14

598 24 2
                                    

"Cheers for our very own Engr. Lisa Manoban! Congrats dude! Nagbunga na ang lahat ng paghihirap mo!" sigaw ni Jisoo habang itinataas ang baso ng alak na hawak hawak niya.

Isa isa naming itinaas ang mga baso namin at pinagdikit dikit.

"Cheers!!!!" sabay sabay naming sigaw at inom sa kanya kanyang basong hawak namin.

Pagtapos nun ay nagsi- upo na kami sa couch habang yung ibang officemates naman namin ay nagka- ayaan na sa dance floor.

"Pero buwiset ka pa rin Lisa! Hindi ka tunay na kaibigan! Crush ko pa naman yun, hayop ka! Sinira mo ang mga pangarap ko!" Jisoo blurted out habang kunwaring umaarteng umiiyak.

I laughed at her antics. Hindi ko alam na may pagnanasa pala to sa girlfriend kong si Irene. But who wouldn't? Lalo na when you have a goddess girlfriend like her. Kaya nga sobrang swerte ko at ako ang pinili niya sa dami ng mga manliligaw niya.

"Yeah right! Sobrang gulat ko kanina nung pumasok sa office si Chairman Bae, akala ko may nagawa tayong kasalanan eh" singit ni Chaeng.

"Sorry na guys" natatawang sabi ko.

Chaeng beamed to Jennie na katabi niya lang.

"May alam ka ba dito ha? Parang ikaw lang ang hindi nagulat kanina eh" tanong ni Chaeng kay Jennie.

Jennie make a peace sign and gave them an apologetic smile while the two just glared at her.

"And you didn't tell us? I thought we were bestfriends? Gaano mo na katagal alam?" Chaeng said while pouting her lips in front of Jennie.

"Of course we are! Nalaman ko lang nung team building, but it's not my call to spill it out. Lisa doesn't want everybody to know about her relationship with Ms. Bae, so I just respected her decision" Jennie defended before the drinking the alcohol in her glass.

"Eh bat ba ayaw mong ipaalam Lisa? Si Irene yun! Irene Bae! Alam mo bang bukod kay Jennie, isa yun sa pinaka pinagpapantasyahan sa opisina?" banat ni Jisoo. Nakatikim tuloy siya ng lumilipad na pritong mani mula kay Chaeng.

Jisoo pouted and said, "Nagtatanong lang naman eh"

I laughed first bago ako nagsimulang magkwento.

"Yun na nga eh. She's Irene Bae, kaya ko tinago"

Napakunot noo sila sa sinabi ko. Halata kong di nila gets kung anong gusto kong sabihin. So, huminga ako ng malalim at saka nagpatuloy sa pagkukwento.

"Siya si Irene, matalino, maganda, mayaman, anak ni chairman. At ako, eto lang, simpleng empleyado lang sa kompanya. We all know how big their company is at kung gaano kahirap makapasok dito. Pag nalaman nilang girlfriend ko si Irene, pwedeng mag iba yung trato ng mga tao sakin. Ayoko ng special treatment at mas ayokong isipin ng tao na kaya lang ako nakapasok sa kompanya dahil girlfriend ko yung anak ng may ari" sabi ko sabay inom ng beer na hawak ko.

"Sabagay... may point ka naman dun. Hindi talaga natin maiiwasan na mag isip sila ng ganun sa'yo. Pero pano yan eh alam na ata halos ng buong kompanya na ikaw yung jowa ni Ms. Irene? Puntahan ka ba naman mismo ni Chairman sa department para icongratulate,  that's huge, Lis! Kaya sigurado topic ka nang opisina bukas" sabi ni Jisoo.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Hindi ko na mabilang kung pang ilang buntong hininga ko na 'to.

"Wala na rin naman akong magagawa. So, I guess dapat sanayin ko na lang sarili ko. Besides, malalaman din naman nila eventually, lalo na pag bumalik na si Irene"

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon