13

607 20 1
                                    

"Ano Jen wala pa ba? Di na mapatae tong si Manoban oh" inip na tanong ni Jisoo.

"I'm doing my best na makapasok, okay! Nag crash ata website nila eh. Pwede ba kumalma kayo? Pati tuloy ako natataranta sa inyo eh" I snapped while pressing the refresh button multiple times.

We're here in the office at nakapalibot kaming lahat sa laptop ko kasi napag utusan lang naman ako ni Lisa na magcheck ng result ng board exams niya dahil kinakabahan daw siya. Sadly, sa dami ata ng nagchecheck ng result, hindi kami makapasok sa website ng PRC. Napatingin ako kay Lisa na nakakagat labi at kanina pa pabalik balik sa loob ng opisina namin dahil sa sobrang kaba.

Ibinalik ko ang tingin ko sa laptop and for the nth time I press F5 again para marefresh yung site and thankfully this time nagload na siya sa wakas.

"Ayan na! Ayan na shet!" tarantang sigaw ni Jisoo.

Nakatanggap siya ng isang malutong na batok mula kay Chaeng dahil kung makapag react kala mo siya yung nag take ng exam.

I clicked on the link na may nakalagay na:

Examination Result

Please click HERE

Roll of Successful Examinees in the CIVIL ENGINEER LICENSURE EXAMINATION


Andaming pangalan na lumabas. Of course alphabetically arranged siya. So, I scrolled down from A,B,C,D... hanggang sa marating na namin yung letter M. Sobrang kabado kaming lahat. Para kaming nanonood ng Nightmare on Elm Street kung saan hinahabol na ni Freddy Krueger yung bida. Sobrang pigil ng hininga, sobrang suspense.


I scrolled down continuously.

Mandayon,

Mangubat,

Manguiat,

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


I already saw the result but I kept silent. When I looked at Jisoo and Chaeng, they are also doing the same. Nagkatinginan kaming tatlo at nagkaintindihan. Gusto nilang ako na ang magsabi. I looked at Lisa. Hindi pa rin siya mapakali. She didn't looked at the result. Pinabayaan niya lang kami.

"Lis?" she stopped walking back and forth and faced me.

Halata yung kaba mukha niya though she's not saying anything. She just asking me 'what's the result' by using her eyes. I kept silent for a moment. Nakatingin lang ako sa kanya then a tear escaped my eyes. Her shoulders dropped at napaupo na lang siya sa swivel chair. She heave a deep sigh and smiled weakly.

"I'm sor---"


"CONGRATULATIONS ENGINEER LALISA MANOBAN, YOU PASSED!!" I shouted in excitement, cutting her off from apologizing.


Her eyes widened at napatayo na lang siya ng marahas sa swivel chair na kinauupuan niya habang kaming lahat ay tawang tawa sa kalokohan namin. She looked at me at kumunot yung noo niya.

"Seryoso ba?"

"Yes!" I squealed.

"THEN WHY ARE YOU CRYING??" sigaw niya na lalong nagpatawa sa'kin. I know naman, she's not mad.


"Kasi I wouldn't be able to prank you kung hindi ako iiyak!" tatawa tawang sabi ko.

Hinawi niya kami at pumunta sa laptop ko para idouble check yung result.

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon