Jennie's POV...
Araw na ng operasyon ni Papa. Ramdam ko ang bigat ng hangin habang naghihintay kami sa labas ng operating room. Halos hindi ako mapakali. Malamig ang mga kamay ko kahit na hawak-hawak ito ni Kai para pakalmahin ako.
"Jen, everything will be fine," bulong niya, pilit niyang pinapalakas ang loob ko. Tumango lang ako at ngumiti ng bahagya, pero sa totoo lang, hindi mapigilan ng puso ko ang kabahan.
Nasa waiting area rin sina Chaeng at Jisoo, nakaupo sa tapat namin. Tahimik lang silang dalawa pero kitang-kita ko ang suporta sa mga mata nila.
Hindi ko na namalayan kung gaano katagal kaming naghihintay hanggang sa lumabas na ang doktor mula sa operating room. Lahat kami ay biglang tumayo.
"Doc, kumusta po si Papa?" tanong ko agad, halos hindi makahinga habang hinihintay ang sagot niya.
Ngumiti ang doktor, kita ang pagod pero halatang may magandang dalang balita. "The operation was successful. Stable na ang kondisyon ng tatay mo, pero kailangan pa rin siyang bantayan sa ICU habang nagpapagaling."
Para akong nabunutan ng tinik. Parang huminto ang mundo ko sa saya. Agad kong niyakap si Kai, sabay sabing, "Thank God."
Matapos makausap ang doktor, naisipan kong maglakad-lakad sandali sa hallway para maibsan ang tensyon na nararamdaman ko. Habang naglalakad, napansin ko ang isang pamilyar na pigura sa isang sulok.
Napahinto ako bigla nang makita ko siya. Si... Lisa?
Halos maglaho ang lahat ng tunog sa paligid. Nakatingin siya sa akin, at sa isang iglap, bumalik ang lahat ng emosyon na matagal kong itinago—galit, sakit, at isang bagay na hindi ko kayang pangalanan.
Mabilis siyang umatras at nagtago. Kita ko ang pag-aalangan sa kilos niya, parang ayaw niyang makita ko siya roon. Halatang nahihiya siya at pilit niyang iniiwas ang sarili sa akin.
Hindi ko rin nagawang magsalita. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Para rin naman siyang bulang naglaho na lamang sa hallway.
Nanatili akong nakatayo roon, gulong-gulo ang isip. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit nilalabanan ang emosyon na bumabalik mula sa nakaraan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang bumigat ang paligid kahit na may magandang balita na tungkol kay Papa.
Lisa's POV...
Humahangos akong bumaba sa hagdan patungo sa basement parking. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko, tila hinahabol ako ng sarili kong konsensya. Pagdating ko sa sasakyan, agad akong pumasok, isinara ang pinto, at sumandal sa upuan. Malalim ang paghinga ko habang paulit-ulit kong iniisip ang nangyari kanina.
Naalala ko ang mga mata ni Jennie na biglang nanlaki nang makita ako. Kita ko ang gulat sa mukha niya. Alam kong kailangan kong magtago dahil ayaw niya na akong makita.
"Coward," mahina kong sabi sa sarili ko habang mariing hinawakan ang manibela. Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ngayon, hindi roon. Paano ko siya papakiharapan pagkatapos ng lahat ng nagawa ko?
Pagkarating ko sa condo, hinubad ko ang sapatos ko at dahan-dahang isinara ang pinto. Pagpasok ko, tumambad sa akin si Irene, nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng isang magazine.
"Love, nandiyan ka na pala," sabi niya sabay tingin sa akin. "Saan ka galing? Late ka na umuwi."
Napalunok ako. Hinanap ko ang tamang sagot sa isip ko. "Ah... pumunta ako sa site. May kailangang ayusin sa project," sagot ko nang diretso, pilit pinanatiling kalmado ang boses ko.
Tumango siya at ngumiti, pero alam kong may konting pag-aalinlangan sa mga mata niya. Hindi na siya nagtanong pa, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang titig.
"Ang dami mong ginagawa lately, ha," sabi niya, halatang nagpapakiramdaman. "Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo."
Ngumiti lang ako bilang sagot. "Oo naman, Love. Saglit lang din ako doon. Medyo marami lang akong ginawa kaya late na akong nakauwi."
Tumango siya muli at ibinalik ang tingin sa binabasa, pero alam kong may gumugulo sa isip niya.
Pumasok ako sa kwarto at isinara ang pinto. Umupo ako sa kama, hawak ang ulo ko ang nakapikit. Alam kong hindi ko pwedeng ipaalam kay Irene na nagpunta ako sa ospital kung nasaan sila Jennie. Alam ko ring hindi ko pwedeng guluhin ang buhay ni Jennie.
Pero bakit parang mas lalo akong nalulunod sa mga desisyong ginagawa ko?
Pilit kong kinalimutan iyon at nahiga sa kama, nakasandal ang ulo ko sa headboard. Pumikit ako, umaasang mawawala ang bigat ng pag-iisip ko kahit sandali lang. Ngunit kahit nakapikit, hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari.
Narinig kong bumukas ang pinto at dumilat ako. Nakatayo si Irene sa tabi ng kama, nakatitig sa akin.
"Love, are you okay?" tanong niya habang papalapit.
"Yeah," mahina kong sagot. "Medyo masakit lang ulo ko."
Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang balikat ko. Sinimulan niyang masahihin ito nang marahan. "Love, you need to relax. Baka sobra kang nagpapagod?"sabi niya, puno ng lambing.
"Hindi naman Love," sagot ko, pilit na ngumiti habang ineenjoy ang masahe niya.
Patuloy siyang nagmasahe at dahan-dahang lumalapit. Maya-maya, tumigil siya, inilapit ang mukha niya sa akin, at hinalikan ako. Hindi ako tumanggi. Bumigay ako sa lambing niya, hinayaan ko siyang hawakan ang mukha ko habang magkalapat ang mga labi namin.
Ngunit nang simulan niyang hubarin ang suot ko, hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan siya. "Irene, wait..." bulong ko.
Tumingin siya sa akin, halatang nagtataka. "Why?" tanong niya, bahagyang nagtampo ang boses.
Huminga ako nang malalim at bahagyang ngumiti. "I'm sorry... I'm just really tired," sagot ko nang mahina. "Hindi ko kaya ngayon."
Tinitigan niya ako saglit bago pilit na ngumiti. Tumango siya. "Okay, Love. Naiintindihan ko," sabi niya, kahit halatang pinipilit niyang itago ang pagkadismaya.
Umayos siya ng upo sa gilid ng kama at nagbuntong-hininga. "Anyway, may good news ako," aniya, pilit binago ang usapan.
"Ano 'yun?" tanong ko, nagpapasalamat na nag-shift na ang mood.
"Kai is back," balita niya, may ngiti sa mukha. "He called me earlier. Last week pa pala siya nakauwi pero kanina lang siya nag inform sa akin. He said only dad knows he's back and he told him not to tell me kasi alam niyang kukulitin ko siyang makipagkita. That kid."
Nagulat ako. Irene and Kai is super close kahit na they are from different mothers. Irene loves her brother so much to the point na kahit adult na ito ay parang baby pa rin ang tingin niya rito.
"Talaga? Si Kai?" tanong ko, ngayon ay mas interesado na.
"Oo," sagot niya, tumatawa. "And guess what? Gusto niyang mag-dinner tayo bukas sa bahay. Ipapakilala niya na daw ang girlfriend niya"
Nanlaki ang mata ko at napangiti. "Wow, si Kai may girlfriend na ipapakilala? For the first time? Mukhang seryoso na 'to ah. Ang tagal din naming hindi nagkita! Simula nung lumipad siya papuntang Prague pagkatapos ng graduation namin, bihira na lang yun magparamdam sa akin."
"Exactly," sabi ni Irene. "Kaya bukas, dapat wala kang ibang gagawin. Mag-didinner tayo, okay?"
Tumango ako at ngumiti. "Sige. Gusto ko rin siyang makita ulit."
Ngumiti siya, tumabi na sa akin at nahiga na rin. Mahigpit niya akong niyakap at ibinaon ang ulo niya sa may leeg ko.
"Matulog na tayo," sabi niya nang mahina. "Kailangan mong magpahinga ng mabuti."
Huminga ako nang malalim at tumango. Hinayaan ko siyang manatiling nakayakap sa akin habang nakapikit ako, umaasang kahit sa gabing ito, magagawa kong kalimutan ang lahat, kahit saglit lang.
AN——-
Complicated 😩 Imagine magkapatid pa nga si Kai at Irene.
BINABASA MO ANG
T O R N
FanfictionHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...
