Lisa's POV
Para akong tinamaan ng kidlat habang nakatayo sa harap ng dining table. Si Jennie, na minsang minahal at sinaktan ko, ngayon ay nasa harap ko bilang nobya ng matalik kong kaibigan. Ang ngiti ni Kai habang nakatingin kay Jennie ay puno ng pagmamalaki, habang ako naman ay pilit na nilalabanan ang kaba sa dibdib ko.
Kai cleared his throat, breaking the tense silence. "Lisa, meet Jennie, my girlfriend," sabi niya, proud ang tono ng boses niya.
Bago pa ako makapagsalita, sumagot na si Jennie. "We've met before. We were like..." Nagpause siya, tila nag-iisip kung paano sasabihin ang susunod. Tumingin siya sa mga mata ko at sinabing"...us—colleagues."
Napakagat ako ng labi, pilit itinatago ang tensyon sa loob ko. That small pause was loaded, filled with a meaning that only Jennie and I could understand.
Kai blinked, looking slightly confused but quickly brushed it off. "Oh, really? That's interesting! Small world, huh?"
Jennie gave a tight but polite smile. "Yes. Very small."
Sinubukan kong ngumiti, pero alam kong pilit iyon. "Nice to see you again, Jennie," sabi ko, pilit na pinapalabas ang boses ko na walang emosyon.
Irene, always the curious one, leaned forward and smiled. "Tell me, Jennie, how did your love story with my brother begin?"
Lahat ng mata sa mesa ay nakatutok kay Jennie. Hindi ko alam kung bakit pero parang tumigil ang mundo habang hinihintay ko ang sagot niya.
Jennie glanced at Kai briefly before answering, her voice steady but casual. "We met through work. We were in the same team. At first, we didn't really talk much, but eventually, we got to know each other better. One thing led to another, and here we are."
Kai smiled warmly, clearly proud of her answer. "Yeah, we make a great team—in and out of work."
Habang nag-uusap sila, ako naman ay nanatiling tahimik, pilit na iniintindi ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Jennie. Ang ideya na nakasama niya si Kai sa trabaho, na nakilala niya ito sa isang lugar na dati'y sa akin siya tumatakbo para maghanap ng suporta, ay tila isang palaso sa puso ko.
Pilit kong pinanatiling kalmado ang sarili, pero ang selos ay hindi ko kayang itago. Sa bawat ngiti ni Jennie kay Kai, sa bawat galaw nilang magkasama, ramdam ko ang lungkot at pagsisisi.
Habang tinutuloy nila ang kanilang kwentuhan, naiwan akong nag-iisip: paano ko haharapin si Jennie ngayon? At paano ko maitatago ang nararamdaman ko kay Kai, sa kapatid ni Irene, sa best friend ko, na ngayon ay nagmamahal sa taong minsan ko nang sinaktan?
Sa hapag-kainan, masaya ang lahat, lalo na si Kai na tila hindi mapigilan ang mga ngiti habang kausap si Jennie. Halos lahat ng atensyon niya ay nakatuon sa kasintahan, na para bang walang ibang tao sa paligid. Si Jennie naman ay masiglang tumatawa sa mga kwento ni Kai, at paminsan-minsan ay hahawakan ang braso nito, tila sinasadya pang ipakita kung gaano sila ka-sweet.
Nakatitig si Lisa sa kanila, hawak nang mahigpit ang kutsara at tinidor. Hindi maalis sa isip niya ang mga nakaraang alaala kasama si Jennie, na tila bumabalik lahat sa harap ng hapag-kainan. Sa bawat hagikgik at haplos ni Jennie kay Kai, tila lalo siyang iniinis ng pagkakataon.
Mula sa kabilang dulo ng mesa, napansin ito ni Irene. Ilang beses nang napansin ni Irene ang malamlam na ekspresyon ni Lisa mula nang magsimula ang hapunan. Sa pagkakataong ito, mas matalim ang mga tingin ni Irene sa nobya. Napatingin siya kay Lisa, ngunit bago pa siya makapagsalita ay nagtama ang kanilang mga mata ng amang si Calix .
Si Calix, na kanina pa tahimik habang inuubos ang pagkain, ay napansin ang kakaibang tensyon sa anak niyang si Irene at kay Lisa. Isang makahulugang tingin ang ipinukol niya kay Irene, na para bang nagtatanong. Tumugon si Irene ng mahinang tango.
BINABASA MO ANG
T O R N
FanfictionHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...
