Pero kailangan pa rin ng maraming pag-aalaga. We're waiting for more tests and updates from the doctor regarding the operatiom."

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon