19

633 26 1
                                    

"We're here" nakangiting sabi niya bago niya ihinto at iparada ang kotse ko sa isang tabi. 

"What is this place?"

Kanina pa siya nagmamaneho at ngayon ay nasa kagubatan na kami. Actually, kanina ko pa siya tinatanong kung saan ba kami pupunta at pinagbihis niya pa ko ng komportableng damit, yung mas makakakilos daw ako ng maayos pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako sinasagot. Basta ang sabi niya lang, mag eenjoy daw ako dun sa pupuntahan namin.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan at agad ko namang inilibot ang mata ko sa lugar, contemplating kung anong klaseng lugar ba 'tong pinuntahan namin ni Lisa. May mataas na pader at dalawang malalaking gate na kulay gray. Sa taas nung malalaking pader ay mga barb wire. Kung ako ang tatanungin parang boot camp ata 'tong pinuntahan namin. 

"Tara"  aya niya sa akin sabay akbay sa balikat ko. 

I smiled at her and nodded my head in return. Nang malapit na kami sa gate ay inalis niya na ang kamay niya sa balikat ko. Nang mapalingon sa amin yung nagbabantay ay agad siya nitong nakilala at masayang binati.

"Lisa! Long time no see! Tagal mong di dumalaw dito ah. Kamusta ka?" masayang bati nung lalaki sa kanya. 

"Okay naman ako kuya Jigo. Medyo naging busy lang. Alam mo na adulting na tayo ngayon eh. Naging busy sa work at sa pagrereview para sa board exam"

"Oo nga pala narinig ko kina bossing na ganap ka na raw na engineer ngayon. Congratulations ha!" sabi nung lalaki sabay tapik sa balikat ni Lisa. 

"Thank you kuya!" nakangiting sagot niya naman. 

Masaya silang nag uusap nang mapalingon sa akin yung lalaking kausap ni Lisa at bigla na lang kumunot ang noo niya. 

"Aba teka, sino nga pala 'tong magandang binibining kasama mo? Bagong girlfriend mo? Wala na ba kayo ni Ma'am Irene?" usisa ng pa nung lalaki. 

Napatingin naman ako kay Lisa, naghihintay kung anong isasagot niya. Pansin ko ring bahagyang nawala ang ngiti sa mga labi niya pagkabanggit sa pangalan ni Irene pero hindi rin nnaman yun nagtagal at agad rin siyang ngumiti. 

Bumaling sa akin ang tingin niya at saka ako muling inakbayan. 

"This is Jennie kuya Jigo, friend ko. Irene is in Korea remember?" 

I can't help but feel a bit disappointed sa sagot niya pero wala naman akong karapatang mag expect. I'm just a friend, nothing more, nothing less. 

"Ah oo nga pa--"

"Lalisa!" 

Sabay sabay kaming napalingon and we saw a man wearing sunglasses, black fitted shirt and a brown camouflage military pants ang biglang tumawag kay Lisa na naging dahilan para hindi na maituloy nung lalaki ang sasabihin niya. The man really looks like a soldier with his toned body and the way he dressed. Are we really in an army campsite? Sabi ni Lisa mag eenjoy ako pero bakit dito niya ko sa kampo ng mga militar dinala. Anong gagawin ko rito?

"Jackson!" 

Lisa walked closer to the guy and they hugged. 

"Congratulations Engineer! Akala ko nakalimutan mo na kami nung nakapasa ka na sa board. Ang tagal mo rin kasing hindi napadpad rito eh. Kamusta? Si Ate Irene kasama mo ba?" tanong nito sabay tingin sa likuran na parang may hinahanap. 

I suddenly felt a little awkward after hearing Irene's name for the second time. Siguro madalas sila rito kaya kilala na rin nila pati si Irene. Bakit ba kasi ako naisipang dalhin rito nitong si Manoban. Bakit kung saan pa yung palagi nilang pinupuntahang mag jowa. 

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon