5

769 39 4
                                    

Di nagtagal yung byahe namin dahil walang gaanong traffic kaya wala pang kalahating oras nakarating na agad kami sa condo niya. She input her passcode and she lets me in first. Agad akong umupo sa couch dahil ang sakit na nang paa ko sa heels ko. Tapos ay tinanggal ko yung high heels ko pagkaupong pagkaupo ko sa couch. Hindi na ko nahihiya kay Lisa dahil madalas na rin naman ako dito sa condo niya simula nung tulungan ko siya sa pagrereview kaya feel at home na rin ako kahit papano. Tinawanan lang niya ko bago niya inilapag yung bag niya sa maliit na table sa living room niya at pagkatapos ay dumiretso siya sa kusina. Pagbalik niya may dala na siyang dalawang baso at isang pitsel ng malamig na tubig na sakto dahil sa sobrang init nang panahon ngayon. Umupo siya sa single seater sofa pagkalapag niya sa table nung tubig. Nagsalin siya sa baso at ibinigay niya sakin bago siya naglagay ng para sa kanya. I drunk the water in one go and she's just watching me with a smile on her face. Medyo nakakailang yung tingin niya kaya ibinaling ko sa iba at itinuon ang atensyon ko sa mga paa kong kumikirot. Dahan dahan kong inikot ikot ang paa ko to ease the soreness but I was taken aback when Lisa suddenly sat down on the floor and put my feet on her lap. Then she started massaging it.

"W-what are you doing?" I managed to say kahit na may kakaiba akong nararamdaman on how her hands moves against my feet.

Alam kong minamasahe niya lang naman ako but why do I suddenly felt hot about it. Parang may kung anong enerhiya yung nagmumula sa mga kamay niya na unti unting dumadaloy sa buong katawan ko. So, to ease the tension and hotness I'm feeling, muli akong uminom ng malamig na tubig. That's also the time when Lisa answered my question.

"Bakit ba kasi ang hilig niyong magsuot ng heels? Eh napaka uncomfortable naman. Tas pag natapilok pa kayo, injury pa abot niyo niyan!" seryosong tanong niya na nakakunot pa ang noo.

Napatawa naman ako sa reaksyon niya. Ang cute niya lang kasi. She really hated wearing heels.

"Alam mo kasi Lisa, we wear these kasi we want to look good! It makes us look more feminine and more attractive!"

She playfully rolled her eyes after hearing my explanation.

"Pft! More attractive? Feminine? Eh hindi naman agad nakikita yan eh. People always tend to look at the face first hindi naman sa paa!" debate niya habang patuloy na pinipisil ang talampakan ko.

"Kasi nga hindi kumpleto ang formal attire namin if we're not wearing heels. Heels completes our over all appearance and it somehow boost our confidence" sagot ko.

"Whatever! Basta ako dun ako sa kumportable ako. Yung hindi ako masasaktan" seryosong sabi niya naman.

"Alam mo let's just stop this argument kasi feeling ko wala naman sating ang magpapatalo. You have your own opinion and I have mine and we both have a point. Pero mas mabuti pa kunin mo na yung mga reviewer mo para makapagsimula na tayo" sabi ko sabay hila ng paa ko mula sa mga kamay niya.

"Okay na ba yang paa mo?"

"Yes, okay na. Sige na shoo! Kunin mo na yung mga gamit mo" tugon ko ulit while pushing her to stand up.

"Okay eto na" tatawa tawang sabi niya bago siya tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya.

Sinundan ko lang siya ng tingin at hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pagiging maalaga niya. Sobrang swerte talaga ng girlfriend niya sa kanya. Well, I'm lucky den naman coz I got to experience Lisa's care, of course, as her bestfriend. Di ko alam but I felt a little pang in my chest everytime na naalala ko that we cannot be more than that but I'm still trying my best na wag nang mahulog sa kanya at tanggapin na lang kung anong meron kami. Then, I was lost in my train of thoughts ng marinig ko yung sigaw ni Lisa mula sa kwarto niya. So, I shook my head and focused myself on what she's saying.

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon