20

765 27 1
                                        

"Nag enjoy ka ba?"

I looked at her and nodded my head happily.

"Yeah sobra. Ang babait ng friends mo"

"Pasensya ka na ang dami nilang tanong" nahihiyang sabi niya.

"Okay lang. Nakakatuwa nga e" nakangiting tugon ko.

Nasa kotse niya na kami ngayon para ihatid ako pauwi sa condo ko. Kakatapos lang rin nang masayang dinner namin with her friends. Nakakatuwa naman talagang kasama yung mga friends niya dahil never nilang ipaparamdam sa'yo na hindi ka welcome. Sobrang dami nilang tanong at kwento kaya walang dull moments.

"What do you think of Jackson?" tanong niya bigla nang hindi tumitingin sa akin dahil nakafocus lang siya sa daan.

"Well he's uhm... kind" maikling sagot ko not knowing why she suddenly bring him up sa usapan.

"And he's handsome right?" tanong niya ulit nang nakangiti. Sandali pa siyang tumingin sa akin bago muling ibinalik ang tingin niya sa daan.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagtatanong ng mga ganitong bagay.

"Yes he is" sagot ko kasabay ng pagtango.

"He obviously likes you" nakangiting sabi niya ulit.

I felt a pang in my chest hearing that from her and seeing her happy while telling me that. Parang may balak pa ata siyang ireto ako dun sa kaibigan niya.

"I know but he's not my type" bulong ko na lang sa sarili ko but I got startled when Lisa speaks again.

"Why? Ano bang type mo?" tanong niya ulit. This time mas napatagal ng kaunti yung pagtingin niya sa akin. Akala ko pa naman hindi niya maririnig.

Ikaw.

Gusto kong sabihing siya yung gusto ko pero hindi ko magawa dahil natatakot ako sa pwedeng maging reaksyon niya. At dahil ayokong iwasan niya ko pag nalaman niya.

"Hindi ko pa iniisip yung mga ganyan. I'm so busy para isipin pa yung lovelife ko" pag iwas ko sa tanong niya. Paano ko ba naman kasi sasabihin sa kanyang siya yung gusto ko nang hindi siya makakahalata. Buti na lang at di na rin siya nangulit at tumango na lang.

Ilang minuto pa at narating na namin ang condo ko at hinatid ako ni Lisa hanggang sa unit ko.

"Pa'no Jen, una na ko" paalam niya at saka tumalikod na.

"Lisa wait!" tawag ko sa kanya kaya muli siyang humarap sa akin. Tumaas pa yung dalawang kilay niya na parang nagtatanong kung ba't ko siya tinawag.

"Do you want to have some tea muna?" nahihiyang offer ko pero umaasang tatanggapin niya.

Ngumiti siya at masiglang tumango. Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng tsaa habang pinadiretso ko naman siya sa veranda ng unit ko. Matapos kong magtimpla ng tsaa ay sumunod na rin ako kung nasaan si Lisa. Dinatnan ko siyang nakaupo sa mahabang upuan roon at nakatingala sa kalangitan. Tumabi ako sa kanya at ipinatanong ang dala kong maliit na tray sa lamesa at saka ko iniabot ang tsaang para sa kanya.

"Salamat" tugon niya matapos niyang tanggapin iyon.

Nakangiti lang akong palihim na pinagmamasdan ang mukha niyang abalang nakatingin sa langit. Seryoso ang mukha niya at mukhang malalim ang iniisip. Maybe she's thinking about Irene.

"Napakaganda ng mga bituin" turan niya habang nakatitig pa rin sa langit. Nakangiti na siya ngayon pero kita kong may lungkot pa rin sa mga mata niya. Halatang nagpipigil sa pag iyak.

"Lisa it's okay" I reached for her hand and slightly squeeze it at halos madurog ang puso ko nang lumingon siya sa akin nang may malungkot na ngiti sa mga labi.

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon