Ilang araw na ang lumipas simula nung nangyari yung sa amin ni Jennie pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin. I tried to approach her many times but I always failed. Palagi niya rin kasi akong iniiwasan sa tuwing magkakasalubong kami sa opisina at kapag may mga team lunch at dinner naman o kaya inuman ay palagi niya lang akong iniignore na para bang hindi ako nag eexist. Sa totoo lang nasasaktan ako sa ginagawa niya pero ano ba namang karapatan kong magreklamo diba? Wala namang kami in the first place at for sure mas nasasaktan siya sa mga nangyayari. Napaka gago ko naman kasi para maramdaman 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Actually, hindi ko alam kung ano ba talagang gusto ko sa kanya basta ang alam ko lang gusto kong nasa tabi ko lang siya. Ayoko siyang mawala. Naputol ang pag iisip ko nang biglang tumunog ang phone ko. I answered it without even looking who the caller is.
"Lisa!" inilayo ko ang phone sa tainga ko nang marinig ang maingay na boses ni Jackson. Oo, kahit hindi ko tignan alam kong siya yun dahil kilalang kilala ko na ang boses ng lalaking 'to.
"What?" iritableng sagot ko.
"Ay ba't agagalet?" mapang asar pang tanong ng mokong.
"Jack I'm not in the mood right now, okay? Bakit ka ba napatawag? What do you need?" pikong tanong ko ulit.
"Gusto lang naman kitang ayain dito sa The Pub. Andito ang tropa. Baka lang naman hindi ka busy at gusto mong pumunta? Inom lang" pag aaya niya.
Should I come? Maybe I should. Siguro mas makabubuting ilihis ko muna ang atensyon ko at kalimutan saglit ang mga problema.
"Okay I'll be there" I dropped the call at agad na inayos ang mga gamit ko since tapos na rin naman ang office hours.
Hindi na rin ako nagpaalam kina Jisoo dahil nasa meeting pa naman silang tatlo. Hindi rin naman siguro nila ako hahanapin. Saglit lang ang byahe papuntang The Pub since malapit lang yun sa office. Pagpasok ko pa lang ay may kamay nang umakbay sa akin.
"Finally! My bestfriend's here!" it was Jackson.
Agad kong inalis yung kamay niya na nakapulupot sa balikat ko at sinamaan siya ng tingin. Tumawa lang siya at saka uminom sa hawak niyang baso ng alak.
"Sungit!" tatawa tawang sabi nito bago ako hilahin papunta sa kung saan nakapwesto ang tropa.
Tulad nga ng sabi niya andito ang buong tropa. Lahat nung kasama naming maglaro ni Jennie ng laser tag.
"Hey Lis! What's up? Akala ko iindianin mo na naman kami e" it was Bambam. Inakbayan niya ako at agad inabutan ng isang baso ng vodka.
"Just busy, pasensya" I countered bago inalis ang braso niyang nakapatong sa balikat ko. Masaya nila akong binati at agad na pinaupo sa vacant seat na talaga raw inilaan nila para sa akin. Wala pa namang lasing dahil nagsisimula pa lang ang inuman at kwentuhan. Nakikinig lang ako at hindi nakikisali dahil wala ako sa mood at pumunta lang talaga ako rito para uminom. Habang lumalalim ang gabi ay unti unting nalalasing ang mga kasama ko. Umiingay na sila at isa isa nang humahanap ng maitatable at malalandi. I shook my head and smirked while watching almost all of them making out on the couch. Even Jackson is nowhere to be found. So, I stood up and decided to get some air and went to the rooftop. I searched my pocket to get a stick of cigar and when I got one, I put it in between my lips, biting, while searching for my lighter. Hindi naman talaga ako naninigarilyo but when I'm stressed, I did. Feeling ko kasi nababawasan ang stress ko kahit kaunti. Napakunot naman ang noo ko nang hindi ko mahanap iyon.
"Here"
I looked up and saw a beautiful girl smiling and standing in front of me giving me her well lit cigarette.
Inabot ko yun at saka ngumiti at sinabing, "Thanks"
I started lighting mine using hers saka ko yun agad na ibinalik sa kanya. I stated another thanks before I walk towards the railing and lean on it then I stare at the beautiful city lights of Manila. Akala ko aalis na siya pagtapos nun but I was startled when suddenly she talked.

BINABASA MO ANG
T O R N
FanfictionHave you ever love someone to the point that you are willing to give everything for the sake of that love? What if the person you love suddenly reciprocated your love, are you willing to give it a try knowing that she's already committed to someone...