Nagising ako nang marinig ko ang malakas na ring ng phone ko. I looked at the screen and saw Irene's name on it. Napabuntong hininga na lang ako at napabangon para pumunta sa balcony. Dun ko na lang siya kakausapin.
"Hello"
"Baby! Finally sumagot ka na!" bakas ang pinaghalong excitement at kaba sa boses niya.
"Why did you call?" malamig kong tugon.
I heard her heave a deep sigh bago muling nagsalita.
"I miss you, Lisa. I miss you so bad!" turan niya.
Nanahimik lang ako at hindi nagsalita.
"Babe I'm sorry. Come back to me please. Ayusin na natin 'to. Hindi ko na kayang hindi tayo okay" I can hear her sobs kahit na pinipilit niya pang pigilan ang maiyak.
Parang madudurog ang puso kong pinakikinggan yung paghikbi niya pero mas nangingibabaw yung sakit. Kung sana ganun lang kadali yun. Kung sana ganun lang kadaling tanggapin yung ginawa niya, yung pag papaasa niya.
"Uuwi ka na ba?" seryosong tanong ko na ikinatahimik niya.
"Lisa naman. Uuwi naman ako eh. Konting tiis lang babe. Sobrang busy lang talaga kaya hindi ko pa magawang umuwi sa'yo"
"Saglit na oras mo lang naman yung hinihiling ko. Gusto ko lang umuwi ka. Mahirap bang gawin yun? Mahirap bang isingit ako sa trabaho mo kahit sandali lang?
"Lisa please. Please understand. Para sa'tin naman itong ginagawa ko e" she pleaded.
"No! I want you home Irene. That's what I want. Saka na lang tayo mag usap kapag andito ka na"
"Lisa please ba---"
I dropped the call. I don't want to listen to another excuses. Mababaw mang tignan yung galit ko pero anong magagawa ko? Ito yung nararamdaman ko e. Alam ko naman na magiging ganito kahirap yung sitwasyon namin at tanggap ko yun. Ang hindi ko tanggap ay yung hindi niya man lang ako matupunan ng kahit konting panahon. Konti lang naman yung hinihingi ko. I didn't even ask her to stay. Konting oras at araw lang sapat na pero kahit yun hindi niya magawang ibigay sa akin.
Bumalik ako sa loob at dumiretso sa kusina para magluto na lang ng breakfast namin ni Jen. Mas mabuti pang kalimutan ko na lang muna ang mga nangyari. Ilang sandali pa at bumukas na ang pinto ng kwarto niya.
Nagkatinginan kami at sabay na napangiti.
"Good morning, Jen! Breakfast is ready tara kain na tayo"
Tumango siya at umupo sa kanang side ng table habang busy naman ako sa pagtitimpla ng kape para sa aming dalawa.
"Halika na dito kain na tayo" aya niya sa akin.
Agad naman akong naglakad at inilapag ang kape sa gilid niya.
"Thank you" nakangiting sabi niya.
Umupo na rin ako sa tapat niya at nagulat na lang ako nang bigla niyang lagyan ng pagkain ang plato ko. Ngumiti pa siya sa akin habang ginagawa niya yun. Napatitig naman ako sa mukha niya na kahit bagong gising ay napakaganda pa rin. Sobrang swerte ng taong makakasama niya sa buhay dahil bukod sa maganda ay napaka maalaga pa niya. Mas lalo ko tuloy namimiss si Irene dahil she used to do this to me nung nandito pa siya.
"What?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa realidad.
"H-huh?" tanong ko naman.
"Kanina ka pa nakatitig sa akin, baka tumulo yang laway mo" natatawang pang aalaska niya sa akin.
"Hindi kaya!" Inirapan ko siya kaya mas lalo siyang natawa.
"Tara kain na" pag aaya niya.
"How was it?" kabadong tanong ko habang pinapanood siyang kainin yung breakfast na ginawa ko.

BINABASA MO ANG
T O R N
FanficHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...